Chapter 38 - Want

807 30 3
                                    

Shirley Pov

Ayaw ko man ay pinilit kong bumitiw sa hawak niya. Natigilan siya sa ginawa ko at nagdilim na naman ang tingin niya. Napaiwas ako ng tingin.

Gusto kong magdiwang kasama siya pero nagui-guilty parin ako sa kanya. Dahil ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal niya. Sobra-sobra pa nga pero sa oras na naalala ko si Ms. Sharie, Mika at Lexi... Pakiramdam ko ay bukod sakin ay may iba pang maaari niyang mahalin. Natatakot akong sa oras na mamulat siya isang araw ay iba na ang mahal niya. Alam kong pakakawalan ko siya pero paano naman ang pagmamahal ko sa kanya?

"Tapusin mo na yang kinakain mo. Aalis lang ako." malamig na sambit niya. Kinabahan ako sa pagiging malamig niya.

"S-Saan ka pupunta?" tanong ko. Nilingon niya naman ako at napaawang na lamang ang bibig ko nang makita ang mga mata niyang blangko ang ekspresyon.

"Sa cr."aniya kaya tumango na lamang. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumayo. Nanginginig ang kamay ko na gusto na siyang hawakan pero hinayaan ko lang siyang tumayo at naglakad na tanging likod niya na lamang ang nakikita ko. Napabuntong hininga ako nang mawala na siya sa paningin ko.

Ilang minuto na ang lumipas ay wala parin si Nash. Kakatingin ko palang ng oras at malapit nang mag ala una. Tinignan ko ang pagkain ni Nash na hindi nagalaw.

Nang mainip sa kahihintay kay Nash ay hindi ko na mapigilan ng sundan siya. Kinuha ko na ang mga gamit ko pati ang iniwan niyang bag. Nagsimula na akong maglakad patungong men's room, nang sa hindi kalayuan ay namataan ko na siya.

Mabilis ang paghinga ko dahil alam kong siya iyon kahit na nakatalikod. Pinilit ko paring suriin ang itsura ng babaeng kayakap niya.

Lalo akong nanlumo nang makilala na si Ms. Sharie ang kayakap niya. Namanhid ang buong katawan ko na kahit ang sakit ay hindi ko na maramdaman. Masyado nang nasanay ang puso ko na masaktan na kahit ang pagluha ay hindi ko na magawa.

Dumating na ang oras na akala ko'y matatagalan pa. Bakit ba ang dali-daling saktan ako ng pagkakataon? Alam ko na sa simula palang ay ako ang talo pero tinuloy ko parin.

Mabilis akong tumalikod at tinungo muli ang daan upang makaalis dito. Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayang bumabalik ako sa canteen kung saan niya ako huling iniwan. Pagpapakatanga na siguro itong ginagawa ko dahil hinihintay ko parin siya kahit alam kong may kasama na siyang iba.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong tulala dahil natilihan lamang ako nang maramdaman ang pag-upo ni Nash sa tabi ko. Nilingon ko agad siya at umaasang magpapaliwanag kung bakit siya natagalan ngunit wala akong narinig sa kanya. Nakatingin lamang siya sa plato kong hindi na nagalaw ang pagkain simula ng bumalik dito. Hanggang ngayon ay malamig parin siya sakin kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

"Hindi ka parin tapos kumain?" tanong niya nang hindi ako sinusulyapan man lang. Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri at pinaglaruan ito.

"Wala na kasi akong gana. Ang tagal mong bumalik, hinihintay kita eh." pilit ang ngiti kong nilingon siya. Bumuntong hininga siya.

"Hindi mo na sana ako hinintay. May kinausap lang ako kaya natagalang bumalik. Hindi mo na ba talaga gagalawin yan?"tanging sagot niya. Kahit nabitin sa dahilan niya ay hinayaan ko na lamang siya at umiling nilang sagot. Agad niyang kinuha ang gamit niya at tumayo na.

"Sandali. Hindi ka ba kakain?"agarang tanong ko. Napatingin naman siya sa relo at tumingin na sakin.

"Hindi na, ala una ang kitaan. Wala din akong gana." sagot niya sabay aabutin na sana ang gamit ko pero pinigilan ko na siya dahil kaya ko naman. Pero wrong move yata dahil nagdilim na naman ang ekspresyon niya. Nauna na siyang maglakad at iniwan na ako.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon