Kabanata 14: Husband from hell

73.5K 1.8K 28
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV


Dumating ako sa airport eksaktong alas dose. My flight is in hour. Agad akong nakipila sa check-in. May apat na nasa harapan ko, at naiirita ako sa dalawang nasa harapan ko, harap-harapang lampungan.

Patagilid akong umismid.

"Ms. Karen Lynn Perez?" narinig kong tawag ng boses lalake. Agad naman akong nag-angat ng tingin at hinanap ang lalakeng tumatawag sa akin. Agad kong binitbit ang aking itim na luggage palapit rito. Agad namang natuon ang mga mata nito sa akin habang palapit ako, kipkip ko parin ang aking ticket, habang hila-hila ang hindi namang kabigatang luggage ko.

Gwapo ang lalaki at matangkad. Parang may halong ibang lahi ito, base sa matangos nitong ilong, at maputing kutis, pati ang kulay ng mga mata, hindi karaniwang brown. Hazel at parang nakangiti ito lagi.

Lumapit ang dalawang nakasuit and tie rin at pinagitnaan nila ang lalaking tumawag sa akin.

"I'm Hyacinth Valdemar. CEO of the Cebu Air. If you don't mind, I would like to talk to you in private," sabi nito na ikinakunot ko ng noo. Kinuha ko ang kamay nitong nakalahad saka nakipagkamay, at agad ko ring binawi.

Mabilis namang kinuha ng isa sa dalawang lalaki ang aking luggage ng iminuwestra ni Hyacinth ang kamay nito para mauna akong maglakad palayo sa check-in, saka ako nakisabay rito. Pumunta kami ng second floor, at sa isang maluwang na hallway, hanggang sa isang malaking kwarto na napapalibutan ng salaming dingding.

"Please, sit!" sabi nito sabay muwestra nito sa sofa. Isa itong sitting area, at apat na magkakaharap na armchairs, nagkabilaan ng pang-apatang sofa. May salaming coffee table din ito, at may nakapatong na ashtray, at mga magazines, mostly Aviation magazines.

"Why are you holding me up?" diretsahang tanong ko bago pa man ito makaupo sa swivel chair nito na malapit sa salaming dingding kung saan nakikita nito ang runway.

Hindi naman ito mukhang masamang tao. Nagtataka lang ako kung bakit kailangang makausap ako ng CEO ng Cebu Air.

Ngumiti ito, saka namulsang tumingin sa akin. "Now I understand why you caught the eye of the most elusive bachelor—"

"What are you talking about? My plane is leaving in about forty minutes. I can't afford to sit here and do chit chats," naiinis kong sabi rito, dahil parang hindi naman importante ang sasabihin nito. Mukhang may tama lang itong CEO na ito.

"You can always hop onto the next flight, don't worry," confident nitong sabi na lalong ikinairita ko.

"Mr. Valdemar, I have no time for any nonsense topic, if you don't mind, just spill whatever this important thing that would cost me my flight!" iritadong asik ko sabay pinameywangan ko ito.

Ngumiti ito, saka nito inilhad ang kamay sa direksyon ng aking likuran, kung saan ang pintuan. Nakangisi pa ito.

Nilingon ko naman ang itinuro nito at nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko si Nico na pumasok at madilim ang anyo. Saka ko lang napansin na nakalapit na ang hudyong Hyacinth sa kanya at nagkamay ang dalawa saka kami iniwan.

Inignora ko ang puso kong nagtatalon sa loob. Parang may mga paru-paro ding sumabog sa aking tiyan pagkakita ko sa kanya.


He was wearing a pinstripe gray button down shirt na nakatuck in sa black pants nitong mamahalin, nakarolyo lang ang sleeves ng shirt nito hanggang siko, and he wasn't wearing a tie, but he still looks very imposing in every angle. Minsan, nakakairita naring makita ang sobrang gwapo nitong mukha, idagdag pang may maganda itong pangangatawan, tapos, mayaman pa ito. Kaya't lahat ng kaarogantehan, hinakot din nito, isama mo pa nag kasamaan ng ugali.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon