Chapter 32 - Other Reason

859 35 13
                                    

Shirley Pov

Katulad kahapon ay maaga rin akong pumasok. Suot-suot parin ang wayfarer ko. Hindi ko akalain na sa mga ilang sandaling nakasama ko ulit siya ay halo-halo ang emosyong mararamdaman ko.

I doubt myself if I deny my love for him na kailan ma'y hindi man lang nawala. Kung noon ay pilit ko iyong pinapalis sa isip ko ay iba na ngayon. I really admit it to myself.

Pero hindi ko sasabihin sa kanya. Baka ikalaki niya pa ng ulo yun. Isipin ko palang na puno ng ngisi ang labi niya ay hindi ko na kakayanin ang panliliit. Biruin mong kahit sinaktan niya na ako, hindi parin maalis sa kanya ang pagmamahal ko.

Pagdating sa room ay nadatnan ko agad si Lacey at Yang. Magkatabi silang dalawa sa upuan bali nakaupo si Lacey sa assigned seat ko. Naglakad na ako papunta sa kanila. Nang mapansin nila ako ay naglaro ang nakakalokong ngiti ni Lacey, si Yang naman ay makikita mo ang puno ng interes. Napabuntong-hininga na lamang ako. Mabuti nalang at wala pa ang katabi niya.

Tumapat ako kay Lacey at sinenyasan siya na umalis pero umiling lamang ito. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Hindi ko maintindihan ang mga ngiting iyan! Ayokong intindihin!

"From now on, I will sit beside Yang. You sit beside me." mapanuksong tingin ang itinuon niya sakin.

Nawala ang konsentrasyon ko sa sinabi ni Lacey dahil sa tunog ng pagbukas ng pinto. Napatingin ako sa kung sinomang pumasok. There is Nash walking towards us, his gaze were directly pointing at me.

Bakas sa mata niya ang pagod. Hindi nakatulog kaya't ang eyebags ay kumakaway na sa akin. Umiwas ako ng tingin at nilingon si Lacey na tinaliman ko ng tingin pero hagikgik lang ang isinukli.

"Excuse me." singit ni Nash. Nakaharang kasi ako sa dadaanan niya.

"Oh!" Tanging sagot ko. Agad naman akong napaupo sa upuan 'dapat' ni Lacey. Ngayon ay katabi ko na si Nash.

Hindi ko maiwasan ang tignan siya. May parte sakin ang kuryusidad kung bakit siya ganyan. Ang iba naman ay nag-aalala sa kanya.

"Will you stop staring at me. Dammit!" pigil ang inis na saad niya sa mahinang tono. Agad akong pinamulahan sa pagkapahiya. Bakit ganyan siya kung umasta, hindi ba dapat ay ako ang galit dito?

Inirapan ko naman siya dahil sa naiisip. Bumalik ang tingin ko sa harap.

"You're making me feel uneasy when you stare at me." mahinang sabi niya nang hindi ako nililingon. Ganoon parin siya nang nakangangang nilingon ko siya. Nakatakip ang kaliwang kamay sa mata na akala mo'y maraming iniisip.

"I-I'm sorry."

"Don't say sorry, I'm at fault." seryosong sagot niya. Ngayon ay nilingon na niya ako. Kumalabog ang puso ko sa lapit namin sa isa't isa. "I let you messed up my system. I gave you permission to meddle with my life." pilit ang ngiting sabi niya.

Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Hindi agad ako nakasagot. Puno ng sinseridad ang pagkakasabi niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Ano ba itong ginagawa mo Nash! Umamin na nga ako sa sarili ko diba? Gusto mo pa bang pati sayo ay umamin ako?

Hindi ko na siya sinagot pa hanggang sa dumating si Ms. Sharie. Nagsimula na ang lech at pilit na nakinig na lamang ako. Dahil ang titig lang ni Nash ang sandaling nagpapawala sa akin sa konsentrasyon. Hindi niya ba aalisin yan at baka suwayin siya ni Ms Sharie?

Nang matapos ay tumayo na kami. Si Ms. Sharie naman ay inayos ang mga gamit niya.

"Mr. Ramirez, I have to talk to you." pormal ang dagdag niya. Hindi na ako lumingon pero ang sistema ko ay ayaw sumunod sakin. Sumulyap ako ng tingin kay Mam, nang nalingon niya ako ay ngumiti lamang ako ng pilit.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon