Chapter 33 - Bahala Na

799 29 4
                                    

Shirley Pov

Mabilis niyang pinunasan ang kaninang luhang tumulo sa pisngi niya. Marahang naglabas pa siya ng mura. Pero agad din akong binigyan ng pilit na ngiti.

Walang lumalabas ni isang salita sa bibig ko. Hanggang ngayon ay nanlalaki parin ang mata niya. Hindi ako makapaniwala.

"I-I'm sorry...D-Did I scare you?" nag-aalalang tanong niya na muli ay lumapit sakin.

Bigla ako umatras palayo sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

Mabilis na napawi ang ngiti nito. Lalo akong naguluhan sa ekspresyong ipinakikita niya ngayon. Pumungay ang mata niya habang nakatitig sakin. Natatakot siya? Malungkot? Hindi ko alam!

Hindi ako makapagsalita at tahimik lang din siya. Hanggang ngayon ay nandito parin kami sa tapat ng pinto. Agad akong pumasok at tinalikuran siya bago pa may makakita. Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin. Ano bang ginagawa niya?

Ilang sandali akong napaisip bago ko siya hinarap. Pilit kong ipinakita ang galit ko kahit ang totoo ay nanghihina ang tuhod ko. Makita ko lang siya ay ganito parin ako 'pag kaharap siya. What now, Shirley?

"Bakit mo ginawa yun?" Tanging lumabas sa bibig ko. Nakita ko naman na natigilan siya. Mabilis naman siyang nakabawi at kumunot ang noo niya na akala mo'y hindi naintindihan ang sinasabi ko.

"W-What?" naguguluhang tanong niya.

"Why did you kiss me?" Matapang na tanong ko. Pilit na nilalabanan ang titig na nakatutok sakin. Hindi siya nakasagot.

"Bakit mo ba ginagawa to?" dagdag na tanong ko ulit sakanya. Hindi na naman siya nakasagot.

"Bakit ka umalis?" tanong ko na naman. Umiwas ang tingin niya sakin.

"I told you we moved---"

"The other reason..." singit ko at nilingon naman niya ko.

"Hindi mo na kailangang malaman pa." malumanay na sabi niya. Naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Kahit na malumanay lamang iyong ay parang patalim ang sinabi niya para sakin.

"Tama ka, hindi ko na kailangang malaman pa! Sino ba naman ako para sa isang Terrence Nash Ramirez? Bukod sa nagpanggap na kasintahan ay wala na." patuyang usal ko. Salubong ang kilay na pinagmasdan niya ako. Nagtiim ang mga bagang niya na alam ko na ang kahulugan. Nagtitimpi siya ng galit. Siya ba ang may karapatang magalit ngayon na hindi ba dapat ay ako?

"Alam mong hindi totoo yan." mahina pero mariing saad niya.

"Hindi nga ba? Doon naman talaga nagsimula ang ugnayan natin diba? Ito naman ako, nagpabilog sa isang tulad mo at iniwan ng walang dahilan." mapait na sabi ko at nginisian siya.

"Minahal kita noon Shirley! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita kailanman pinaglaruan noon!" tumaas na ang boses niya at lumapit sakin.

"Pero sa ginawa mo, yun ang ipinaramdam mo Nash! Kaya kung talagang totoo yang pagmamahal na sinasabi mo, bakit hindi mo sabihin sakin ang dahilan ngayon? Siguro naman ay kahit kaunting guilt ay meron parin jan sa puso mo!" sigaw ko narin sa kanya.

"I'm just protecting you!"

"Protecting me? To what?" hamon ko pero matagal bago siya nakasagot.

"Dahil ayokong masaktan ka..." humina ang boses niya. Hindi ko napigilan ang paglabas ng mapait na ngiti sa aking labi. Pilit kong inaaninag ang mukha niya dahil nanlalabo na naman ang paningin ko dahil sa nangingilid na luha sa mga mata. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa pag-uusap na ito.

"Ano sa tingin mo ang ipinaramdam mo sakin noong iniwan mo ako ng walang dahilan? Hindi parin ba masakit para sayo yun? Hindi pa ba masakit ang tawag doon?" nangangaralgal ang boses na tanong ko. Napayuko siya sabay ng pagtulo ng luha ko. Pain draws on my face right now, I'm aware of that.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon