Kabanata 4: Maid

70.7K 2.1K 53
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko ng building ng NCM, saka ko lamang pinakawalan ang mga luhang nakaantabay sa gilid ng mga mata ko. Kanina pa gustong kumawala, pilit ko lamang itong pinipigilan.

Bumalik yung araw na pilit akong pinapaamin kung mahal ko siya. Yung araw na sobrang sakit habang sinasabihan ko siyang hindi ko siya mahal.

Ang tanga ko. Sana ipinaglaban ko sya. Sana hindi ko hinayaang paghiwalayin kami ni daddy. Kung maibabalik lang sana ang mga oras na iyon.

Babawiin ko lahat ng mga masasakit kong salita.

Kung alam lang sana niya kung bakit ko iyon ginawa. Pero huli na ang lahat. Nakalimot na siya at mukha ngang hindi na niya ako mahal. Ibang-iba na sya ang I'm sure, nagsisigandahan at mayayaman ang mga nakakadate niya.

Pagkarinig ko sa sinabi niyang ayaw niyang pinag-iintay ang gf niya, parang piniga ang puso ko. Kung di ako agad umalis, baka hindi ko nakayanan ang nararamdaman ko, mas lalo akong mapapahiya.

Pinunasan ko ang aking mga luha ng naramdaman kong pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan sa harapan ko. Nakatayo kasi ako sa may sidewalk habang umiiyak, parang tanga lang.

Pilit ko mang iniwaksi sa isip ko ang nangyari, ngunit siya talaga iyon. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na si Nico ang CEO ang NCM.

Wait, NCM?

Nicholas Cyrus Montejano. Oo nga pala.

Pangalan nga niya. Ang tanga ko talaga diko man lang naisip yon. Pero who would have thought?

Ibang-iba na nga talaga siya. Kahit itsura niya, parang si Zeus lang na bumaba sa lupa mula sa Olympus. Ang dating mamasel na katawan ay lalong lumaki ito, at parang perpektong hinubog. Ang kutis nito, hindi na kaitiman kundi olive skinned. Kahit sa three-piece suit niya, hindi kaila ang perkpektong hubog ng katawan niya. For sure, hindi lang six packs ang nakatago kundi eight packs pa.

Ang labi niya na manipis at mamula-mula, matang parang laser kung makatitig, parang hinihigop ako, at ang boses niyang super lamig, pero ngayon, iba na. Kontrolado na. Salat sa emosyon, kahit mga mata niya. Matiin na matiim kung tumitig, parang kinakalkula ka.

Yung dating matang kumikinang kapag naglalambing or inaasar ako ay wala ng bahid kahit konti. Wala na itong kahit katiting na emosyon na mababahid, ngunit maganda parin ang mata niya, lalo itong naging kapansin-pansin. At sa mamahaling suit nitong damit kanina, lalong lumabas ang kagandahan ng mga mata nito, though they were like dead pools, no spirits in it.

Buhay nga ay parang gulong. Sabi nga ng Luha, minsan nasa itaas at minsan nasa ibaba. Ngayon, ako naman ang nasa ibaba.

Dalawang araw ang lumipas at wala akong tawag na natanggap mula sa sekretrya ni Nico. Nag-uumpisa na akong matakot. Baka kasi nagbago na ang isip niya. Mukha naman siyang hindi galit nung magka-usap kami.

Akala ko, ipamukha niya sa akin ang mga sinabi ko noon sa kanya.

Tanga, bat pa niya bubuksan ang tapos niya. Nakamove on na siya, haler? pagpapaalala ng isang bahagi ng isip ko.

Ang bigat tuloy ng dibdib ko habang naglalakad ako sa likod ng bahay papunta sa pinakadulo ng lupain namin kung saan ang tagong batis, na may maliit din na gazebo or resthouse na gawa sa kahoy na napapalibutan ng niyog at mga mababang puno ng mga mangga at iba't-ibang puno ng prutas.

Simula ng bumalik ako galing Maynila, dito ako lagi nagtatambay. A month ago, I gave up my career as an event planner, thinking to help my dad from saving the business, kaso huli na pala ako.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon