Kahit na nandito parin ako ay lumilipad naman ang diwa ko. Ang tanging naiisip ko lang ay si Nash. Alam kong mali kung iisipin kong iwanan silang lahat dito at hanapin siya ngunit iyon lamang ang tanging tumatakbo sa utak ko ngayon.Bumalik lamang ako nang marinig kay Brace ang mumunting mura. Nakatitig siya sakin na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napayuko ako sa maaaring sabihin nila.
"You know what, dapat alam ko ng mangyayari ang lahat ng ito e. Damn that asshole," aniya na nagpaangat ng tingin sakin.
"Hindi lang siya ang may kasalanan dito Brace. I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Please wag kang magalit sa kanya," mahinahon kong aniya. Napaawang ang kanyang labi at bahagyang lumayo sakin.
From this moment, I know that this is all my fault. Ilang beses akong sinabihan ni Nash pero hindi ako nagpatinag. I hurt Brace and also him on my decision.
"Now you're defending him. Ang galing mong mangbagsak Shirley. Tangina..." nanginginig ang boses niya nang sabihin niya ang mga ito.
"Brad, tama na. Nagmahal lang si Shirley. It's not right if you blame them for being in love." Ani Sabrina na nilingon naman niya.
"Eh ako? Nagmahal lang din naman ako ah! Paano ako?" Tanging sambit niya na nagpatigil samin. Natahimik ang lahat.
Nakita ko ang pagngisi ni Brace.
"Will you stop being so selfish Brace! Kung mahal mo si Shirley, learn to brace yourself and let her go! Sa tingin mo ba kung mananatili siya sayo ay sasaya siya?" tanging usal ni Lexi ang umalingawngaw sa buong kwarto.
"Kaya ko siyang pasayahin! Wag mo kaming pangunahan!" ngayon sy tumuon na ang galit ni Brace kay Lexi. Hinigpitan ko ang hawak kay Brace. Lumingon siya sakin.
Tinitigan niya ako gamit ang namumulang mga mata. Nakikita ko ang sakit na nararamdaman niya. I hurt my friend. I let myself to hurt him.
Pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa mga braso niya. Umawang ang labi ko sa ginawa niya.
"Kahit ngayon lang, wag mong iparamdam na importante ako sayo. Kahit ngayon lang Shirley. Mahal pa kita, wag kang paasa." aniya na nagpahina sakin.
Wala akong nagawa kundi ang pakawalan siya. Lumambot ang titig niya sakin bago siya tumalikod at iwan kaming lahat.
Ngayon ay lumapit sakin si Lexi.
"He needs time to understand, Shirley. Alam kong dadating din yun. Si Nash, go after him. He's the one who will understand you right now." She wry a smile. Bahagya akong lumayo sakanya para harapin. Pilit akong ngumiti ako at tumango. Saglit kong tinignan ang lahat na malungkot na nakatingin sakin.
Hingal na hingal ako nang makababa ako sa hotel. Nilinga ko ang bawat sulok ng hotel ngunit hindi ko siya makita. Walang bakas ng Nash o Brace akong makita.
Tanging ang cellphone ko nalang ang pag-asa ko kaya hindi na ako nag-atubili pang tawagan si Nash. Ilang ring ang hinintay ko nang sagutin niya ito.
"Hello?" I answer.
"Nash...Where are you?" I asked after he did not respond.
I just heard him sigh.
"Nasaan ka?" tanong niya nang hindi sinasagot ang tanong ko.
"N-Nandito ako sa baba ng hotel," nanginig ang boses ko nang marinig ang malamig na boses niya. I know he was mad from what I did.
"Just wait there. Ako ang pupunta sayo," sabi niya at pinatay na ang tawag.
Ganoon nga ang ginawa ko at hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Para akong robot na kinakailangan pa ng command sa amo niya. I'm gonna wait here!
Ilang minuto akong hindi man lang kumilos sa kinatatayuan ko. Ako ang may kagagawan kung bakit siya galit ngayon. Kailangan ko siyang sundin.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?