Simula

142K 2.3K 83
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nicholas Cyrus' POV

"Masayang pagbabalik po, sir." Masayang salubong ni Ms. Sandoval, pagkalabas ko ng elevator, at tanging tango lang ang ibinigay ko rito. Sumunod ito sa akin habang diretso ang aking hakbang papuntang opisina ko. "Mr. Yukuen just called to see if you arrive, sir. He wanted to move the meeting earlier, he realized today is their wedding anniversary, he wants to surprise his wife." Dire-diretsong paliwanag nito na ikinatigil ko, at saka ako nagpakawala ng isang malalim na buntung hininga, pigil ang sariling wag sa kanya ibunton ang galit ko.

"I'm meeting my lawyer today, if he wants to leave, reschedule this meeting next week!" Matigas at maawtoridad kong utos, saka dire-diretsong humakbang muli sa direksyon ng aking opisina ng hindi nililingon si Ms. Sandoval.

Ng makapasok ako, dumiretso ako ng upo sa likuran ng aking malaki at mahabang mesa. Nakalagay sa gitna ang malaking Mac desktop, at ilang mga folders sa mesa.

Pagkaupo ko, nahagip ng aking mga mata ang pangalan na nakalagay sa harapan ng folder, in black bold letters. Ang taong kinamumuhian ko, at pinangakong babalikan at pababagsakin, sila ng kanyang mapaglarong anak, Karen Lynn Perez.

Tumiim ang aking mga panga habang nakatitig lang sa pangalan ni Rodrigo. Biglang lumitaw sa aking isipan ang mukha ni Ayeng na parang siyang-siya sa nakikita kong paghihirap, pagmamakaawa sa pagmamahal nito.

Senaryong kahit sa nagdaang taon, malinaw parin ito sa aking isipan ...

"Hoy Montejano!" pinanlakihan ni Ayeng ako ng kanyang mga mata, nagbabala, ngunit ngayon ko lang ulit ito nakita pagkatapos ng isang buwan. Iniwasan nito ako, at miss na miss ko na siya, ngunit parang hindi ito natutuwa sa paghaharap namin.

"Hi," kiming sabi ko, pigil na pigil ko ang sariling yakapin siya dahil nanonood ang mga kaibigan nitong nasa balkonahe sa amin.

Titig na titig lang ako sa mukha nitong mala anghel.

"Nico, kailangan mo ng bumalik sa trabaho mo!" matigas nitong utos at medyo nasaktan ako sa boses nitong parang walang pakialam sa akin, at harap-harapang itinataboy ako.

Nang bigla nalang umakbay sa kanya ang isang lalake. Matangkad din ito, at halatang anak mayaman. Kung makaasta parang may relasyon ang dalawa. Pinigilan ko ang aking sariling pagsusuntukin ito sa mukha. Nanginginig na ang aking katawan sa magkahalong galit, selos, at sakit.

"S-sino siya, Ayeng?" Nabubulol kong tanong, habang panay ang aking lunok. Gwapo ito at makinis kumpara sa akin na maitim, kumpara sa mga kalyo-kalyo kong kamay, ang gusgusin kong damit dahil wala akong perang pambili ng bagong damit. Isa lamang akong hardinero, at driver lang ang aking ama sa pamilya nila Ayeng.

Lumapit na ang mga kaibigan nitong sosyal, at nakatingin sa akin na parang nandidiri, hindi maikaila sa mga mata nila ang katotohanang pinagtatawanan ako, at nanliit ako sa tinging pinupukol nila sa akin, pero hindi ko iyon ininda. Dahil sa pagmamahal ko kay Ayeng, tinanggap ko ang lahat ng panglalait sa akin ng kanyang ama, kaibigan.

Ngunit ang hindi ko matanggap, pati si Ayeng, ang yumapak sa aking pagkatao, hinamak, at pinagmukha ang pagkakaiba namin ng estado. Pinamukha sa akin na ang tulad ko, hindi kailanman nababagay sa isang tulad niya.

"Oh, anong ginagawa mo rito Nic?" Nakataas ang kilay niya, sabay laki ng mata. Alam kong pinaparating neto na malalaman nila ang about sa amin at wag akong mageskandalo.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon