Wakas

94.8K 2K 181
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

"Loving someone comes in package of pain, heartaches, and betrayal. It is inevitable, but love always prevails."

Ayeng's POV

Five years later ...

"CYRUS ELIJAH!" tumaas na ang boses ko sa anak kong lampas apat na taong gulang na nagtatago sa likod ng palumpong ng gumamela sa likuran ng bahay nila Zoey. Birthday kasi ng anak nitong si Leila. Ikatatlong kaarawan nito. Sa murang edad ng anak ko, napakaloko nito, at nakakakitaan narin ng pagkapalikero. Umiiyak ang anak ni Zoey at siya ang itinuturo nitong may salarin.

"Ma," narinig ko ang boses ng asawa ko. Lumingon ako at nakita ko itong paparating karga-karga nito ang dalawang taong anak namin na si Nicolette o Coco. Parehong basang-basa pa ang mga ito mukhang kagagaling sa pool. Napatikas nito sa suot nitong hawaian printed swimming trunks samantalang ang anak ko ay napakacute nito sa two piece nitong pink na ayaw naman ipasuot ng ama nito ngunit dahil pareho kaming mapilit, wala na itong laban.

Pool party kasi ang celebration ni Leila sa likuran ng bahay nila Zoey. Nakapag-asawa ito ng piloto.

"What happened?" tanong ni Nico ng makalapit sa amin. Hind naman nakaligtas sa aking mga mata ang tinging ipinukol nito sa akin. Kahit nakaone piece ako pakiramdam ko napakaseksi ko tuwing tumititig ito sa akin. Ewan ko ba kung anong meron sa titig niya na parang laging pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Gusto ko mang magtwo piece, world war three naman aabutin ko bago niya hayaang magsuot ako ng maikling damit. Ito na nga lang one piece, kailangan pang magtalo pa kami.

"Asan ba siya?" tanong ni Nico saka ito tumayo sa tabi ko at walang sabi-sabing hinalikan ako sa harap ng anak namin.

Napahagikgik naman si Coco, tuwang-tuwa.

"Nasa likod ng gumamela," sabay nguso ko sa mataas na pulumpon ng gumamela.

Nasa kabilang side kami ng malaking bahay nila Zoey. Nagtatago kasi si Cyrus sa likod ng gumamela.

Gusto ko lang naman malaman ang ginawa nito kay Leila, ngunit parang takot na takot itong lumabas. Nang marinig nito ang boses ng ama, bigla naman itong lumabas na lulugo-lugo. Umikot bigla ang mga mata ko sa inis. Takot na takot sila sa akin pero pag ang ama, hindi.

"Cyrus?" pag-uumpisa ng ama. Nang tumingin ito sa akin, kita ko ang takot sa mala-asul nitong mga mata. Hawig na hawig nito ang ama. Bigla naman lumambot ang puso ko sa itsura ng panganay ko.

Naalala ko tuloy ang bangungot ng aking nakaraan ...

"I'm sorry to tell you that we did what we have to do, Mrs. Montejano, pero ang kapit ng bata ay mahina. You are losing the baby and I just suggest that let the nature takes its course," sabi ng doktor. Panay iyak lang ang sagot ko sa sinabi ng doktor.

Hindi ko alam kung papanong mabuhay sa araw-araw. Hirap na hirap din si Nico sa pagkokonsola sa akin. At dahil hindi ko parin matanggap ang pagkawala ng anak namin, para akong laging sira na naakaupo sa balkonahe, nakatitig sa kawalan at araw-araw ay ganyan nalang.

Si Nico nababahala narin dahil pati ang kalusugan ko napapabayaan narin. Wala narin kasi akong ganang kumain at lagi ako hindi makausap to the point na pati si Nico lagi nalang mainit ang ulo. Naramdaman ko rin ang unti-unting pagsira ng relasyon namin, ngunit sa panahong iyon, mas iniintindi ko ang sakit ng pagkawala ng anak namin.

Ilang buwan ang lumipas at lagi akong nahihilo at sumusuka sa umaga. Akala ni Nico may malala na akong sakit kaya dinala niya ako sa ospital. Para naman akong nawindang ng sabihin ng doktor na buntis ako ng halos apat na buwan. At saka namin narealized na hindi pala namatay ang batang sinabi ng doktor na walang pag-asang mabuhay.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon