Shirley Pov
Argh.. Bakit hindi mo sinabi na gusto mo din siya Shirley!!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagdadabog sa aking kama.
Hayaan niyo na ngayon lang ako maging ganito in my existence dito sa mundo.
"Bakit ka di umamin ha?!" pasigaw na sabi ko sa sarili ko. Sound proof naman ang kwarto ko eh.
Talon ako ng talon sa kama tapos hihiga at sasabunutan ang sarili ko sa sobrang inis ko sa sarili ko.
"Kasi natatakot ako?! Baka napagtripan niya ako?" sagot ko sa sarili ko.
"Yun lang Shirley?! Yun lang ang dahilan?!" pagtanggi ko sa sarili ko.
Oo alam ko! Baliw na nga ako kasi kinakausap ko ang sarili ko.
Pero puro regrets na ang utak ko kung bakit hindi ko ako umamin kay Nash pero kinoconvince ko ang sarili ko na tama lang yun.
For Pete's sake! Umamin sakin si Nash! At ang ginawa ko. Wala! Pinakawalan ko pa. Hinihintay kong sabihin niyang 'Shirley Joke lang.' pero wala! Wala siyang sinabing ganun. Argh!!
"Hindi Shirley! Tama lang yan! Diba sinabi niyo na sa isa't-isa na bawal magkaroon ng feelings sa pagitan niyong dalawa?!" pagcoconvince ko ulit.
"Pero parehas kaming merong feelings sa isa't-isa. Walang masasaktan..except Lexi." sabi ko sa sarili ko at napaupo sa sinabi ko na nagpahina ng katawan ko.
Tama nga talaga na hindi ako umamin. Nandyan pala si Lexi. Oo masasabi kong duwag ako pagdating sa ganyan. Eh hindi ko naman alam kung paano eh. Kung paano ipaglaban. Natatakot kasi ako.
Na... One day. Umamin si Lexi na mahal niya parin si Nash. Edi pano na ako? May posibilidad na piliin niya si Lexi kaysa sakin.
T_T
Argh!! Ano ba!!
Naguguluhan na ako.
"ANO NANG GAGAWIN KOOO!!" sigaw ko at talon ng talon sa kama ko.
Biglang bumukas yung pinto.
"Oy Shirley! Sisirain mo ba yung kama mo?" sabi ni Kuya Dj.
o.o
napatigil ako sa pagtalon ko sa kama.
Nandito pala si Kuya?! Pero diba soundproof tong kwarto? Bakit niya naririnig?
"Wag kang mag alala, hindi ko narinig yung mga kabaliwang sinasabi mo. Sadyang naririnig ko lang yungtunog ng kama mo sa kakatalon mo." sabi ni Kuya Dj.
Ha? Mindreader siya?!
"Hindi ko nababasa ang iniisip mo. Sadyang halata lang sa mukha mo." sabi ni Kuya.
nye? Halata ba masyado?
"Oo. Sobra." sabat pa ni Kuya.
o.o
Katakot.
Pero hindi ko nalang inentertain sa utak ko kung gaano kagaling si Kuya na magbasa ng mukha ng tao.
Tumakbo ako at niyakap ko siya.
"Kuya!!" sabi ko na tuwang-tuwa.
tumawa naman siya.
"Sandali nga lang. Bakit ka ba talon ng talon diyan sa kama mo?" pagtatanong niya.
Napayuko naman ako sa tanong niya. Nakakahiya kayang aminin sa ibang tao na naiinis ka sa sarili mo kasi hindi mo inamin sa gusto mong gusto mo rin siya. At ang masaklap pa dito ay gusto karin niya! Ang shunga ko talaga! Hayyssst!! Ang gulo ko!
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?