Anong nangyayari? Ito ba ang ibig sabihin ni Nash kung bakit pamilyar ang dalawa sa kaniya?Si Joy ang pinsan ni Brace at kaibigan nito ni Stan?
Nilingon ko si Nash na nakatiim-bagang at seryosong tinitingnan si Joy. Hindi man lang ito makatingin sakin ng diretso.
Bumalik ang diwa ko nang humarang si Brace sa tinitingnan kong si Joy. Nakangiti ito sakin at hindi napapansin ang pagkagulat ko sa mga kasama niya. Hindi ko man lang din napansin ang paglapit niya.
"Good morning Shirley!" aniya at lumingon kay Nash...kay Nash! I almost forgot him!
Nilingon ko rin siya na nakaiwas na ang tingin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.
Bumalik ang tingin ko kay Brace na napawi na ang ngiti. Napansin na niya ang kamay ni Nash sa bewang ko. Mabilis kong inalis ito at kumunot naman ang noo ni Brace. Pilit akong ngumiti at bumati pabalik sa kanya.
Hindi maalis ang pagdududa sa mga mata niya. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Ayoko na sa ganitong paraan malaman ni Brace ang relasyon namin ni Nash. Ayokong maging masama ang tingin nila sa isa't-isa sa bakasyon naming ito. Gusto kong maipaliwanag ko ng maayos sa kanya ang lahat.
"Brace! Tara dito, may sasabihin ako," tawag ni Grae dito. Doon lamang nawala ang atensyon niya sakin. Sumulyap muna siya sakin at kay Nash bago lumayo.
Nakahinga ako ng maluwag nang lumapit na si Brace sa kay Grae para kausapin tungkol sa gagamiting sasakyan. Ngayon ay itinuon ko na ang pansin kay Nash. Hinaplos ko ang braso niya para pakalmahin. Mabuti at tumingin na rin siya sakin.
"I was trying not to be jealous,okay? But you can't blame me, you're my girlfriend! Seeing my friend hitting on you wants me to punch his face, sweetheart." mariing tugon niya. Napangiti ako sa pag-amin niya.
"I know and I'm sorry. Babawi nalang ako, promise!" sabi ko para gumaan ang loob niya.
Ngunit agad akong nagsisi nang masilayan ang ngisi sa kanyang labi. Nanliit ang mata ko sa iniisip niya.
"Now you're giving me reward for being a good boyfriend? Can I claim it after this?" he playfully said. Napalunok ako bago tumango. Diyos ko! Kung anu-ano nalang ang naiisip ko dahil sa panunukso niya! Forgive me, God!
"Now, you're blushing sweetheart!" natatawang sabi pa niya. Lalong uminit ang pisngi ko sa pag-aasar niya.
Natigil ang panunukso niya sakin nang tawagin na kami nina Sabrina at Lexi. Tumungo na kami ng bahay para magpaalam kina Tita Carmina at Papa.
"Mag-iingat kayo doon. Bantayan niyo ang mga dalaga!" bilin ni Papa sa mga boys. Sumaludo naman ang mga ito na ikinatawa namin.
"Before I forgot,everyone, this is Joy, my cousin. And Tristan, childhood friend namin." pakilala ni Brace sa dalawa. Nginitian niya kami pero hindi siya makatingin sakin ng maayos. Nararamdaman ko na alam niya ang lahat ng ito. Pero bakit hindi niya sinasabi sakin? Samin ng pinsan niya?
Pinili namin ni Nash, Sabrina at Jairus na sa dulong pwesto kami ng sasakyan. Si Nash ang sa bintana, ako, Sabrina at Jairus ang sa kabilang bintana. Sa pangalawang linya sina Brace, Joy at Stan. Sa una naman sina Joaquin, Lexi at John. Sa front seat ay si Grae at ang driver. Matapos i-check ng driver ang sasakyan ay umabante narin ang sasakyan.
Kwentuhan, tawanan at tulog lamang ang ginawa namin sa isang oras na lumipas sa byahe. Hindi ko alam kung saan na kaming banda pero nakakakita parin naman ako ng mga kabahayan. Nasa Maynila palang kami?
"Banyo break muna!" ani Jairus nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Tinignan naming siya.
"Bakit? Hindi ba kayo naiihi? Ihing-ihi na ko!" ani Jairus na mukhang constipated. Tumigil nga ang sasakyan sa isang talahiban.
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceNararapat nga ba na ipagpatuloy ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang pagpapanggap? Is it really enough to be drown with love despite hurting someone else? Is it really worth it or it will be the biggest regret in life?