Kabanata 28: Wrath

55.8K 1.3K 15
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nico's POV

Madilim na madilim na at kasing dilim din ng aking anyo ang kalangitan. Hindi parin namin nahahanap ang bahay kung saan dinala ni Darell at Veronica si Ayeng at lalong tumitindi ang galit ko sa dalawa. Kasama na ngayon ng pulis si Veronica, ngunit ayaw paring aminin kung nasaan ang asawa ko. 

Ilang oras narin kaming nagtanung-tanong sa mga bahay bahay at ang mga at habang papasok kami, lalong nagiging maliblib ito. Ang mga sumusunod na kapitbahay ay malalayo na. Kanina pa namin pinatay ang tawag baka daw tatawag si Darell at biglang uuwi ito. Naramdaman ko ang takot sa boses ng asawa ko at naawa ako rito. Kahit gustuhin ko mang marinig ang boses niya, kailangan kong mag-antay hanggang sa mahanap namin ang tinitirhan nila. Sinabi nito ang itsura ng bahay at ang kapaligiran nito. Ang mga bahay ngayon ay tulad ng inilarawan niya. May dalawang puno ng niyog sa harapan, at mga puno ng mangga na hindi kataasan. 

"Magandang gabi ho," sabi ni Oscar and isang pulis na kasama namin na ngayo'y kumakatok sa pintuan na gawa sa mumurahing kahoy. 

Maya-maya, lumangitngit ang pintuan habang binubuksan ito ng isang lalake na nasa edad na sisenta na, sa likuran nito ang asawa nito. Parehong payat at maitim ang balat gawa siguro sa pagkabilad sa araw. 

"Anong maipaglilingkod ko po sa inyo, sir," tanong nito kay Oscar.

"Manong, pasensya na po kung naistorbo namin kayo. May hinahanap po kami kasing babae na nasa 5'7 ang taas, maputi po ito tsaka balingkinitan," saka itinuro ni Oscar ang tangkad nito na tinanguan lang din ng matandang lalake. "Asawa po siya ng kasamahan namin at nawawala po," dagdag nito sa mahinahong boses pagkatapos akong itinuro.

"Pasensya na, sir, wala po akong nakita na naglalakad na parang nawawala o nakilalang babaeng ganyan katangkad—"

"Sir, ano pong pangalan ng babae?" tanong ng asawa nito na nasa likod kanina na ngayon nasa tabi na nito at mukhang may alam.

"Karen Lynn, po," sagot ko sa babae. Biglang lumiwanag ang mukha nito pagkasambit ko ng pangalan ni Ayeng.

"May nakilala nga akong pangalan na ganyan. Pumunta siya rito at nagtanong kung anong pangalan ba ng baryong ito dahil nawawala daw siya. Diyan siya galing. Sa daang yan," lumabas ang babae at tinuro ang daan na hindi pa namin napupuntahan. 

"Ah, salamat ho," sagot ko at dali-dali naming binagtas ang daang puro niyogan, matataas na damo, saka palayan sa magkabilang gilid ng kalsada. Walang mga bahay ang nadaanan namin hanggang sa makarating kami sa taas ng bundok kung saan may isang hindi kalakihang bahay at napapalibutan ito ng mga puno ng mangga at dalawang puno ng niyog sa may harapan, saka iba't-ibang puno ng prutas. Tumigil ang tatlong sasakyan ng mga pulis sa likuran namin. 

Habang palapit kami, palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Mula sa amin kitang-kita ko ang ilaw na hindi masyadong maliwanag sa harap ng pintuan. May hindi kataasang hagdanan ito bago ang pintuan. Ang ibabang parte ng bahay ay gawa ng bato at ang itaas ay kahoy. 

Walang sasakyan sa harapan. 

"Ang iba sa likod," sinenyasan ni Oscar ang ibang kasamahan niya para palibutan ang buong bahay kung sakaling magkagulo.

Mukhang tahimik naman ang bahay. May liwanag na nanggagaling mula sa maliit na siwang sa isang kwarto.

Dali-dali akong tumungo sa may hagdanan ng hinawakan ako ni Oscar sa balikat. "Hindi natin alam kung andyan ang suspect kaya hayaan mo kami ang susugod," sabi ni Oscar. 

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon