Shirley Pov
"T-Thank you." pasasalamat ko at bago pa ako manghina sa harap ng madla ay nagmadali na akong bumaba at dumiretso ng dressing room.
"B-Baka naman namamalikmata ka lang Shirley!" pilit kong itinatatak sa isip kahit na alam kong nandoon siya. Pero imposible dahil gabi na! Hindi niya alam na nandito ako!
Nahagip ng mata ko ang isang bote ng tubig kaya agad ko itong hinablot. Palingon ako sa pintuan habang umiinom nang hindi inaasahan ay nadatnan ko siya. Sa gulat ko ay naibuga ko sa kanya ang iniinom ko!
"Ganito ka na ba magwelcome sa mga bisita mo?" nakapikit si Nash habang ang damit niya ay basa na ng tubig.
"S-Sorry! Sorry hindi ko sinasadya..." nagmadali akong kunin ang tissue sa bag ko at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang mukha niya at ang damit niya.
Hindi ko alam kung uunahin ko ang humingi ng tawad o tanungin siya kung anong ginagawa niya dito. Pero mas pinili ko nalang na tahimik siyang punasan ng tissue dahil sa kahihiyan.
Napatigil ako sa pagpupunas nang hawakan niya ang braso ko. Di ko maiwasan ang tignan siya sa mata na ngayon ko lang napansin kanina pa akong tinititigan. Napayuko agad ako.
"Tapos ka na ba?" malumanay na tanong niya sakin. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Kung ang pagpupunas ko sa mukha niya o kung tapos na ang trabaho ko. Mas minabuti ko na lang ang umiling dahil ni isa doon ay hindi pa ako tapos. Bakas parin sa mukha niya ang naibuga ko na tubig. hehe Basang sisiw ang gwapong ito.
"I see. Hintayin nalang kita sa labas." sabi niya at binitiwan na ang kamay ko. Teka, hindi pa ako tapos!
"Teka..." naiusal ko na lamang nang mapagtantong paalis na siya. Lumingon siya sakin.
"Yes?"
"A-Anong ginagawa mo dito?" unang pumasok na tanong sa isip ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya at iniwas ang tingin sakin.
"Gabi ka na makakauwi. Ayokong magcommute ka kaya ako na ang maghahatid sayo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Pero---"
"Ihahatid lang kita hanggang sa block niyo. Kaya wag kang mag-alala na makikita tayo ng kapatid mo." malamig na sabi niya at umalis na nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko.
Nang magsimula na ang kanta ay tumahimik na ang lahat. Kahit na nadidistract parin ako dahil sa presensiya ni Nash ay mas ninamnam ko na lamang ang pagkanta. Sa bawat paglingon ko sa kanya ay taimtim lang siyang nakikinig at pinanonood ako. Walang emosyon sa mukha niya kaya mas lalo akong nag-alala.
Nang matapos na ako ay nagpaalam na ako sa ibang staff ng restau at ang grupo ng banda. Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko at lumabas na ng dressing room. Kahit malabo ang mata ko dahil hindi ko pa suot ang salamin ko ay hinanap ko parin ang table kung saan kanina siya nakaupo. Wala na siya doon kaya lumabas na lamang ako sa pag-aakalang nainip na siya.
Kahit kaunti ay nakaramdam ako ng panghihinayang. Kaya ikinagulat ko nang madatnan siya na nakasandal sa kotse niya at nakakunot na tinitignan ang kanyang cellphone.
"K-Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko at lumingon naman siya sakin. Ngumiti siya at umiling na lumapit sakin bilang sagot. Kinuha niya ang bag na dala-dala ko at dinala ito sa likod.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo magdrive thru muna tayo?" tanong niya sakin habang inaalalayan akong sumakay sa front seat at umikot na siya papuntang driver seat at nagsimula nang magmaneho.
"P-wede ba?" paniniguro ko na ikinatawa niya. Aaminin ko nagugutom narin kasi ako. Kahit pinakain na kami sa restau parang hindi parin sapat.
"Of course. Saan mo ba gusto?"
BINABASA MO ANG
Unexpected You
Storie d'amoreNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?