Kabanata 30: Pregnant from hell

64.3K 1.3K 23
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Nico's POV

"Hindi na nga ako galit, ang kulit mo. Basta wag ka lang muna magpapakita sa akin. Naiinis kasi ako!" saka ito tumalikod sa akin at dumiretso sa banyo. Iritadong sinundan ko naman ito ngunit ibinagsak nito ang pintuan sa mukha ko. 

Napamura nalang ako ng malakas at hinayaan itong maligo. Nakakainis. Okay na kami eh, tapos bigla na naman nagagalit.

Tss.

Nagpalit na ako ng pajama saka inantay ito sa higaan namin. Nagbasa-basa ako ng mga email ko sa cellphone ko habang nag-aantay na lumabas ito sa banyo.

"Duon ka sa guest room matulog," bigla akong napatingin sa kanya na ngayo'y nakatayo na sa paanan ng higaan namin. Nakakunot noong nakatingin lang ako sa kanya na parang biglang nagkaroon ng mental block ang isip ko.

"ANO?" sa medyo napalakas na boses. Biglang nanliit ang mga napakagandang mata nito.

"Sinisigawan mo ako?" malakas nitong sabi saka nameywang.

Bumaba ako sa kama at balak siyang lapitan ng itinaas nito ang isang kamay, pagpapatigil sa aking paglapit. "Ma, naman. Hindi kita sinisigawan," marahan kong sagot.

"Wag mo akong gawing tanga. Kakasigaw mo lang kanina ah?" hindi paring umaatras na sabi nito. Nanlilisik ang mga mata nito. Pagod na pagod ako sa maghapong paghahanap ng mga pagkaing pinapahanap nito tulad ng manggang walang buto. 

"Hindi nga ako sumisigaw," pilit akong nagpapakahinahon kahit na kanina pa gustong sumabog ang dibdib ko sa inis dagdag pa ang pagod kong isip at katawan. 

"Basta dun ka sa guest room matulog," matigas nitong sabi. Sumampa na ito sa kama at hindi man lang ito tumingin sa akin. Inis na inis na talaga ako. Ang hirap niyang ispelengin sa totoo lang.

"Bat ba lagi nalang akong mali? Wala naman akong naalalang ginawa kong pagkakamali ah?" hindi ko mapigilang isawalat sa medyo mataas na boses dahil sa pagdaramdam. Halatado ang tinitimping galit na nakapaloob sa boses ko.

Bigla naman itong tumingin sa akin. Ang mga mata nito parang gusto akong lamunin ng buo sa inis. "So nagrereklamo kana, ganun?" sa galit nitong boses. Napasuklay nalang ako sa buhok ko sa tindi ng frustrations na nararamdaman ko.

"Hindi naman sa ganun, Ayeng. Hindi ko lang kasi maintindihan ang pagpuputok ng butse mo!" hindi ko mapigilang sabihin. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko, at pagdaramdam. 

Hindi ba niya ako namimiss? Eh dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, hindi na ako makapagtrabaho ng maigi. Dalawang investor narin ang napakawalan namin.

"Ikaw! Naiinis ako sayo! Hindi mo na ako mahal. Arghhh..." nanggigil nitong sigaw saka ito humiga at nagtalukbong. 

Naiinis man, iniwan ko ito sa kwarto namin at natulog nalang sa kabilang kwarto. Ayaw ko naman na lumaki pa lalo ang away na ito kahit na walang kwenta. Alam kong wala rin naman akong panalo sa kanya.

Ganun eh. Sa mahal ko siya kaya pagpasensyahan nalang muna ngunit parang sumosobra na.

.

.

Brent laid all the evidence in front of me. A young man about his twenties kissing a lady about the same age. "Samuel Baltazar," simula nito saka umupo sa armchair leather na nasa harapan ng mesa ko. Nakatitig lang ako sa mga larawan na nakakalat ngayon sa mesa ko. Iba't-ibang kuha ng magsyota na hindi maikakailang ina ito ni Veronica dahil sa laki ng pagkakahawig ng dalawa. Ang hindi ko maintindihan, anong kinalaman nito sa impormasyong kailangan ko. "that's the man Veronica was meeting these past days. The man was working at a small time construction company and living alone." Lumipad ang tingin ko kay Brenton na komportableng nakakrus ang mga paa nito habang nakapatong ang dalawang palad nito sa nakakrus na hita. "He actually has a daughter according to his only family left, and no other than —" pabiting sabi nito saka tumitig sa akin na parang inaantay ang reaksyon ko. 

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon