Kabanata 23: Last Will

53.7K 1.2K 14
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

Pinanood ko ang mga taong unti-unting nagsialisan at habang papaunti ang tao, bumibigat lalo ang aking dibdib. Wala na si daddy. Pakiramdam ko dala din niya kalahati ng puso ko. Although hindi man siya naging suportado sa lalakeng minahal ko dati, naging mabuti naman siyang ama. Siya na ang tumayong ina at ama ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa yun, dahil gusto nitong maganda ang kinabukasan namin, though at the same time, mali ang pagkakakilala nito sa pagkatao ni Nico. He under estimated his capabilities.

Ngayon ang ika-isang linggo simula ng mamatay ito. Hindi ako sumang-ayon sa biglaang burial nito. Tinulungan ako ni Nico upang malaman ang totoong pagkamatay niya, at lalo akong naguluhan ng totoo ngang heart attack ang ikinamatay nito. Kahit mabigat ang dibdib ko at hindi parin naniniwala sa biglaang pagkamatay niya, wala narin akong magagawa. The doctor had proven it.

"Ma," tawag sa akin ni Nico habang natakatayo parin ito sa tabi ko at nakaalalay lang. Pakiramdam ko hinang-hina na ako sa mga araw na wala akong masyadong tulog, panay iyak lang ang ginawa ko. Ang balitang nalaman ko ipinagpasawalang-bahala ko muna. Kung sakaling hindi ko siya ama, siya parin ang tumayong naging ama ko at ina sa oras na walang mga tunay na magulang na andun upang gabayan ako.

Siya parin ang kikilalanin kong ama. Siya at wala ng iba. "Ma, tara na." Masuyong sabi ni Nico. Umiling ako. Lalong tumulo ang mga luhang wala na yatang katapusan at sumasabay sa patak ng ulan. Ang maitim na langit na nagbabadya ng matinding ulan ay parang nakikisimpatya sa nararamdaman ko sa oras na ito. Rinig na rinig ko ang pagbagsak ng ulan sa payong na hawak ni Nico. Umalis na lahat ng tao pati si Veronica pero hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko kung saan inilibing ang aking ama.

"I'm sorry, daddy. I wasn't there to protect you. If I knew you're leaving me so soon, I wouldn't have left you ..." humagulgol ako lalo. Hinapit ako ni Nico sa dibdib nito habang umiiyak ako. Paos na paos na ang boses ko, pati lalamunan ko, medyo masakit na sa kakaiyak, pero hindi parin tumitigil ang mga luha ko sa pagpatak. Kumulog narin at hindi parin ako tumitinag sa kinatatayuan namin.

"Ma, balik nalang tayo bukas. Kailangan mo naring magpahinga, please ..." nagmamakaawang sabi ni Nico. "Ma, alalahanin mo, the baby needs sleep. You need rest." Masuyong sabi nito, ramdam na ramdam ko ang pakikisimpatiya nito. Ang matinding pag-alala sa boses niya kahit mababa ito. Nang kumulog ulit, saka na ako nagpaakay sa kanya pabalik sa sasakyang nag-aantay sa amin.

Nilingon ko ulit kung saan nakalibing ang aking ama bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Wala sa sariling umupo ako at humilig sa asawa kong nasa tabi ko. Awtomatiko namang pumulupot ang isa nitong kamay sa akin at masuyong hinila pa lalo ako palapit and he cradled me in his arms.

"Kung buhay lang ang daddy mo, he is not happy to see you like this, lalo na buntis ka, ma," pagpapaalala nito sa akin sa mahinahong tinig. Tumango lang ako dahil pakiramdam ko wala na akong boses. Humupa narin ang mga luha ko siguro ubos na ang tearducts ko.

Tahimik na sa loob ng sasakyan. Walang gustong magsalita sa amin. Nakayakap parin si Nico sa akin samantalang nakasiksik naman ako sa dibdib niya. Dito lang ako nakakaramdam ng konting ginhawa at nagkakaroon ng pag-asa sa buhay.

Pumikit ako at hinayaan kong makatulog ako sa dibdib ng asawa ko. Naramdaman kong humigpit ang mga yakap niya sa akin at ang paminsan-minsan nitong paghalik sa ulo ko. Ang mumunting pag-igik ng sasakyan ay parang lullaby, slowly drifting me to the place that has been elusive to me in the past nights.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon