Kabanata 32: Evils

58.7K 1.2K 74
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nico's POV

"The bank already sent the notification. She should receive it by now," sabi ni Mrs. Larazabel. Nasa mid-forties na ito.

"I want her out of the mansion by tomorrow morning," matigas kong sabi.

"The bank is already on it," Mrs. Larazabel responded, nodding her head. "The insolvency case had been approved by the court. Every single penny the old Perez owed you shall be paid. His assets will be liquidated as a payment to his outstanding debt," dagdag paliwanag ni Atty. Larazabel.

"Good to hear that my money won't go to waste, Atty. I want it, ASAP!" pagdidismiss ko sa kanya. She nodded her head stiffly and then rose from her seat. We shook hands before she left me. Wala sa sariling nakatitig ako sa nilabasan nitong pintuan. I plopped back down on my chair and slouchily leaned against the swivel chair.

Nalaman ko rin na ang ama ni Darell ay nagtatrabaho ngayon sa kaibigan nitong may-ari ng isang warehouse. I've already talked to Darell's boss as well, Aristo Cauilan. He promised me to fire him the moment he shows up in his office or I will pull out all my share from his small company.

My head reeled again at the thought of Veronica and Darrel. The court denied the case we filed against Veronica and Darrel despite my wife testifying against them. The evidence was insufficient just as my lawyer predicted. She just went along since she couldn't defy my orders. I was paying her well for nothing.

Plan A fails, then my plan B should work this time. If I can't get them both in that damn cells, then I'll throw them both in the street. I'll make sure their life both turns into hell.

Wala sa sariling hinugot ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Pinindot ko ang speed dial at narinig ko ang pagring ng telepono ni Ayeng. Walang sumasagot dito. Nakakunot-noong dinayal ko naman ang telepono sa bahay. Tumunog ito at hindi nagtagal, narinig ko ang boses ni yaya Maring.

"Hello—"

"Yaya, si Ayeng po?" tanong ko pagkasagot nito.

Bigla naman itong nataranta pagkarinig sa boses ko. "Ah ikaw pala, anak. May bisita siya eh," sagot nito.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa biglang may bumundol sa aking dibdib. Napahigpit din ang hawak ko sa telepono. "Alam niyo po ba kung anong pangalan ng bisita niya?" tanong ko.

Baka kaibigan lang nito.

"Samuel daw eh—"

Biglang parang lumaki ang ulo ko sa narinig. Dali-dali kong hinablot ang coat kong nakapatong sa likod ng upuan ko at dali-daling lumabas mula sa aking opisina pababa ng gusali. "Yaya, wag niyo siyang iwan mag-isa," bilin ko sa matigas na boses habang walang sinayang na oras at nagmamadaling sumakay sa sasakyang nakaantabay sa harap ng gusali.

Pinatay ko ang tawag. "Bahay, Mang Dencio," wala sa sariling singhal ko sa matandang nakaupo sa driver's seat. Samut-saring senaryo ang naglalaro sa isip ko. Mga senaryong ayaw tanggapin ng isipan ko.

Pumikit ako ng mariin habang pilit pinapakalma ang umuusbong na galit sa dibdib ko, at para hindi ko masinghalan na naman si Mang Dencio.

Hindi nagtagal, pumarada sa harap ng mansyon namin ang sasakyan. Dali-dali akong bumaba at halos takbuhin ko ang pintuan. Mabilis namang binuksan ni Diego ang pintuan, saka malalaki ang aking mga hakbang papuntang sala ng makasalubong ko si yaya Maring.

......

Ayeng's POV

Nakatitig lang ako sa lalakeng nakaupo sa harap ko. Naka upo ito sa pang-isahang upuan. Pareho kaming tahimik habang pinagmamasdan ang isa't-isa. Nang magkadaupang palad kami, wala akong naramdamang kahit na anong koneksyon. Yung bang pakiramdam na nangungulila sa ama.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon