Chapter 1 - Make Sure

2.1K 44 3
                                    

Terrence's POV

"Lexi please pagusapan natin to! Nakikiusap ako sayo. Wag ganito, dont break up with me," hindi ko na mahimigan ang sariling boses sa sobrang pagsusumamo. Nagmumukhang tanga sa harap niya para bawiin ang binitiwang salita. Hindi ko hahayaang matapos ang lahat ng pagsasama namin sa hindi ko malamang dahilan.

Sa pagkakataong ito hindi ko na alam kung saan ko nailagay ang 'Man Pride' na iyan at niluluhuran ko ang babaeng ito. Tangina, ito ang unang beses kong masaktan at hindi siya nakakatuwa. Pinagmumukha akong tanga ng tinatawag na pag-ibig na yan!

Nabiktima ako ng pag-ibig at ngayon lang ako papatayin nyan sa pamamagitan ng babaeng mahal ko. Sino ba kasing nag-imbento ng salitang 'break' at nang masuntok ko?

"No Nash. I have to break up with you... I don't love you anymore so please accept it and love someone else! I don't deserve your love," sinasabi niya sakin habang umiiyak. Para saan yang luhang iyan? Akala ko ba hindi niya ako mahal? Kapag hindi mo mahal ang isang tao dapat bato ang puso mo! Hindi ka nasasaktan pero anong ginagawa niya?

"No! You deserve me, my love. I love you and I know you love me too." I refused and trying to make her understand na ayoko. Hindi ko na mapigilan ang iritasyon. Nahihirapan na ang utak ko sa paghahanap ng salita para lang wag niya akong iwan.

"Nash please, understand me... I have to break up with you." pilit siyang pumipiglas sa bawat amba ko ng yakap sa kanya. Nakatayo na ako dahil kailangan kong makita ang mata niya.

"How can I understand you if you haven't tell me the real reason why are you breaking up with me?! I don't fucking buy your reasons! Alam kong may ibang dahilan!" singhal ko.

Ang hirap sa mga babae sasabihin nilang intindihin sila kahit hindi naman nila pinaiintindi sa amin ng maayos. Magugulo ang utak, may maisabe lang para lang mag-away!

"I don't want you to get hurt..." Aniya sa mahinang boses at iniwas ang tingin. Natawa ako sa sinabi niya at napalayo sa kanya.

"Anong akala mo sakin ngayon? Hindi parin nasasaktan sa ginagawa mong pagmumukha saking tanga? LEXI! Are you blind? Makikipaghiwalay ka sakin ng hindi mo pinaiintindi ang lahat?" iritadong tanong ko. Nawawalan na ng gana sa usapang ito.

"Gusto mo talagang malaman ang reason?" Ngayon ay salubong na ang kilay niya. Hindi ako sumagot.

"I love someone else." sinasabi niya yun habang hindi nakatingin sa mga mata ko.

"I don't believe you! You can't even look at my eyes. Liar! I can feel your love everyday tapos sasabihin mong may iba ka na? I know you, ganyan ka palagi sa tuwing nagseselos ka kay Mika."

"Ginagawa ko yon para hiwalayan mo na ko! Hindi mo parin ba napagtatanto? Napakalaki kong tanga kung bakit hindi parin kita hiniwalayan kahit na alam kong may mahal na akong iba. Tama ka! Nagseselos ako kay Mika kaya napagod na ako. Hindi mo siya kayang layuan para sakin. Hindi mo kayang gawin iyon sa kaibigan mo diba? Kaya naghanap ako ng taong kayang gawin sakin yun. Yung mararamdaman kong ako lang ang mundo niya." Ngayon ay determinado na siyang iparamdam sakin ang sakit at nagawa niya nga.

"Hindi. Na. Kita. Mahal. Nash! Ayoko na." nanghina ako sa sinabi niya kaya nang aabutin ko siya ay mabilis niya akong nalayuan.

Himig na himig ko kung paano niya pinarinig sakin na tapos na siya. Tapos na kami at wala na akong magagawa.

Hindi ko inaasahan na hindi na ako makasagot sa huling sinabi niya. Akala ko ay kaya ko pang agapan. Masyadong mabilis ang lahat ng pag-hihiwalay na ito at nawiwindang parin ako.

"Nash I'm so sorry for fooling you. I hope that we can still be friends—kahit na civil nalang. Love someone else that will love you back." bibitawan na sana niya ako nung hawakan ko yung kamay niya. Last chance, baka sakali...

"Lexi... for the last time... can I hug you? F-for the last time?" baka sakaling sa pamamagitan ng yakap ko ay magbago ang nararamdam niya at bumalik siya sa akin.

She nodded.

Niyakap ko siya na parang ito na ang huling paraan. That it's a matter of life and death for me. Co'z I really am hurting right now.

Lumayo na siya at sa sobrang panghihina ko ay nakawala agad siya sa akin. Wala na akong magawa kundi ang umiling. Nananakit na ang ulo ko sa pagpipigil na maluha. Ang pagmasdan siyang naglalakad papalayo ay masakit sa mata.

Mariin kong ipinikit ang mata ko sa sakit at namumuong galit sa puso at utak. Hindi ako maaaring magtanim ng galit sa taong mahal ko pero hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit sa mga maaaring gawin nila na dapat ay kami ang gumagawa noon. Nasaktan niya ako pero hindi ko parin maitatanggi na mahal ko siya.

Sa kabila ng lahat ay nagagawa ko paring mag-isip ng paraan kung papaano ko muli siya maibabalik sakin. Hindi ko hahayaan na magmukha anong miserable habang ang taong mahal niya ay masayang kapiling siya.

Hindi ko matatanggap na hindi siya babalik sakin. I'll make sure that she'll beg for me. I'll make sure of that.


Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon