Kabanata 5: Mapusok

73.5K 1.9K 76
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV


Biglang nanlambot ang buo kong katawan ng lumapat ang labi nito sa aking mga labi. Ang halik nito, mapagparusa, ngunit unti-unti ring naging masuyo, at awtomatikong pumulupot ang aking mga kamay sa batok niya, at sinuklian ang mainit nitong halik.

"Babe," boses ni Mirasel ang nagpabalik sa aking huwisyo, at mabilis ko itong itinulak saka ako tumalikod. Pasimpleng pinunasan ko ang laway na pakiramdam ko, nagkalat sa gilid ng aking mga labit, habang pinapakalma ang pagririgodon ng aking puso.

"Hindi ka parin pala nagbabago.. Isang halik lang, nawawala kana sa sarili mo. Kaya pala kani-kaninong lalake ka nuon sumasama. I should have known ... Salamat narin, you save me from your kind," Pasimpleng bulong niya. Akala ko umalis na siya sa likuran ko at bumalik sa mesa. Nang kunin ko na ang mangkok sa loob ng microwave, narinig ko ang huling sinabi nito. " a whore!" Muntik ko ng mabitawan ang mangkok sa biglang pagragasa ng dugo ko sa aking ulo. Wala itong karatapatang tawagin ako ng ganun!

Sobrang sakit, ngunit ininda ko iyon, kahit na tagos na tagos hanggang puso. Nalasahan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Ang sakit niyang magsalita. Di ko rin siya masisisi. Yun ang ipinakita ko sa kanya kapalit ng sobrang pagmamahal niya sa akin.


Pasimpleng pinahid ko ang luhang nakawala sa aking mga mata, saka dinala na ang mainit na pagkain sa mesa. Iniwan ko sila pagkatapos, hindi na ako nagpaalam dahil sa kumukulo ang dugo ko, kasabay ng selos na unti-unting kumakain sa aking sistema.

Pagdating na pagdating ko sa bahay, diretso agad ako sa kwarto ni daddy.

Nadatnan ko si Becky na inaayos ang higaan niya.

"Kumusta na si daddy, Bek?" Tanong ko sa nurse ni daddy. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ni daddy sa masterbedroom sa taas ng mansion namin.

"May pagbabago na sa pagsasalita niya. He was cooperating naman sa gamot niya at nakikinig na ngayon sa akin." Sagot ni Bek.

"Pwedeng mag-CR lang ako, Lynn?" Tanong niya pagkatapos. Mukhang kanina pa nga nasi-CR.

"Sure. GO ahead." Ngumiti ako ng konti at tumalikod na ito palakad sa loob ng CR sa kwarto din ni daddy.

Nakatitig naman na ako kay daddy. Ang dating istriktong mukha ay wala na. Pumayat narin siya ng konti. Hindi na naaninag ang dating walang pusong businessman. Nawala narin ang kaarogantehan nito sa mukha.

Dapat sana magalit ako sa kanya. He never treated us the same and ate Veronica. He controls me while he lets ate Tori do her thing.

Yes, he gave what I needed. He loves me in another way, but my life has been in control. I was like a puppet naman na sinusunod ang mga gusto niya to please him. Hanggang sa dumating sa puntong nagmahal ako.

Naalala ko yung oras na yun na naghinala na sya...

"I heard you're dating the son of our hardinero, Linlin?" nag-aagahan kami that time, bago ako papasok sa skul.

Nakangiti naman ako, habang inoobserbahan ang reaksyon niya. Alam kong si ate Veronica ang nagsabi. Kasi di rin niya matanggap na nanliligaw si Nico sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa niyang pagfiflirt sa kanya. "Dad, hindi naman po." Kako ng makita kong hindi niya nagugustuhan.

"Good, dahil hindi ka bagay sa kanya. I know you're smart enough. Sa mga katulad lang natin ka pwedeng makipagdate!" Matigas niyang sabi. "Walang maipapakain yun sayo. Baka maghirap kalang din." Dagdag pa niya.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon