Kabanata 8: Mr. and Mrs.

70.5K 1.8K 53
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Warning: SPG Alert! Please be warned.

Karen Lynn's POV

"Congratulations Mr. and Mrs. Montejano." Kinamayan kami ng minister ng tito daw ng kaibigan ni Nico na si Tristan Montoya. Isang hotelier at restaurier. Andito din sila ngayon as a witness together with their other friends na mga kapwa ding businessman. 

"Thanks, tito Fred." I heard Nico said saka binigyan ng maluwang na ngiti si tito Fred. Kahit hirap man, pilit parin akong ngumiti para hindi makita ni daddy na ang lahat ng nagaganap ay pawang business deal lamang.

Nakita ko ang tuwa at guilt sa mukha ni daddy ng sinabi kong ikakasal ako kay Nico. Ng makita ni daddy siya the night after we closed the deal, pilit na nagsalita si daddy kahit hirap na hirap. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya at may luhang naglandas pa. Nalaman niya na si Nico ang CEO ng NCM at lalo siyang mukhang nanliit. Naawa tuloy ako sa kanya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad kay Nico. 

Si Nico, hindi ko mabasa ang mga mata niya. He still wears his emotionless, detach eyes at ang hirap basahin din ang kilos niya. He's very skilled when it comes of masking his thoughts and emotions.

Pinatawad niya si daddy, pero hindi ko nakita ang tunay na pagpapatawad. Parang napipilitan lang ito. Hindi naman ako nagkomento. Hinayaan ko lang silang nag-usap.

Biglang akong bumalik sa kasalukuyan ng narinig kong nagsalita ang isang kaibigan ni Nico na si Zack. "Thanks God, nabawasan na ang karibal ko sa mga babae." Ngumisi si Zack, pinsan daw ni Tristan habang kinakamayan niya si Nico. 

"Ulol!" Natawang sabi ni Nico. Ngayon ko lang nakita siyang tumawa ng ganun. Sanay na kasi akong nakikita siyang laging gamit ang madilim nitong mukha na parang nagbabadya ng bagyo. Lagi kasing parang pasan niya ang mundo. Laging iritado, at mabilis magalit.

Niyakap ko si daddy.

"Cong-ats a-ak." Nahihirapang sabi ni daddy at tumulo pa ang luha nito. Naiiyak ko namang niyakap siya. Alam ko, ang luhang iyon ay luha ng kaligayahan. 

"Salamat, daddy. Kaya dapat palakas kana." Mahinang sabi ko, habang nakatitig parin ako sa mukha nitong medyo humpak na. 

"O-o. -empr-e. M-ag-k-kar-oon n-a a-ko ng a-po." Sabi niya na tumatagilid pa ang bibig habang nagsasalita. Kalahati kasi ang katawan ni daddy ay paralized. Pero sabi ni Bek, medyo naigagalaw na niya ang naparalisang isang kamay niya.

Nakita ko rin naman ang improvement ni daddy.

"Ma, tara na." Inakbayan ako ni Nico at gusto ko sanang paniwalaan na parang geniune lahat ng ikinikilos niya, pero alam ko na lahat ay palabas lamang. Masarap ding pakinggan ang bagong tawag niya sa akin. 

Hinayaan ko ang aking sarili na maniwala sa ikinikilos nito, namnamin ang araw na ito kahit palabas lamang. 

Tinulak na ni Nico ang wheelchair ni daddy paalis sa garden ng mansion namin kung saan ginanap ang abrupt wedding. Ang hardin na yun kung saan mismo laging nagtatrabaho si Nico nuon. Kung saan ko lagi sya tinatanaw mula sa kwarto ko.

Tinungo namin ang verandah kung saan ang munting salo-salo. Gusto sana ni daddy ng magarbong kasalan, pero nagsinungaling nalang akong di na kami makapag-antay pa. Naniwala naman ito. 

"Congratulation guys.." Sabi ng lahat at nagproposed pa si Tristan ng cheers, saka na nagsipagkainan ang lahat. Konti lang naman kami. Si daddy lang ang andun na witness ko at si Bek. Wala na akong inimbitahan na kaibigan dahil in six months, magdidivorce din naman kami.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon