Shirley Pov
Pumasok na ako sa school ng maaga.
Sa pagpasok ko sa room namin ay may nakita na naman akong chocolate sa upuan ko.
Nilapitan ko iyon at napansin kong may card na naman gaya ng dati.
Ms. Beautiful (Shirley Mariano)
Oh! Ayan! May pangalan mo na naman para hindi ka na mag-isip kung para kanino yan. Haha
I just want to share my chocolates to you. Because this chocolate can give you a sweet taste that could forget your hard times just for a while. Sorry if I'm too stupid from hiding my true identity, maybe I want to gain some confidence to say to you .If only I could comfort you but it's so hard to confess who am I. But it's okay. Now you know that there is someone who want to be at your side. Which is me! Haha. Always remember that I'm here for you.
-S.A
Siya na naman! Yung dating nagbigay yata ng rose? Ah basta siya yun!
Sa sinabi niya ay napangiti naman ako.
"Hoy! Ano yan?" bulong ng tao sa likod ko na naging dahilan para mapasigaw ako.
"Aray! Ah! Makasigaw lang?" si Jade lang pala.
"Eh ang alam ko kasi ay ako lang ang tao dito. Kaya paanong hindi ako sisigaw ha?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo. Ang hinhin mo magsalita pero parang hindi naman kapag kumilos." nagdududang sabi niya.
-___-
Parang sira.. Eh ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako mahinhin eh. Yung pa maria clara. Sila lang naman nag-iisip na ganun ako eh. Pero sa totoo lang. Hindi talaga ako ganun. Siguro? Ah basta!
"Teka!" sabi niya at agaw ng card na binigay ni S.A sakin.
"Nice! Meron kang ganito? Secret Admirer? Ganda mo!" sabi niya pa.
"Hindi naman." ngiming sabi ko. Porket may nagbigay ng ganito sayo? Ganda agad? Hayy.
Hindi na siya nagsalita dahil unti-unti nang nagsipasukan ang iba naming kaklase.
Ilang sandali ay dumating narin ang teacher namin. Nagturo ng lesson etc etc. At ang huli ay surprise quiz!!
Break time na kaya mag-isa lang ako dito sa classroom. Wala si Jade kasi kasama niyang lumabas si Ran Torres.
Tahimik lang akong nakatitig dito sa card at chocolate na binigay nga daw! Ni S.A. Na ang sabi ni Jade ay Secret Admirer.
Mukhang mamahalin ang tsokolate kaya nanghihinayang akong kainin. Kung pwede nga lang ipalaminate ay nagawa ko nang ipangdisplay sa sobrang panghihinayang ko.
Pero dahil gutom ako ay kinain ko nalang ito. hehe.
Napansin ko naman si Jai na papasok sa room namin.
"Oh. Jai! Gusto mo? " alok ko sa kanya ng chocolate.
"Nako wag na. Mukhang kulang pa sayo yan eh." sabi niya pa.
Nakatingin naman siya sakin at may kinuha sa bulsa niya.
Pinunasan naman niya ang bibig ko pero tuloy lang ako sa pagkain.
"Ang kalat mo palang kumain. Bat ngayon ko lang napansin." asar niya.
"Oy Hindi ah! Ngayon lang yan." sabi ko.
Sa hindi malamang dahilan ay parang may nagtutulak sakin na tumingin sa bintana kung san makikita ang corridor.
And it hurts me a lot when I saw the two couple who seems happy to be together..
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?