Kabanata 6: Galit

72.5K 1.9K 27
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

Binuhat ako ni Nico ng hindi pinuputol ang halik namin. Wala naman sa sariling kumapit ako sa kanya at awtomatikong pumulupot ang aking mga binti sa beywang nito. 

Naramdaman ko nalang ang aking likod sa malamig na tiles ng isinandal nito ako sa dingding, kasabay ng pag-untog ng ulo ko, at saka naman ako natauhan.


Mabilis kong binawi ang aking mga labi, at saka pilit na itinulak siya, at ibinaba ko ang aking mga paa, at hinayaan naman nito ako.

"What?" malamig nitong sabi, ngunit ang mga mata nito, punung puno ng pagnanasa. Kitang kita ko ang naghuhumindig nitong ari, na lalo yatang dumoble sa taba dahil sa sobrang tigas nito. Iniwasan kong mapatitig rito, at nilabanan ang pag-iinit ng aking pisngi.

"I'm not your slut, Nico. Please, let me finish the sink, and I'm done!" saka tinalikuran siya.

"Feeling proud aren't we?" Painsultong sabi nito, ngunit inignora ko lang. Diretso ako sa sink, saka kinuha ng panglinis ko. "What's the difference, Ayeng? You should be proud, I'm giving you an atttention you don't even deserve?" salat sa emosyong sabi nito, nakapaloob ang galit din sa tonong ginamit nito.

Ramdam ko na parang hiniwa ang aking puso sa kanyang sinabi, pero pinigilan ko ang sarili kong sumagot rito. Sinimulan kong lagyan ng panlinis ang puting marble nitong lababo saka binrush.


Naramdaman ko ang paglapit nito, at kahit hindi ko ito nakikita, ramdam na ramdam ko ang galit nito.

"Playing hard to get, I see," sabi nito. Wala parin akong sagot, kahit na gusto ko na itong pagsusuntuk-suntukin. "Mataas parin pala ang pride mo, kahit na wala ka ng ipagmamalaki. A town's slut? Desperada?"

Galit kong itinapon sa sink ang maliit na tuwalyang ginamit ko sa pagkiskis sa gilid ng malinis namang lababo na. Ramdam ko na ang pagbagsak ng luha dahil sa galit na kinikimkim ko, pilit nilalabanang wag humulagpos, pero ang gago, hindi talaga titigil sa pag-iinsulto sa aking pagkatao, at hinuhusgahan pa ako.

"So? If I'm a slut? Does that make you a better man? Does that give you the right to disrespect me? To insult me?" nagpupuyos kong asik habang nakatingin rito ng nakakamatay.

Ngumisi ito, saka balewalang tinungo ang shower. "A selfish brat like you, doesn't deserve an ounce of respect from me! You took all that the moment you made me a fool!" saka nito pabalibag na isinara ang salaming pintuan ng shower.

Mabilis ko itong iniwan. Nang makalabas ako sa penthouse niya, hinayaan kong tumulo ang aking mga luha.

Bumalik nga siya para maghiganti, at kahit anong galit ang gustong kong maramdaman para rito, nananaig parin ang pagmamahal ko sa kanya, na hindi nawala simula ng umalis ito. Hindi na buo ang aking puso, dala nito ang kalahati, at kailanman, wala akong ibang lalaking minahal, kahit ng magkolehiyo ako, marami ang nagparamdam, ngunit parang patay ito.

Ngayon, naramdaman ko na naman ang parang abnormal nitong pagpintig. Tanging kay Nico lang ito nagkakaganun.

Tatlong araw ang nakakaraan, at nagpapasalamat ako dahil hindi ko nakita si Nico, mukhang umiiwas din ito.

Tinext ko sila Zoey at Fatima, hindi na kasi ako nakapagresponds dahil sa nangyaring iyon sa pagitan namin ni Nico.

Mayamaya, tumawag ito. "Buti naman at nagparamdam kana bruha? Akala ko matatapos ang linggong ito na hindi ka magpaparamdan." Nagtatampong sabi ni Zoey. Tatlong araw ko kasing hindi nagrespond sa mga texts nila at tawag. Napraning kasi ako dahil lang sa muntikang sex namin ni Nico, at sa hayagang pag-iinsulto nito sa pagkatao ko. Medyo natatanggap ko naring hindi na ako nito mahal, dahil sa totoo lang. Sa aking ginawa nuon, imposibleng mahal pa nito ako. Pero ang hindi ko matanggap, at sobrang masakit sa aking dibdib, ay ang kawalan nito ng respeto sa akin, kahit sana bilang tao, ngunit kahit ni katiting.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon