Chapter 49 - Another Love

202 8 5
                                    



 Pagkatapos ng halik na iyon ay pinamulahan na ako ng mukha. I saw a ghost of smile on him. Ang buong akala ko ay aasarin niya lamang ako sa ginawa ko pero ang hindi ko inasahan ay ang paglapit niya sa mukha ko at pinatakan din ako ng halik. Nanlaki roon ang mata ko at pinalo siya sa braso dahil nakita ni Grae ang ginawa niya.

"The fuck? Can you just do that on private!" Ani Grae na natatawa habang si Nash ay ngumisi lamang.

"Bakit anong nangyari?" Usyoso ni John. Tumawa lamang si Grae at hindi ito pinansin.

Napayuko ako sa kahihiyan dahil sa pamimilit nila sa'kin na sabihin ang tinutukoy ni Grae. Kahit anong gawin nila ay hinding-hindi ko iyon sasabihin!

"Wag niyo na nga pilitin si Shirley," seryosong sabi ni Nash. Natahimik naman sila. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Ako nalang, " dagdag niya dahilan para siya naman ang pilitin ng mga ito. Nagtawanan sina Grae at Nash sa naging reaksyon ko. Lalo akong nahiya nang pinagtitinginan na kami ng ibang nasa table dahil kahit na may live band na tumutugtog ay ang ingay parin namin ang nangingibabaw.

Ngunit nanahimik ang lahat sa table nang biglang tumayo si Brace at walang paalam na umalis. Napatayo na'rin sina John upang sumunod ngunit pinigilan ko na.

"Ako na." prisinta ko.

"Shirley..." anila na inilipat ang tingin kay Nash na seryosong nakatingin sakin.

Bumuntong-hininga ito sabay sabing, "Go." Marahil ay napagtanto rin niyang may mali rin kami. Kahit na sabihin kong wala na kaming dapat pang itago ay kailangan parin namin na magdahan-dahan sa mga taong nasaktan namin. Isa na roon si Brace.

"Saglit lang ako." sabi ko at tumayo na para sundan si Brace.

Hindi ko na maiwasan ang mapatakbo dahil sa bilis niyang maglakad palabas.

"Brace!" tawag ko dahil baka himatayin lang ako sa hingal kung ipagpapatuloy kong habulin siya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Sapat na iyon.

"Brace sorry sa pagiging insensitive namin ni Nash." panimula ko. Hindi siya sumagot. Hindi rin ako nilingon. Ang alam ko lang ay nakikinig siya. Alam kong makikinig siya sa bawat sasabihin ko.

"Alam kong mahirap 'to sa iyo pero pinipilit mo parin intindihin kami. Nagpapasalamat ako--"

"Hindi ko kailangan." natigilan ako sa sinabi niya.

Ngayon ay lumingon na siya. I can see the emotion through his eyes despite of the distance between us. Pangalawang beses ko na itong makita sa mga mata niya. Ang una ay noong sa Subic at hindi parin ako sanay. Hindi ako kailanman masasanay na nakikita siyang nasasaktan.

"I get it. Noon pa man ay may hinala na ako. Alam kong posibleng mangyari kayong dalawa sa pagpapanggap niyo pero hindi ko inentertain yun dahil ang buong akala ko ay mahal ni Nash si Lexi..." habol ko parin ang hininga habang pinakikinggan siya. This is the closure that I want with Brace. We need each other's words to open the wounds so that we could move on.

"Marami akong tanong sa sarili ko, bakit nga ba umalis si Nash ng walang pasabi? Bakit nga ba iniwan niya si Lexi ng ganun-ganon na lang? Bakit nga ba Shirley?" maang na tanong niya.

"Is it because of you? Ha, Shirley?" dugtong niya. "Sagutin mo ako! Noon pa ba?" sigaw niya.

"Oo! Noon pa namin mahal ni Nash ang isa't-isa. Patawarin mo ko, Brace. Patawarin niyo ko kung naglihim kami." pagmamakaawa ko. Lumapit pa lalo ako sa kanya na nakatulala lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon