Chapter 22 - Unexpected Confession

965 37 8
                                    

Nash Pov

"Wow! Ang ganda!!" mataman kong pinagmamasdan ang reaksyon ni Shirley.

Napangiti ako sa parang batang reaksyon niya.

 
Nandito na kasi kami sa Subic ng bandang 11 pm. Maganda ang view dahil kita ang dagat sa beach house nila Kuya John. Malaki din ang bahay at presko ang pumapasok na hangin sa mga bintana.

"Tara swimming na tayo!" yaya ni Ate Kath.

" Hindi pa nga nakakapagpahinga si Kuya, nagyayaya ka agad. Wala kang awa Ate!" biro ko.

"Oo nga pala. Sorry Babe." at nilambing na niya. Si Kuya John naman ngumiti lang.

" Nash, paakyat naman yung mga gamit sa taas oh." si Ate na hinihilot ang sentido ni Kuya John.

"Okay." Umakyat na ako na dala ang gamit. Tinulungan naman ako ni Shirley na iakyat ang iba.

Nadatnan namin ang dalawang kwarto na magkatabi lamang.

"Umm. Jan sa kwartong yan ang kwarto niyo ni Kuya Dj. Saming naman ang isa." tumango naman ako sa sinunod ang sinabi niyang sa kaliwa ang kwarto namin.

Pagpasok ko ay inilapag ko na ang gamit ko sa kama malapit sa balcony. Ganun din naman yung kay Kuya na malapit naman sa pintuan.

Naanticipate naman ako kung anong view sa labas ng sliding door ng balcony. Kaya binuksan ko iyun at sumalubong sakin ang preskong hangin at ang sikat ng araw.

Pagkalingon ko sa bandang kanan ay ang balcony din ng room nila Ate at Shirley. Natigilan ako nang lumabas din siya sa kwarto nang hindi ako napapansin na nakatingin sa kanya.

Kumapit siya sa bakal na nakaharang sa balcony at pumikit na para bang nilalanghap niya ang sariwang hangin.

Lalo kong napagmasdan ang mukha niya. Ang buhok niyang tinatangay ng malakas na ihip ng hangin.

Ang ganda niya.

Lalo akong natigilan nang ngumiti siya at dumilat na napabaling sa direksyon ko. Nanlaki ang mata niya.

"K-Kanina ka pa dyan? B-Bakit hindi ka man lang nagsasalita??" gulat at nahihiyang tanong niya.

"Hindi. Kadarating ko lang." I lied and look away.

" Ang ganda dito no?" pagbabago ko ng usapan at itinuon nalang ang pansin sa magandang view.

Shit ka Nash!

"A-h .. Oo nga eh. Maganda talaga dito sa Subic." sagot niya.

"May mas maganda pa bang pwedeng puntahan dito?" tanong ko.

"Bukod sa dagat? Meron naman." sagot niya.

"Really? Can we go there?" tanong ko.

"Oo naman! Ngayon na ba?" mukhang naexcite din siya. This girl is really something.

"Sige. Tara sa baba." at pumasok na ulit sa kwarto. Paglabas ko ng pinto ay dumiretsyo ako palabas ng kwarto. Magulo ba? I don't care. haha

Saktong lumabas din siya.

"Sandali lang Nash. Paano tayo pupunta doon?"

"Edi hiiramin ang sasakyan." sagot ko.

"I can drive. Don't you remember?" tanong ko.

Mukhang naalala naman na niya.

-_-

"Oo nga! Hehe Sorry naman!"

"Aish. Tara na nga." at hinila na siya pababa.

Hiniram ko naman kay Kuya John ang Ford niya at pumayag naman agad siya at binigay ang susi.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon