Terrence POV
Bakit sya nandito?
Bigla syang napatingin sa gawi ko. Ngumiti sya sakin samantalang ako ay gulat parin sa pagkakakita sa kanya. Pero ano nga ang ginagawa niya dito at bakit magiging magkaklasena kami?
"Sabrina?" bulong ko sa sarili ko. Pero alam kong narinig yon ng mga katabi ko.
"Rence!" tawag niya sabay takbo sa direksyon ko at walang anu-ano'y niyakap ako.
"Ren I missed you, you know! It's been years, how are you?" sinabi niya yan nang magkahiwalay na kami.
"A-Ayos lang," yan lang ang nasabi ko dahil gulat pa rin ako sa nangyayari. Apat na taon na din ang lumipas nung umalis sila ng pamilya niya at iniwan kami rito sa Pilipinas papuntang Korea para ipagpatuloy ang pag-aaral nya dun. She pouted. The same old Sab. Narinig ko ang maingay na pagtikhim ni Mika sa gilid kaya natigil ang batian namin.
"Terrence mukhang kailangan mo yatang mag-explain samin. Why did she call you Rence?" si Mika na nakacross arms pa. Mukhang maho-hot seat ako nito ah.
"Chill lang. I will explain it later kaya please lang umupo na nga kayo." Mabuti naman at hindi na nila dinugtungan ang tanong at nag-upuan narin.
After the introduction, Sabrina sat beside me and the guy named Jairus Manansala sat beside Mika. Ang buong barkada ay mainit ang mata samin ng katabi ko. Hindi ko na lamang pinansin iyon at kinausap na si Sabrina. Sa gitna ng pagkikipag-usap namin ay hindi ko napigilan ang mapasulyap kay Lexi. Oh dammit!
Watch your stare Lexi, you are proving to me that you're still in love with me.
Umarte akong parang wala lang at itinuon ang pansin sa guro namin sa harap. Ayokong mapansin niya na hindi lang siya ang may pakialam sa bawat galaw ko. Gusto kong mag-ingat para sa plano ko at baka masira pa kung magpapadalos-dalos lang ako at ipipilit sa kanya na akong lang ang mahal niya tulad nalang noong nakipaghiwalay siya sakin. Sisiguraduhin kong sa panahon ito, sigurado na.
Nag-ring na ang bell kaya nagkayayaan na kami na tumungo na ng canteen. Hindi pa ako nakakatayo ay pilit akong hinila ni Brace palayo kay Sabrina.
"Pre, yung totoo? Kaano-ano mo talaga si Sabrina Man? " sabay hila naman ni Mika kay Sab.
"Hey!" taas ang kilay na turan ni Sabrina kay Mika.
"Sorry." Hilaw ang ngising ani Mika ngunit patuloy parin ito sa paghila. Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot.
"I'll explain it to you later. Punta muna tayong canteen. Nagugutom na ako," pumayag naman sila kaya pumunta na kami sa canteen.
"Spill the beans bro," Brace. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiirita sa pagiging attentive ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?