Kabanata 3: Proposal

69.8K 2K 50
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nicholas' POV

"Nico?" Para siyang nakakita ng multo ng makilala niya ako, kasabay ng pagbugso ng puso ko pagkakita ko sa kanya. Kung nuon ang ganda niya, ngayon mas lalo siyang gumanda. Lalong sumeksi. Parang gusto ko tuloy siyang dambahin and take her there and then, ngunit nirendahan ko ang aking sarili.

Tumino sa aking isipan ang mga masasakit nitong salita nuon, na hanggang ngayon, nag-iwan ng peklat.

I never loved you, Nico. You're delusional!

Para itong sirang plaka na paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko. Walang emosyong nakatingin ako sa kanya. Mukhang di pa ito nakakarecover sa pagkakita sa akin, kita ko ang pagkislap ng pagsisisi sa mga mata nito.

Para siyang natulos sa pagkakatayo niya. I saw her eyes glistened and I thought at first, she's close to tears.

Is she crying?

To my surprise, wala man lang ni katiting na pag-alala or sympatiya para sa kanya. All I felt after seeing her was pain, and vengeance is now clouding my whole being.

Malamig ko itong pinakatitigan. "I was told, you wanted to see me?" Sabi ko sa pinakamalamig kong tono, para bumalik siya sa huwisyo. "I don't have enough time to sit here and watch you rooted on the ground, gaping at me like a stupid, Ms. Perez." Madiin ang bawat salita ko, salat na salat sa emosyon.

Nag-uumpisa na akong mairita, dahil sa pagiging traydor ng aking puso.

Pero dahil mas malakas ang kontrol ko ngayon at mas matured na, hindi na ako basta-basta patatalo sa puso ko. Mas nanaig na ngayon ang galit, at sidhi ng paghihiganti ko.

I came back to let them pay, hindi para balikan sya.

Inignora ko ang mga sari-saring emosyong bumabadha sa mukha niya. "I-I'm s-sorry," Medyo garalgal niyang sabi at nauutal pa.

I smirked.

"Sit down, Ms. Perez before you collapse," sabay muwestra sa gray na leathered armchair na katapat ng rectangular cinammon table ko. Para na kasi siyang namumutla.

I can't blame her if she's shocked.

Who wasn't?

I was nothing before, ngayon, isa ng kilalang bilyonaryo, hindi lang sa Asya, kundi sa buong mundo.

Umupo siya saka tumingin sa kandungan niya. "Ms. Perez," tumayo ako saka namulsa, bawat hakbang ko, kalkulado, habang unti-unti kong tinawid ang distansya namin, then stopped behind her.

Hinugot ko ang aking mga kamay mula sa aking bulsa, saka pinatong sa makabilang gilid ng kinauupuan nito, on either side of her head, then leaned in, hanggang sa halos magkadikit na pisngi namin, saka ako bumulong malapit na malapit sa tainga nito. "I said, my time is precious. Each seconds cost a million," madiin, malamig, at salat sa emosyong sabi ko.

Pasimple kong ninamnam ang amoy niyang gustong-gusto ko, at nakapagtataka at hanggang ngayon, ganun parin ang amoy niya. Masarap sa ilong, parang kinikiliti nito ang aking ilong, hanggang sa kaloob-looban ko.

Napasinghap ito, na inignora ko lang, saka ako ngumisi ng malamig.

Parang pinagsisihan ko tuloy ang paglapit ng aming katawan, dahil sa biglang pagdaloy ng mga dugo ko puso at biglang lumakas ang tambol nito. Reminds me of the first time I saw her sa veranda nila.

Ang ganda-ganda niya, pero no pansin sa akin.

Bigla nitong inatras ang ulo ng sa biglang paglingon niya, halos magkadikit na ang mga labi namin.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon