Kabanata 16: Hot-mess

76.4K 1.8K 32
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Warning: SPG Alert. Read at your own risk.

Nicholas' POV


Pinanood ko lang si Ayeng na kumakain ng sushi nito, habang ako naman, nagkasya nalang sa ginawa kong sandwich. Sarap na sarap ito, at natutuwa naman ako at kumakain ito ng maigi.

"Here, tikman mo," sabi nito sabay lapit ng isang sushi na may nakalawit pang buntot ng hipon, may avocado pa ito, at kung anu-ano pang inihalo at paran gusto ko ng ilabas ang aking kinaing sandwich.

"Ma, kulang pa ang mga iyan kung kakainin ko yan," sabay turo gamit ng aking mata sa malaking plastic box kung saan may iilan nalang natira.

Sumama ang mukha nito, hindi nagustuhan ang pasimpleng pagtanggi ko. Natakot naman akong mastress ito, kaya kahit ayaw ko man, ibinuka ko ang aking bibig, saka nito nilagay ang isang medyo may kalakihang pirasong sushi, at ilang nguya lang, nilunok ko na ito, sabay inom ng tubig, pakiramdam ko, nasa lalamunan ko pa ito, at lasang-lasa ko ang seaweed, nasusuka tuloy ako.

Ngiting-ngiti ito habang kumakain, nakatitig sa akin. "Masarap ano?" lumalaki pa ang mga magaganda nitong mga mata dahil sa tuwa, at sapilitang tumango nalang ako, ayaw kong mawala ang ngiti nito.

Ang kaninang tigas na tigas kong alaga, namatay narin dahil sa panlasa ng sushi. Lasang-lasa ko parin ang sushi, at naiirita na ako.

"May kukunin lang ako sa kusina, may gusto ka bang kunin ko?" tanong ko rito na abalang-abala sa pagnguya.

"Ah, coke please," sabi nito na medyo puno pa ang bunganga.

Sabi ng doktor, iwasan ang mga softdrinks. "Ma, bawal ang softdrinks," paalala ko, ngunit sumama ang mukha nito.

"Di wag!" galit nitong sabi. Nagpakawala ako ng isang buntung hininga.

Pumunta na ako ng kusina saka kumuha ng beer. Agad kong binuksan ito saka nilagok, nawala naman ang lasa ng sushi pagkatapos. Patalikod na sana ako pabalik ng sala ng makaramdam ako ng awa sa asawa ko.

Mabilis kong binuksan ang fridge saka kumuha ng isang coke na nasa lata, saka binuhos ito sa baso, bago dinala sa sala.

Hays, ang hirap talagang tanggihan siya.

"Here," sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya. Para namang bombilya ang mukha nitong lumiwanag ng inilapag ko sa coffee table ang basong puno ng coke.

Agad nitong kinuha saka ito nilagok ng sunud-sunod. Sumandal ako sa sofa, habang nakatutok ang aking mga mata rito. Ibinaba nito ang plastik box na wala ng laman sa mesa, saka tinapos ang coke. 

Malakas na dighay ang sumunod, at saka ako tumawa ng malakas.

Tawa rin ito ng tawa pagkatapos.

For the first time in my life, I felt so happy, contented, and I know, she's the key to my happiness. She's the piece that fits that hole in my heart.

Life is too short to take revenge, tama si Tristan. I'm not getting any younger, and time is precious to waste.

When I saw the pain crossed her eyes, did I feel happy?

I wasn't.

I felt the opposite. I felt awful. It seems that every emotions she felt, fused into mine. I felt every bit of it, which is frustrating.

Hindi rin ako masaya ng napabagsak ko ang pamilya nito. Not even an ounce of satisfaction. I still felt empty, na may kulang.

At makita siyang nasasaktan, aminin ko man o hinde, nasasaktan din ako. Mas ako nga ang sobrang nasaktan. Makita lang itong iiyak, mas dobleng sakit sa dibdib.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon