Kabanata 27: Escape

47.9K 1.2K 8
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nico's POV

"Hey, you better go home, Cyrus. Drinking is not the solution to your problems," sermon ni Zack. Wilmer can't come dahil mukhang may problema din ito.

"I'm fine, Zack. I just want to stay here longer," pagmamatigas ko. I could see that he seems bothered so I encourage him to leave me.

"Sige, okay lang ako dito pre," sabi ko saka ulit nilagyan ng rum ang baso sa harapan ko. Nangangalahati na ako sa rum. 

"Lasing kana, Cy. Walang magdadrive sayo pauwi," paalala nito. 

"I'll just call my driver. I'm still capable to think straight," pagak akong tumawa na ikinatapik lang nito sa balikat ko.

"Alright. Let me know if you need me," sabi nito bago umalis. Tumango lang ako at hindi ito nilingon ng lumakad na palayo. Maingay at halu-halong amoy sa loob ng bar. Magkahalong pawis at mainit sa loob sa dami ng tao, ngunit inignora ko ito.

Malapit ko ng maubos ang isang botelya ng rum ng may biglang umupo sa tabi ko. It was Heina again. As much as I don't want to entertain her or wanted any company, I thought I owe her for opening my eyes what's going on behind my back. She watches me as I kept on downing the rum until it was almost over.

"I think you had enough," sabi nito saka ako pinanood na itinungga ang huling baso ng rum. 

"I can ishtill manhange," I slurred, my head almost hit the bar counter top feeling so heavy. My vision is is starting to get foggy, blinding my vision. 

"Let's go, Nico!" Naramdaman ko itong bumaba sa stool at tumayo sa tabi ko, saka nito ipinatong ang kamay sa braso ko at pilit akong pinapababa sa stool. 

Everything seems spinning around me so I let her lead me out from the crowd. I heard a muffled voice.

"You need help, miss?" I didn't hear her response since I can feel everything blackening out.

......

Ayeng's POV

Pagkababang-pagkababa ko ng tawag ni Darell, dali-dali akong pumunta sa kwarto at nagbihis sa damit na andun. Malalaki ang mga ito at parang kasya ito ng dalawang tao sa laki. Mukhang malaki ang dating may-ari. 

Para naman akong machine sa bilis ng galaw ko. Ang bilis ng tambol ng puso ko. Pilit kong itinatabi ang takot sa puso ko at pilit itinatatak sa isip ko na makakaalis ako sa impyernong ito. At ito na ang pagkakataong makagawa ng paraan. 

"God, please help me." Pipi kong dasal habang mabilis na nagpalit. 

Isang bestida na parang kinain na ako ng buong-buo ang pinili ko saka ako nagtatakbong lumabas ng bahay. Parang nasa farm kami sa layo ng kapitbahay. Mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi ko inintindi ang init nitong kumukurot sa nakabilad kong balat. Palingon-lingon ako habang tinatahak ko ang baku-bakong daan. Wala ni anino ng sasakyan. Puro palayan ang nakikita ko sa magkabilang gilid. Mga ilang minuto din ang nilakad ko bago ko nakita ang sumunod ng bahay. 

Tumutulo na ang pawis ko sa sobrang init at uhaw na uhaw na ako. Kanina pa ako palakad-lakad ng walang patutunguhan para makakita lamang ng kapitbahay at mapagtanungan. Hindi ko kasi alam kung anong eksaktong lugar ito.

Kailangan kong makasiguro muna bago tumawag. 

Tiningnan ko ulit ang cellphone na nasa maliit na bulsa at nakita kong walang connection. Bigla akong naalarma. Papanong may connection sa bahay pero wala dito?

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon