Chapter 5 - Angelic Voice

1.3K 47 1
                                    

Terrence POV


Kinabukasan ay maaga na muli akong bumangon para makapaghanda sa eskwela. Sabay-sabay kaming kumain nila Papa, Mama at Ate Cath ng breakfast bago tumungo sa kanya-kanyang schedule.


Pagdating sa klase ay nagsimula lang magturo ang teacher at kaonting activities at quizzes sa iba. Hindi ko namalayan ang oras at uwian na pala.


Niyaya ko si Sabrina na bumisita sa amin dahil maging sina Mama ay namiss narin siya nang ikwento kong kaklase ko si Sabrina ngayon. Agad niya akong hinila pagkatapos magpaalam sa barkada. Natigil lang siya nang lumabas na kami para tawagin ang driver nila na umuwi na at sasabay nalang siya sakin.


Sabrina is so excited na todo ang ngiti habang nasa byahe kami. Magkaparehas sa reaksyong binibigay ni Ate Cath tuwing susurpresahin ng kanyang boyfriend.


"Ma?" tawag ko kay Mama. Sinabi naman ni Aling Rosy na naroon si Mama sa kusina kaya tumungo na kami ni Sab.


"Terrence, is that you? Nandito ako sa kusina. Your Ate and I baked a cake for your meryenda, come here." Rinig kong sabi niya habang papalapit pa lamang kami.



Nadatnan namin sila na naglalagay ng kolorete sa cake na ni-bake. Bakit pa nila pakabibisihan ang pagaayos sa cake kung kakainin rin naman yan at magugulo rin?


"O eto na--" Lumingon si Ate samin at nagulat nang mapansin ang katabi ko. Inalisa muna niya ang katabi ko bago nagkukumahog na lumapit at yumakap kay Sabrina.


"Surprise?" natatawang sabi ni Sabrina pagkatapos ng yakapan nila.

"We've missed you! Where have you been? You've change a lot!" tanong ni mama. Di kasi alam nila mama na umalis yang si Sab papuntang Korea, ang alam lang nila basta nalang to nawala na parang bula.


"Sorry po dahil umalis po ako agad nang wala man lang goodbye sa inyo.. Kahit ako man din po nagulat kasi basta nalang sinabi ni Dad na pupunta akong Korea at dun na mag-aaral."


"Nako sayang di mo tuloy nalaman ang nangyari sa lovelife ng pinsan mo." Himig ang panghihinayan ni Mama Mina.


"What?! May girlfriend ka na?" gulat na tanong ni Sab.

"Correction ex-girlfriend." sabad ni Ate Catherine. Hindi na ako sumagot at pinuntirya na lamang ang cake na ginawa nila. Kahit na nasa tabi lang nila ako ay malalakas ang loob na pag-usapan ako.


Nang makakuha ng plate para sa aming apat ay kumuha na ako ng akin at iniwan sila sa kusina. I don't wanna hear anything about that issue. Ilang sandali lang din ay sumunod na sila sa akin. Katatapos lang siguro na pag-usapan ako.


I can see the sarcasm in Sabrina's face.


"You cried." She stated. I 'tss' her.


"The reason why ganoon na lamang sila kung makareact kahapon especially Lexi." Ngayon ay mukhang may nakumpirma na talaga siya. The hell I care.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon