Shirley Pov"Long time no see Mika! Where have you been?" gulat na tanong ni Nash.
"Oo nga Miks, bigla ka nalang nawala na parang bula." Hindi makapaniwalang sinabi ni Brace.
Nang malinawan na ako ay nakilala ko na siya. Siya si Mika, ang kabarkada din nila na bestfriend ni Lexi. Pero bakit hindi sila nagkikibuan? At bakit bigla nalang siyang nawala?
Inakbayan siya ni Brace at inilapit kay Lexi at Nash.
"Guess what? Sila na ulit!" masayang sinabi nito kay Mika. Napatingin siya sa kamay ni Lexi na unti-unting kumakapit sa braso ni Nash at ngumiti.
"Welcome back...Mika." bati ni Lexi kay Mika. Ilang sandali lang ay ngumiti din ito sa kanya.
"I'm back, Bes." sagot nito at agad na yumakap kay Lexi na unti-unting hiniwalay ang braso kay Nash. Pansin ko ang panginginig ng balikat ni Lexi. Umiiyak siya. Maagap naman siyang inalo ni Nash na ngingiti-ngiti. After all, I felt relief. Nagiging masaya ang kapatid ko sa pagbabalik ng bestfriend niya.
Masayang nagkamustahan ang lahat dahil sa pagbabalik ni Mika. Hindi ako nakaramdam ng pagiging 'out of place' dahil madali na siyang pakisamahan. Nagbago na siya, hindi na siya tulad noon.
Tama nga, time can change a person. At hanggat may oras pa, magbabago din pati itong nararamdaman ko kay Nash. Darating ang panahon na sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Lexi ay parang wala nalang.
Nang matapos na ang break time ay dumiretso na kami sa classroom. Nakipagkwentuhan muna ako kay Jade or let's just say, kinulit ko si Jade dahil wala pa ang teacher.Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad ito sa bulsa.Si Tito, sinend na niya ang mga kakantahin para mamayang gabi. Mabilisan ko itong pinatugtog pero natigil ko nang napansin ko si Brace na nakatukod ang braso sa pintuan namin. Nakatingin siya ng diretso sakin kaya nagtaka ako nang pinalapit niya ako sakanya. Agad akong tumayo dahil baka mahalaga ang sasabihin niya.
"Hindi parin dumadating ang teacher niyo?" bungad ko sa kanya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at nilaro ng paa ang balat ng kendi sa lapag. Hayy. Hindi na naman naglinis ang mga cleaners?
Mataman niya lamang itong tinitignan. Ano bang kailangan niya sakin?
"Huy. Brace? May sasabihin ka ba kasi may gagawin pa kasi ako." dahilan ko nalang dahil sa mumunting inip na naramdaman. Iniangat niya ang mukha niya para tignan ako. Bahagya akong nahiya nang tumagal ang seryosong tingin niya.
"I'm sorry sa mga sinabi ko kanina. I did not filter my mouth." seryoso ang tono niya pero alam kong sincere siya.
Napangiti nalang ako. Alam kong mabuting tao ito si Brace, madalas lang talaga ay maloko.
"Wala yun ano ka ba. Alam ko namang biro lang yun." sabi ko at nigesture ang kamay na ayos lang talaga.
"No, I insist. Let me treat you then kung talagang hindi ka galit sakin. Lalamunin ako ng konsensya ko kapag tumanggi ka." at unti-unting sumilay ang dimple niya. Tatanggi na sana ako pero nahihiya din akong huminde. Ano ba talaga?!
"S-Sige." sagot ko.
"Cool. Mamaya ah. Ciao..." paalam niya at pumasok na ng room nila na katabi lang namin. Pumasok narin ako sa room ko dahil namataan ko na ang teacher namin.
Bago pa ako makapagpaalam kay Jade ay tinawag na ako ni Brace. Eh? Excited hehe biro lang. Nagmadali na akong nagpaalam kay Jade at lumabas na.
"May hinahabol ka ba Brace? Nagmamadali ka yata?" biro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Katakot!
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?