Kabanata 20: Eiffel Tower

63.8K 1.4K 19
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nico's POV

Nakatayo kami ngayon sa harap ng Eiffel Tower. Parang batang nagtatalon sa tuwa si Ayeng. Tuwang-tuwa naman akong pinanood siyang, hindi ko rin mapigilang ngumingiti kahit walang dahilan. Feeling ko, sasabog ang aking dibdib dahil sa sobrang kaligayahan. Ito na yata ang pinakamagandang nakamit ko sa buong buhay ko. Ang mapasaya siya.

"Dali kunan mo ako ng picture, pa," tuwang-tuwa na utos nito. Para namang may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Ngayon ko lang itong narinig na tinawag ako ng pa. Napakasarap ito sa tainga.

Inalis ko naman ang DLSR na dala namin sa casing nito na nakasampay sa balikat ko at isinampay sa leeg ko ang strap at ini-on ito. I hate doing this, pero hindi ko pwedeng tumanggi, kundi magtatampo ito sa akin. Medyo paiba-iba na nga ang mood nito eh, ang hirap sabayan.

Lumingon-lingon muna ako kung may mga nanonood. May mga kyuryos na tumingin pero panandalian lamang. Mas marami ang kumukuha din ng kanya-kanyang picture nila, yung iba nagseselfie pa. Nawala ang hiya ko at tumingin na ako sa asawa kong nakapose na. Natawa ako.

Bakit kaya ang hilig-hilig ng mga babae sa camera?

Ang lapad ng ngiti ng asawa ko, at ready na ito. Para itong napakagandang paru-paru sa suot nitong floral pattern, v-neck single breasted short sleeve. Napakaswerte ko talaga.

"Dali na!" medyo napalakas nitong sabi na ikinatawa ko, sumimangot pa ito. Para itong bata na nagdadabog ba ng hindi ibinigay ang gusto.

"Alright," natatawa kong sabi. "Sige, pose kana!" sigaw ko rin kasi medyo malayo siya sa akin.

"Kanina pa ako nakapose ang kulit mo!" nakangusong asik nito na ikinatawa ko ulit. Gusto ko sanang sabihin na siya ang makulit pero hindi na naman ito matatapos hanggang sa siya ang manalo kaya hinayaan ko nalang.

Ang background niya ay ang Eiffel tower. Kinuhanan ko siya ng ilang pose. Meron siyang picture na parang hinahanawakan nito sa tuktok ng tower ang tower, at meron din itong parang inupan niya yung tip kaya sobrang tawa ko. Eiffel. Meron din siyang parang nakasandal lang siya sa tower.

Natutuwa akong kunan siya kasi para lang siyang model. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nakatitig sa kanya while taking a bunch of shots. I felt so proud and lucky.

Yes, I'm lucky. For all the men that fluttering around her, she chose me. She chose me to entrust her heart. And I will be forever grateful, and I have a lifetime to give her what she deserves and proves to her that she was right in choosing me.

I watched her as she moves towards me, with that smile that I adored. "Hey," saka ito tumayo sa harap ko. "It's beautiful here, and the weather is gorgeous," nagniningning ang mga nito na nakatingin sa akin.

"Indeed!" tumingin ako sa itaas at biglang napapikit rin ng tumama sa aking mga mata ang silaw ng araw. Natawa ito. "I'm so happy you like it," sabi ko rito. Ngumiti ako ng malapad saka ko siya hinapit sa beywang. My beautiful butterfly, my love, and my life.

"I love you," sabi ko saka ko siya hinalikan sa labi.

She automatically curled her hands around my neck and responded to my kiss, it was hard but brief. "And I love you, too," sagot nito saka ngumiti ng malapad. Inalis nito ang kanyang kamay sa aking leeg at nilagay sa aking dibdib.

"You know what makes it more beautiful?" sabi nito saka ako tiningala upang salubungin ang aking mga mata. Nakangiting inantay ko ang kasunod nito. "Is you're with me," saka siya ngumit ng matamis, at para namang may humaplos sa aking puso sa aking narinig.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon