Kabanata 10: Wife

67.9K 1.8K 18
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Warning: SPG Alert!

Karen Lynn's POV

Nasa kusina ako ngayon sa penthouse ni Nico. We were supposed to fly to Bahamas for our honeymoon, but it didn't happen. Dahil nga sa nag-away kami. He left to work, at ako naman, tumungo nalang dito sa penthouse niya.

Ngayon, supposedly honeymoon namin kahit peke lang ang lahat, I still feel excited. I still want na maghoneymoon kami. Naisip ko, I'm twenty-nine and I want my own child. Siguro, magpabuntis nalang ako sa kanya, at by the time na maghiwalay kami, at least, I'm not alone. Kasama ko na ang anak namin, and I won't live forever. May kasama na ako, at I'm sure, magiging masaya na ako at may rason para mas lalo akong mabuhay at magsikap.

I will raise him or her alone and just the two of us.

Iniisip ko palang na magkaanak ako, biglang nadagdagan ang aking saya.

Masyado yata akong nawili na maging single, na nakalimutan kong may due date pala kaming mga babae.

Tiningnan ko ang kawali kung luto na ang sinigang ko. Instead kasi na magmukmok ako, naisip ko magluto nalang ako para sa dinner. Mag-alas dos palang naman.

Nilasahan ko ulit ito kung tama lang ang pagkaasim. Okay naman. Pinatay ko na ang stove, saka ko nilagay sa sink ang kutsarang ginamit ko.

Pagkalabas ko ng kusina, sakto namang papasok si Nico. At para akong natulos sa aking kinatatayuan ng makita ko kung sinong kasama nito.

At dinala pa pala sa bahay niya ang babae niya. Mabilis naman akong bumalik sa kusina. Nang pumasok sila, pinigilan ko ang sariling kong hambalusin ito ng palayok.

Parang wala lang rito ng magkasalubong ang mga mata namin.

Anong gusto nitong ipamukha sa akin?

Tumigas ang mukha ko, saka nagkunwaring naglilinis. Pigil na pigil ko ang aking sariling sumabog sa galit, kahit na nanginginig na ang kalooban ko.

"I didn't have lunch. Did you cook?" tanong nito sa malamig at maawtoridad na tono.

"Yes," mahinang saad ko. "Just sit, and I'll serve it," salat sa emosyong sabi ko, saka nag-umpisang pinaghain sila.

I was expecting to eat alone with him, and I was disappointed. Lalong nagkiskisan ang mga ngipin ko, habang ang aking puso parang sinakmal ng metal na palad saka pinisil hanggang sa hindi na ako makahinga.

Nagtitimping pinagsilbihan ko sila ng hindi nagsasalita. Pinilit ko ring labanan ang pagnginig ng aking mga kamay tuwing binibigay ko ang mga ipinag-uutos nilang dalawa.

He never failed to make me feel so low.

Worthless.

"Babe, anong nangyari kay Dalia?" narinig kong tanong ni Mirasol sa sobrang malambing na tono. At naiinis ako. Halos mabasag na ang plato sa sobrang pagkiskis ko rito ng sponge dahil sa inis. Pero tahimik parin ako.

"She needs a vacation," rinig kong sagot ni Nico. Hindi ko kilala ang pinag-uusapan nila.

"Get me a glass of water," narinig kong utos ni Nico, at dahan-dahan kong ibinaba ang platong binabanlawan ko, saka pinunasan ang aking kamay sa dulo ng laylayan ng apron na gamit ko pa pala. 


Lumapit ako sa cupboard kung saan nakalagay ang mga baso. Kumuyom ang mga kamay ko sa baso.

"Get me a water, too!" utos naman ni Mirasol, at humigpit ang pagkakahawak ko sa baso lalo, at walang salitang kumuha ako ulit ng isa pa, saka pinuno ng tubig ito mula sa water dispenser na built-in sa malaking fridge.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon