Kabanata 31: Evil Schemes

62.1K 1.2K 29
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Warning: Contains mature scenes. 18+ only.

Third Person POV

"Pabayaan nalang natin siya anak. Hindi basta-bastang tao ang binabangga mo. Asawa siya ni Nicholas Cyrus Montejano. Isang makapangyarihang tao. Nakuha mo na ang ari-arian ni Rodrigo. Anong paba ang gusto mo?" hindi malaman ni Samuel kung papanong kumbinsihin ang anak na tumigil na sa wala namang kwentang paghihiganti nito. Sa nakikita niya ngayon sa anak nito, nakikita din niya ang ina nitong minahal niya ng lubos lubos. At dahil sa sobrang pagmamahal niyang iyon, nabulag siya sa katotohanan. Katotohanang ginamit siya nito dahil gusto nitong tuluyan siyang mahalin ni Rodrigo. At iyon ay ang pagkakaroon nila ng anak. Hindi sila nakakabuo ni Rodrigo sa hindi niya malamang kadahilanan. At hindi niya nalaman ang motibo ni Felyn hanggang sa positibong dala nito ang anak ni Samuel, saka nito dineklarang titigil na sila sa relasyon nila.

Galit si Samuel kay Felyn at sa sarili niya. Ngunit dahil sa batang nasa sinapupunan niya, umalis siya ng bansa at ipinangako sa sariling babalik. Ngunit patay na ito ng kanyang balikan at dito na nga siya sa Cebu pumirmi para lang mabantayan ang anak nitong si Veronica, mula sa malayuan. 

"Hindi, tay. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya mapapabagsak. Kinuha niya dapat para sa akin," galit na galit na sabi ni Veronica. Madilim na madilim ang mukha nito. Walang mababakas na anumang emosyon sa mga mata nito kundi galit lang.

Natatakot si Samuel para sa anak niya. Hindi niya alam ang iisipin niya sa araw na ito. Para kasing nawawala na ito sa sarili at alam niyang inggit ang nababalot sa pagkatao nito ngayon. "Pero anak, wala ng natira kay Karen Lynn kundi ang sarili niya. Ano paba ang gusto mong mangyari? Paanong pababagsakin mo siya? Ang asawa niya kayang-kayang bilhin ang buong Pilipinas?" mahinahong paliwanag ni Samuel. Lalong nagdilim ang anyo ni Veronica.

"Yun na nga eh. Akin si Nico, tay! Akin siya." gigil nitong sabi sa nanlilisik na mga mata. Bigla tuloy natakot si Samuel sa biglang panlilisik ng mga mata ng anak nito. Hindi nalang ito umimik. "At tutulungan mo ako," parang biglang lumambot ang mukha nitong nakatingin parin kay Samuel. Sa tono nito, alam na ni Samuel kung anong pakiusap ang hihingin nito at hindi niya alam kung papanong tanggihan ang anak.

"A-at a-anong t-tulong," nauutal na tanong ni Samuel at ayaw nitong isipin ang negatibong pwedeng mangyari. 

"Kumbinsihin mong sumama si Karen Lynn sayo. Ilayo mo siya kay Nico. Patayin mo siya kung kinakailangan, para mawala siya sa landas namin!" Hindi nakahuma si Samuel. Hindi niya akalaing ito ang ipapakiusap ng anak niya. Hindi niya kayang pumatay ng tao. 

"Anak, malaking kasalanan yang hinihingi mo. Kasal na sila," pilit na pinapatatag ni Samuel ang loob niya habang sinasabi nito. Ang kaninang maamong mga mata ng anak biglang nanlisik na naman.

"Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko gusto mong bumawi sa mga pagkukulang mo sa akin—"

"Oo anak. Wala akong hinangad na gawin kung hindi bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo, dahil mahal kita. Pero maraming paraan para bumawi ako at hindi ang pumatay ang isa sa mga iyon," paliwanag ni Samuel, pilit itinatago ang takot para sa anak niya.

Dumilim lalo ang anyo ni Veronica. Nawawala na nga ito sa sarili dahil sa pansarili nitong interes. "Iyon ang gusto kong pambawi mo sa akin. Kung gusto mong magkasama tayo, sundin mo ang iniutos ko. Ilayo mo si Karen Lynn sa malayong-malayo kung hindi mo siya kayang patayin. Kailangang mawala siya sa landas ko!" Marahas na tumayo si Veronica at tinungo ang pintuan ng dating opisina o library ni Rodrigo Perez. Dito na siya ngayon nakatira sa mansyon kung saan ngayon ay naipamana sa kanya. Dahil sa matalino niyang paraan. 

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon