Chapter 15 - TBKB

1K 39 9
                                    

Nash Pov

Maaga akong pumasok dahil susunduin ko pa si Lexi.

"Ate! Alis na ako. Pakisabi nalang kay Mama ah." sabi ko.

"Oo na! Lumayas ka nang bata batuta ka!" sigaw niya. Makabata batuta?!

Pagkalabas ko ay sumakay na agad ako sa kotse.

"Sir. Sa girlfriend niyo po ba?" tanong ni Tatay Porro na driver namin na may kasama pang pagtaas-baba ng kilay. Alam na.

"Ah. opo. Tay'" sabi ko at pumasok na ng kotse.

Nagbeats nalang ako at nag sunglasses. Para mas gwapo ako. Pumikit ako. Para feel ang music.

Ilang saglit lang ay huminto na ang sasakyan.

"Sir nandito na po tayo." sabi ni Tatay Porro.

Pagdilat ko ay napatanggal ko ang salamin ko at tinignan ang lugar.

Ang bahay nila Shirley ang nakikita ko hindi kayla Lexi.

"Tay. Bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Eh diba umoo ka na girlfriend mo ang susunduin natin? Eto ang bahay ni Mam Shirley diba?" sagot niya naman.

Oo nga pala! Hindi pa pala alam ni Tatay Porro na wala na kami ni Shirley.

Wala pala kami ni Shirley.. Isa lang yun pagpapanggap...

"Tatay dun po kayla Lexi yung tinutukoy ko." sabi ko.

"Ha? Ka--"

"Opo. Wala na po kami ni Shirley. Nagkabalikan po kami ni Lexi." putol ko sa sasabihin niya.

Hindi nalang siya nagsalita at pinaandar na ulit ang kotse. Alam naman niyang naging kami ni Lexi dati kaya kilala niya yun.

"Masaya ka ba?" nagulat ako sa tanong ni Tatay Porro.

"Po?"

"Ang sabi ko, masaya ka na bang nagkabalikan kayo ni Mam Lexi?" tanong niya.

"Oo naman po." masiglang sabi ko.

"TBKB" sabi niya.

"Ano pong ibig sabihin nun." tanong ko. Pasensya hindi ko alam eh.

"Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib." sabi niya.

"Naks. Gumaganon ka tay!" asar ko.

Tumawa naman siya.

"Pero Sir No offense sa inyo ni Mam Lexi ah pero kung ako sa inyo Wag mong ipilit sa sarili mo na masaya ka kahit alam mo sa puso at isip mo na hindi naman talaga." seryosong sabi ni Tatay Porro. Yung totoo? Love advice lang ang hobby ni Tatay at ganun nalang kalalim ang sinabi niya?

Pero tagos na tagos yun sakin..

Totoo naman kasi yung sinabi ni Tatay eh..

TBKB.. Ilagay ko nga yan sa bokabularyo ko.

"Dami niyong alam tay. Tara na nga po. Baka po magtampo yung girlfriend ko eh." sabi ko. Sumunod naman agad siya.

---
Jairus Pov

Kotse yun nila Nash ah?

Hindi ako nagkakamali dahil alam kong sila lang ang may sasakyang ganyan ang tatak sa buong Metro Manila.

Pero diba tapos na ang pagpapanggap nila ni Shirley?

Pero bakit nasa tapat ng bahay nila Shirley ang sasakyan ni Nash?.

Kakaalis lang nung sasakyan nila nang papunta ako kayla Shirley para sana sabay kaming pumasok.

Nagdoorbell ako at lumabas naman ang auntie ni Shirley. Ang principal ng school namin mga bregs!!

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon