Kabanata 12: Revelation

69.4K 1.8K 24
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

Dumating ako sa mansyon, diretsong hinanap ko si yaya. Nakita ko siya sa laundry room, katatapos lang nitong pinaandar ang washing machine.

Nagulat ito ng makita ako. "Anak," masayang sabi nito saka ako niyakap. Niyakap ko rin ito. Napansin yata nito ang pananahimik ko. Nag-alalang tinitigan nito ako.

"May problema ba?" tanong nito.

"Yaya, ilang taon na po ba kayong nagtatrabaho kina daddy?" tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "Tara sa sala anak, dun tayo mag-usap. Sumasakit na kasi ang binti ko sa mahabang pagkakatayo," sabi nito saka ako inakay sa sala.

"Hindi pa pinapanganak si Veronica, nasa Perez na ako, anak. Bakit? May gusto ka bang malaman?" tanong nito habang naglalakad kami sa maluwang na pasilyo papuntang sala.


Umupo kami ng makarating kami sa sala. Walang paliguy-ligoy kong tinumbok ang gusto kong malaman. "Totoo po bang hindi kami magkapatid sa ina ni Veronica?"

Bigla namang rumehistro ang pag-alala sa mukha nito, pero hindi ko pinakitang nasasaktan ako. Lumunok muna ito, saka ito tumango ng marahan. "Na ang lahat ng natirang kayamanan ni daddy ay kay Veronica lahat dahil ang pera ni daddy, isinugal nito?" tanong ko, at tumango ulit ito. "Na si mommy ang sumira sa pamilya nila?" pumiyok ako sa huling sinabi ko. Hindi ko matanggap ang katotohanan.

"Totoo ang lahat ng sinabi ng kapatid mo, anak. Pero wag mo sanang kamuhian ang mommy mo, hindi naman niya sinasadya. Hindi lang nila sinadyang mahulog sa isa't-isa. Lalo na ang mommy ni Veronica at daddy mo ay ipinagkasundo. Pareho silang anak mayaman. Pero ng ikinasal sila, naging sugalero na si daddy mo. Kaya ang lahat ng business ng tatay ng daddy mo, nabankrupt, dinagdag pa nitong pinatalo ang mga namana ng mommy ni Veronica." Tahimik akong nakikinig sa kwento ni yaya Maring. Unti-unti akong naliliwanagan. "Ng dumating ang mommy mo para maging yaya ni Veronica, biglang naging masayahin ang daddy mo at bumalik yung dating masigla at mabait na Rodrigo." Ngumiti ako ng mapait. Hindi ko kayang isipin na nilandi siya ni mommy. Ang alam ko mahal na mahal siya ni daddy. "Hindi namin alam kung dati na silang nagmamahalan pero nasaksihan namin kung papano siya minahal ni Rodrigo. Hindi nito itinago, harap-harapang nilalandi nito si Alyanna. Ang masaklap, wala pang isang taon ang mommy mo sa mansion, buntis na siya. Ikaw na nga iyon." Tumingin si yaya sa akin ng may pagmamahal. Parang sinasabi nitong tadhana ang may gawa, ngunit pakiramdam ko, ako ang sumira sa lahat. "Hiningi ni Rodrigo kay Felynn na maghiwalay na sila dahil hindi naman sila nagmamahalan, kaso mahal na pala siya ni Felynn. Binigay ni Felynn ang gusto ni Rodrigo, magtatatlong taon na nuon si Veronica at yun nga, kinabukasan, patay na si Felynn. Na-overdose." Nakita kong may butil ng luha na tumulo sa mga mata ni yaya Maring. Niyakap ko sya at di ko rin napigilang maluha sa mga narinig ko. Sa awa kay Felynn, at sa sarili ko. Akala ko masayang pamilya ang kinalakihan ko, pero may sikreto pala itong natatago. "Wag mo sanang kamuhian ang mommy mo. Minsan, ganun talaga ang buhay pag-ibig. Hindi natin sila masisisi. Sadyang ganun ang nakatadhana para sa kanila." Pagkokonsolasyon ni yaya sa akin habang pinapaikot nito ang palad niya sa likuran ko.

Nang maghiwalay kami ng yakap, tumitig sa akin si yaya, sabay punas sa mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. "Anak, wag ka sanang magalit sa daddy mo rin. Alam mo ba saan galing ang pangalan mo?" Ngumiti si yaya.

"Saan, yaya?" Tanong ko na pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang likod ng aking kamay.

"Ang Karen ay pangalan ng mommy ni Felynn. Namatay din ito ng malaman na nagpakamatay ang anak. Naheart attack. At ang Lynn kuha sa pangalan ni Felynn. Kaya ka pinangalanang Karen Lynn." Lalo ko tuloy minahal ang pangalan ko na hinango sa dalawang pangalan ng taong namatay dahil sa pagmamahalan nila mommy at daddy.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon