Terrence POV
Dahil sa aga ay dumiretso muna ako sa bench na malapit sa soccer field. Humiga muna ako dahil pakiramdam ko ay napagod ako mula sa dami ng iniisip. Hindi masyadong mainit dahil sa natatabunan ang bench na hinihigaan ko ng puno ng narra.
Malakas din ang ihip ng hangin kahit mukhang hindi naman uulan. Hinihila ako ng antok dahil tahimik din kaya ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdamn ang paligid.
"AAAARRRRRGGGGHHHH!!" may sumigaw kaya sa sobrang gulat ko napabangon ako at na-out of balance dahil sa hilo buhat ng biglaang bangon.
"What the---" nang makahuma sa gulat ay hinanap ko ang dahilan kung bakit muntik na akong mahulog.
Pagkalingon sa kanan ay nadatnan ko ang isang babaeng nakaindian sit sa gilid ng field at tila iritado sa tinitignan. Sinuri ko ang ginagawa niya. Nagdodrawing siguro at hindi kuntento sabay punit ng papel at suklay sa buhok. Para siyang baliw dahil naiinis siya sa sariling ginagawa. Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako habang pinagmamasdan siya.
Sa sobrang weirdo niya di ko na napigilan ang pagtawa ko kaya napatingin sya sa gawi ko. Hindi gaanong kalayuan ang distansya namin kaya bakas ang pagkagulat sa mukha niya.
Natigil ang tawa ko nang hindi parin siya nagbabago ng ekspresyon. Mataman kong pinagmasdan ang itsura niya. Para siyang nalipasan ng panahon sa pananamit niya. Mahaba ang buhok at mahabaang damit. Lahat yata ay mahaba sa kanya. Maputi rin siya.
Nang makabawi ay agad siyang napaiwas ng tingin at namula. Nahiya yata dahil nakita ko siyang mukhang hirap na hirap kanina. Walang sali-salitang kinuha niya ang mga gamit niya at tumayo na. Ngayon ko lang mapansin ang kabuuan niya. Matangkad siya at tama ang katawan. Tss. Too much details.
Sinulyapan niya muna ako ng bago na ang reaksyon. Ngayon ay mukhang galit na siya. Narealize na niya yata na pinagtatawanan ko sya kanina.
"Sorry, Hindi ko napigilang matawa. Nakakatawa ka kasi kanina. Ano ba kasing ginagawa mo kanina? Parang ginagalit ka ng papel mo." tumayo narin ako at medyo lumapit sa kanya. Paalis na kasi siya. Natigilan naman siya sa paglakad niya at nakita kong kumuyom yung kamay niya.
Pero di na sya nagsalita pa. Ilang sigundo lang ang lumipas tumuloy na sya sa paglalakad.
"Miss sorry," mabilis na siyang naglakad at hahabulin ko sana pero napaisip naman ako kung anong sasabihin ko. Napakamot ako sa ulo at tutungo nalang sana sa room nang may maapakan akong keychain at papel. Nanlaki ang matako nang hindi lang ito basta keychain, mukhang tunay na silver ang mismong chain na ito at hindi lang basta-basta ang pagkakagawa. Napalingon ako sa gawi kung saan siya dumaan. Wala na siya.
Binuklat ko naman ang papel na naiwan kasama ang keychain. Mukhang address ang nakapaloob dito pero hindi ko alam kung sa bahay ba nila ito o ano dahil may schedules. Trabaho?
Isasauli ko nalang ito sa address at sa date nadin na to para sure at baka hindi na kami magkatagpo. Sa laki ng Ford U. ay kayang-kaya mo nang magtago sa taong pinagkakautangan o ng papel.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomantizmNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?