Nash Pov
Di kalaunan ay pumayag narin si Papa sa pagprisinta ko. Sinimulan ko nang pag-aralan ang lahat. Kahit mahirap ay nagagawa ko naman ng maayos. Aral sa umaga at aral din sa gabi. Ang eskwelahan at ang negosyo lang ang tanging nasa isip ko sa ngayon.
Hindi ko na masyadong nakakasama ang barkada dahil sa abala ako sa ibang bagay. Tuwing practice lamang nila ako nakakasama at hindi na sila umaangal.
"Mukhang pagod ka Nash ah. Magpahinga ka muna kaya." mungkahi ni Lexi nang ihatid ko siya.
"Later, may kailangan pa kasi akong gawin." sagot ko. Lumungkot ang mukha niya.
"Ayokong napapagod ka. Kaya please lang Babe. Kahit ngayong araw lang ay magpahinga ka naman. You look pale." nag-aalalang sabi niya pero imbes na masiyahan ako ay nakaramdam ako ng inis.
"I said I'm okay! Wag mo nang ipagpilitan yan." mariing tugon ko.
"O-Okay..." nangaralgal ang boses niya. Minasahe ko ang sentido ko at napapikit.
"I'm sorry. Siguro nga ay pagod lang ako." sabi ko nang hindi siya tinitignan. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya at isang pilit na ngiti ang bumalatay sa kaniya.
"I love you..." natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko na kayang umasa lang siya na kaya pang ibalik ang pagmamahal ko sa kanya. Masyado siyang naging mabuti sakin para pagsinungalingan ng isa pang kasinungalingan.
"Goodnight." nawala ang ngiti sa labi niya nang hindi ako tumugon.
Mabilis niya akong hinalikan sa labi kaya napalayo ako. Bakas ang takot sa kanya.
"I-I'm sorry kung nabigla kita." natatarantang saad niya.
"Sige na." sabi ko at lumabas agad siya. Napahampas ako sa manibela.
"Damn you Nash!" sisi ko sa sarili.
Dumating na ang araw ng intrams at mas naging distant kami ni Lexi. Marahil ay marami din kaming mga pinagkakaabalahan. Sa sobrang abala ng isip ko ay ni isa ay wala na akong naimbitahan na ibang kaibigan sa booth namin.
"Nash, kumanta ka naman! I'm sure kapag naannounce natin yan ay maraming pupunta. Maraming kita." mungkahi ni Michelle, isa sa kaklase namin.
Umiling lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng gitara.
"Oo nga naman 'cuz! You have a nice voice! Kahit naman minsan ay ibalandra mo ang galing natin sa music." Sabrina seconded.
"Bakit ba ako ang pinipuntirya niyo? Nandyan si Grae oh." pabirong ipinasa ko kay Grae ang alok nila. Ngumuso lamang ang pinsan ko.
Dahil sa kami ang unang magpeperform para panghapon ay todo ang ensayo namin. Hanggang sa dumating na ang oras at tumungo na kami sa auditorium.
"Mika, kapag dumating si Shirley papasukin mo ah. Inimbitahan ko siya eh." rinig kong bilin ni Brace. Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko.
"What? Kakanta ka na? Biglaan naman yata?" nagtatakang tanong sakin ni Michelle. Namalayan ko nalang ang sarili kong pumapayang sa request nila kanina.
"Nagbago ang isip ko. Ano, pwede pa ba?" tanong ko.
"Of course! Sino ba namang tatanggi sa Terrence Nash Ramirez? Saan mo ba gusto kitang isingit? Pang-intro o panghuli?" tanong niya.
"Pwede bang pagkatapos nalang ng sayaw namin?" nahihiyang sabi ko dahil masyado nang makapal ang mukha ko para magrequest pa. Pero wala na aking pakialam dahil si Shirley nalang ang nasa isip ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomansNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?