Kabanata 25: Paglilihi

50.9K 1.1K 12
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

Nagising ako sa amoy ng paksiw. Biglang bumalikwas ako at tiningnan kung saan nanggagaling ang masarap na amoy. Nakangiting hawak-hawak ng aking asawa ang bed tray na naglalaman ng pagkaing kagabi ko pa sabik na sabik na makakain.

Naglalaway na bumangon ako. "Wow, paksiw na pata!" nagniningning ang mga mata kong nakatitig sa katakam-takam na paksiw plus kanin sa harapan ko.

"Breakfast in bed," nakangiting sabi ng asawa ko. Umupo ito sa harapan ko at inalalayan ako.

"God, I love you more, Nico!" hindi matatawaran ang ngiti sa labi ko habang pinapanood ko ang asawa kong sumandok ng kanin at nilagay sa plato ko. Sumandok din ako ng paksiw at nilagay ko sa plato ko. Pumikit pa ako habang ninanamnam ang masarap na pata at parang pakiramdam ko lumilipad ako sa heaven sa sarap.

Natatawang pinanood ako ni Nico. Nakaraming subo na ako ng maalala ko siya. "Bat hindi ka kumakain, pa?" tanong ko. Saka ko rin napansin ang suot nito. Naka-Armani suit ito minus the necktie.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang suot nito. Napakagwapo niya talaga. Lalo tuloy gumuwapo ito sa get up niya. Gray na pinstripe dress shirt na kahit ang kusot ay nahihiyang dumapo, gray din na pants na binagayan ng gray coat nito. Napaka-intimidating nitong tingnan. At kahit sa suot nitong suit, hindi maikakaila ang matikas nitong pangangatawan.

"Bigla kang tumahimik, ma?" lumipad bigla ang mga mata ko sa kanyang bughaw na mga mata na lagi ko nuon tinatanong sa sarili ko kung bakit bughaw ang mga mata nito na lalo lang nagpadagdag sa kakisigan nito.

"Aalis kana?" bigla akong nalungkot. Bigla akong nawalan ng ganang kumain.

Ang ngiti sa mga labi nito ay biglang nawala rin. "We don't have to separate?" sabi nito na lalo kong ikinalungkot. As much as I don't want to be separated with him, ayaw ko namang magbiyahe. Ayaw kong lumipad, at may mga araw na masama talaga ang pakiramdam ko.

Pilit akong ngumiti. "Hihintayin kita, pa. Balik ka kaagad ha?" isinaksak ko sa isipan ko na babalik din agad siya. Tumango lang ito ngunit hindi man lang ngumiti. Ramdam ko ang bigat sa kilos nito at lalo naman bumigat ang pakiramdam ko.

"Busog na ako," kako saka dahan-dahang binuhat at iniangat ang bed tray para makababa ako sa kama.

"Akala ko ba gusto mo ng pig feet?" tanong ni Nico habang kinukuha nito sa akin ang tray na naglalaman pa ng paksiw at kanin tsaka tubig.

"Mamaya ko nalang ipagpatuloy kainin. Busog na kasi ako eh," pagsisinungaling ko saka pilit na ngumiti kahit na ang bigat sa dibdib ko ang katotohanang aalis ito. Ngayon palang namimiss ko na siya. Pero kailangan ang presensya niya sa America.

Nasanay na kasi akong lagi kaming magkasama at naglalambingan. Hays.

Inilagay ni Nico ang tray sa coffee table sa may mini living room at naglakad ulit ito palapit sa akin. Tumigil ito ng isang dangkal nalang at hinawakan ako sa beywang. "I'll definitely going to miss you, and I hope you will not do things that will put your life and our baby in danger. Marcelito is outside. He's going to be your driver and personal security. Please take care of yourself kung hindi ikakamatay ko," madamdaming sabi nito. Hinalikan niya ako sa noo ng medyo matagal. "Manang Dalia came back, too. She'll be helping Manang Adelfa, para hindi rin maboring ang matandang iyon." Mahabang paliwanag nito na ikinatango ko nalang. I haven't met Dalia, but I think he mentioned na katulong nito dati sa penthouse niya.

"Ito naman, hindi ka naman magtatagal dun diba?" sabi ko.

Ngumiti ito saka pinindot ang ilong ko. "As soon as the problem resolves, I'll fly straight home," pangako nito na ikinangiti ko. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa beywang niya at isinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya, taking in all his scent that I'm sure going to miss for a few days.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon