Chapter 29 - Surprise

741 32 6
                                    

Shirley Pov

"Magkaklase kayo ni Nash? Bakit hindi mo man lang sinabi?" labis ang pasasalamat ko nang unahan ako ni Lacey sa balak kong itanong.

"Hindi ka nagtanong eh." kibit balikat na sagot nito at balik na naman ang tingin sakin. "Tara na, malelate na tayo." Tumango na lamang ako sa isinuwestyon niya.Kahit iba ang nararamdaman ko sa mga ikinikilos ni Yang ay nanahimik na lamang ako.

Nang makarating ay nakita ko na naman si Nash na nakaupo na sa bandang likod. Pilit kong iniiwas ang sarili sa kanya pero mukhang buong TTh ko ay makikita ko siya. Mabuti at dumating din ang professor at nagturo agad siya. Nagpaattendance at voila, tinapos niya agad ang klase.

Nang palabas na kami ay bumungad sakin ang titig ni Nash. Ako na ang kusang umiwas at lumabas ng room na iyon para sa susunod na subject. Hindi ko alam kung hanggang kailan akong iiwas sa kanya.

Tama nga ako, buong TTh subjects ko ay kaklase ko siya. Pero sa buong oras ng computer kung saan ay nakatabi ko siya sa lab ay hindi ko man lang siya sinulyapan. Buo ang atensyon ko sa intructor namin at lilingon lamang sa computer na nasa harap ko kung may ituturo siya gamit ang projector.

Ramdam ko naman ang paninitig niya sakin dahil para akong tinutusok ng mga titig niya. Hindi niya iyon ipinagkakaila nang sandaling napalingon ako sa gawi niya. Para akong nalunod ng mga titig niya at hindi ko iyon nagugustuhan kahit panandalian lamang iyon.

Bago umuwi ay napagsang-ayunan na naming kumain sa labas. Magandang mungkahi narin ito dahil malungkot kung mag-isa lang. Gutom narin kasi ako at tamad naring magluto.

"Akala mo ay makakalimutan ko yang rebelasyon mo kanina ah!" biglang sabi ni Lacey na puno ng kuryusidad ang itsura.

Sa halos dalawang araw naming magkasama ay mukhang kilala ko na talaga si Lacey. Lacey is transparent while Yang is a mystery to me. Pursigido talaga siyang makaalam ng impormasyon. Hindi ko rin naman maitatanggi na kahit ako ay gustong malaman ito.

Nanliit lamang ang mata ni Yang sa kay Lacey sabay baling sakin.

"Hindi kami close ni Ramirez kaya kaunti lamang ang alam ko." sabi niya at dumating na ang pagkain namin. Nanahimik naman si Lacey marahil ay gutom narin iyon.

"Kung ano ang sinabi ko sa inyo kanina, yun lang ang alam ko. Wala nang iba." dagdag niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napanguso naman si Lacey na nasa gilid ko.

"Sayang naman...pero totoong girlfriend niya yung Mika?" tanong ni Lacey kay Yang tapos ay baling sakin.

"Edi may posibilidad na nagkita na kayo ni Nash?" tanong naman sakin ni Lacey. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ayoko namang magsinungaling kaya mas minabuti ko nalang na maging tikom.

"Sabi ko baka girlfriend, hindi girlfriend niya." singit ni Yang.

"Ganoon na rin yon!" at tuloy sa pagkain si Lacey.

Tama si Lacey. Umalis si Mika sa school at lumipat sa iba. Sa lahat ng lugar sa Pilipinas ay hindi aksidente na dito kami magkikita. Base narin sa sinabi ni Yang ay magkakilala ang dalawang ito at palaging magkasama. Hindi imposible na may mabuong pagtitinginan sa dalawa at siguro ay hanggang ngayon. Pero hindi rin, ang sabi ni Mika ay ang ate niya na nagtatrabaho dito ang ipinunta niya. Alam niya ba na nandirito din si Nash? Ang gulo!

"Sinabi ko na palagi silang magkasama kaya ang alam ko ay silang dalawa. Yun lang yun. Ako lang ang nagbibigay ng malisya. Wag niyo akong paniwalaan." Nagpunas na ng tissue sa bibig si Yang dahil tapos na siya. Buong tanghalian ay yun ang pinag-usapan nila at ako naman ay tahimik lamang.

Isang buwan na puro ganoon lamang ang ginagawa ko. Ang umiwas at ituring na isa lamang siyang hangin sa paligid ko, hindi ko siya nakikita. Kahit maging magkagrupo man kami ay hindi ko hinahayaan na magkalapit kaming dalawa. Sila Lacey at Yang naman ay tahimik lang at mukhang walang pa namang alam sa ginagawa ko.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon