Chapter 28 - Magkasama

706 24 3
                                    

Shirley Pov

Isang linggo na ang nakakalipas nang nagsimula ang pasukan. Mabuti ay pumasok narin ang mga instructor sa bawat subject ko. Ang tanging ginawa lang ay ang magpakilala sa isa't-isa.

May ibang instructor parin naman ang hanggang ngayon ay dala-dala parin ang natutunan noong highschool. Alphabetical order kaming pinaupo at yun na daw ang assigned seat namin sa buong sem.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko ngayon. Ganoon din naman siya kaya nagpalitan lang kami ng ngiti.

"Blockmate tayo right? I'm Lacey by the way. Lacey Marchesa." ilang sandali ay baling niya sakin. Ngayon ay nakangiti siya sakin at nakalahad ang kamay. Hiyang tinanggap ko naman ito.

"Ah yes! Paige Shirley Mariano. You can call me anything." biro ko.

"Well, tutal ay ikaw rin naman ang makakatabi ko dito ng buong sem. Mas mabuti pang tayo na ang magkasama dahil blockmate naman tayo. Pansin ko rin naman na wala ka pang kasama base sa nakikita ko." pinagmasdan niya ang kabuuan ko. Nakasuot na ako ng uniform at salamin sa mata.

"I-Ikaw ang bahala." nahihiyang sabi ko. Kahit papaano ay may ilang parin akong nararamdaman.

"Anyway, isama narin natin siya." sabi niya sabay hablot ng braso ng katabi niya. Eh? Bakas naman ang gulat ng babaeng katabi niya.

Ngumiti ako sa kanya na pansin kong nawala agad ang pagkagulat sa mukha. Sinabi ni Lacey dito na kasama na namin siya simula ngayon.

"Liana Angie Novelete. Yang nalang." tipid na sagot niya at balik sa pagkalikot sa telepono. Napangiwi ako sa malamig na tungo niya samin. Napatingin ako kay Lacey na sobrang lapad ng ngiti dito.

"I think this is gonna be so exciting." sabay baling niya sakin. Seryoso siya?

Katulad nga ng turan niya kanina ay magkakasama nga kami kung saan man pumunta ang isa. Or let's just say kung saan ako pupunta ay doon din sila. Todo lang ang ngiti ni Lacey sakin at ito namang si Yang ay parang walang pakielam. Kahit yata ipagkanulo ko sila sa masasamang loob ay wala itong pakielam. Ang weird...

Buong oras yata ng kaunting minuto na binigay ng instructor samin para magbreak ay puro kwento ni Lacey ang narinig ko. Nakaramdam narin ako sa wakas ng ginhawa dahil mabilis ko agad siyang nakasundo. Maliban nalang dito kay Yang na wala man lang emosyon na kakikitaan. Kung hindi kakalikot sa telepono ay nagiging observant sa paligid.

Nang matapos ang oras ay umalis na kami para sa susunod na subject. Sa araw na ito ay may tatlo akong subject katulad nila. At ang business math nga ang huli naming papasukan ngayon. Napagpasyahan naming umupo sa pinakaharap na ikinatuwa ko. Mahirap kasing intindihin ang tinuturo kung nasa dulo ka. Malayo ka din sa recitation. hehe

"Alam niyo minsan, maggala-gala naman tayo. Ang boring kasi sa bahay tapos wala pa sila Mama....." tuloy-tuloy ang kwento ni Lacey samantalang ako ay tahimik lang. Wag ng itanong si Yang dahil alam na ang sagot dyan.

Wala parin ang prof kaya tuloy parin siya sa pagsasalita pero bigla siyang nanahimik. Nahulaan ko naman ang dahilan kaya umayos na ako ng upo pero ganoon parin siya. Para siyang nakakita ng imposible sa pagkamangha. Hindi ko maiwasan ang kuryusidad kaya bumaling ako sa gawing likuran ng room. Halos tumigil ang paghinga ko nang makita ulit siya.

Magiging kaklase ko siya...for real? Bakit buong isang linggo ay hindi ko siya nakita man lang at sa isang linggong iyon ay MWF ang subject na ito. Hindi ba siya pumasok?

"What a god-like features..." mukhang wala sa sariling sabi ni Lacey. Pati ba naman siya ay hindi nakaiwas sa kagwapuhan ni Nash na nakatingin narin sa gawi namin.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon