Kabanata 13: Comfrontation

69.3K 1.9K 35
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

"NO!" madiin at matigas nitong sabi. "We have a deal," sabi nito sa hindi kumukurap na mga mata. Matalim ito, nagbabadya ng giyera.

"If it makes you happy to know that I was hurt, then I want you to know that I Am. For long years, this" pointing at my chest "was never restored. Up until now, that pain is still there, fresh and it never went away. Remorse, guilt, day and night, nagging me, haunting me. I always wonder how are you. And now that I know you are what I wished you where to be, it all paid off that sacrifices."

Kumunot ang noo nito lalo.

"What are you talking about?" sabi nito saka tumayo at nilapitan ako. He loomed over me, his predatory eyes pinned me.

Ibinaba ko ang aking tingin. I could feel his warmth breathing closer to me, anger radiated off him, ngunit parang hinang-hina na ako. Wala na akong lakas para makipaga argumento pa.

"You think after telling me that, all those pain would just go away in one snap? Do you think, after telling me that you felt the same way, I would bite it?" Galit na galit nitong sabi. Nawala lahat ng panghihina ko sa sinabi nito. Hindi nito alam ang dahilan, ginawa ko lang lahat iyon para sa kapakanan niya.

Marahas akong tumayo saka hinarap siya. Sinalubong ko ang mga mata nitong punung-puno ng poot, ng galit. Talim sa talim, nagtitigan kami. "I know how good actress you could be," mahina ang boses nito, ngunit kasing talim ng razor, pati mga kumikislap sa galit, "but I'm not that damned Nico you met and toyed once! You love the attention. You loved the luxury surrounded you—"

Biglang humulagpos ang galit ko sa sinabi niya. I gave him my virginity. He had proven that I never slept with any man, but he seems to still believed that I'm a slut.

"YOU KNOW NOTHING SO SHUT THE HELL UP!" galit kong sigaw rito, sabay hampas sa dibdib niya ng pagkalakas-lakas upang umatras ito. Madilim parin ang anyo nito, pero hindi ako nagpatinag. 

Ang bilis na ng tibok ng aking puso, para itong nakikipagkarerahan. Pati ang aking paghinga, bumibigat na sa sobrang galit ko na binuhay na naman niya.

"Alam mo ba kung bakit ko nagawang iwan ka? Kung bakit ko ginawa lahat iyon?" Naramdaman ko ang pagbalong ng luha sa mga mata ko. Nanginginig na ako sa galit.

"Because you love the luxury, the fame, the attention," buwelta nito sa malamig na tono na lalong ikinaningkit ng mga mata ko.

Tumiim ang pagkatitig ko rito saka kumuyom ang aking mga kamay. "

"Dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo." Nagkiskisan ang aking mga ngipin. Tumaas lang ang isa nitong kilay na hindi naniniwala. "Dad threatened me to ruin you if I keep on seeing you," patuloy ko. At habang nagsasalita ako, nawawala ang lamig sa mga mata nito, at unti-unting may emosyong lumalarawan na sa kanyang mga mata nito. "How could I be happy, knowing that the man I love so much was ruined. Hindi ko kayang mabuhay na ang lahat ng pangarap mo mawawala parang bula. I know how much you've work hard for that dream, and I don't have the heart to watch it slowly taken away from you." Lumamlam ang ekspresyon na ng mukha nitong kasing tigas ng bato kanina. "When I said all those things, every word, it was like a knife, piercing my heart, bit by bit, but I never regretted it. Seeing you now, I realized how right it was that I have to let you go. I'm sorry if I hurt you. I was weak, but if ever I was given a chance to change my past, I wouldn't change a bit." Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga pisngi na hindi ko pala namamalayang nalaglag na ang mga luhang nilalabanan ko. "You are very succesful now, and I'm happy to know that. At least, that sacrifice was all worth it." Umiling ito, saka ngumiti ng mapait, at nalasahan ko iyon. Sumikip ang aking paghinga sa nakita kong pagtalim ulit ng kanyang mga mata.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon