Kabanata 33: Consequenses

73.7K 1.5K 192
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

Parang baliw na tumawa si Veronica, saka biglang nanlisik ang mga mata nito.

"Bakit lahat ng bagay napunta sayo. Si Nico na alam mong matagal kong minahal, sinulot mo! Tapos, ngayon na—"

Nakita ko ang pagdating ni yaya at natigilan ito ng makita nito si Veronica na may hawak na baril at nakatutok sa akin. "Veronica," tawag ni yaya mula sa likuran ni Veronica. Nilingon ito ni Veronica habang nakatutok parin ang baril sa akin. Mga ilang pulgada lang ang layo namin. Bigla kong nabitawan ang box na hawak ko at parang nagkaisip ang sarili kong katawan. Sa isang iglap lang, I tackled her, knocking the gun away and we wrestled to get the gun first.

"Walanghiya ka! Baliw kana talaga!" gigil kong hinihila ang buhok nito oh kung anu pa mang mahila ko sa kanya at panay naman ang iwas ko ng aking mukha habang pilit nitong inaabot ang ulo ko. Nakaupo na ako ngayon sa tiyan niya at ramdam ko ang kamay nito binabagsak sa likuran ko para mapaalis ako sa pagkakaupo ko sa tiyan niya habang hila-hila ko ang buhok nitong sumabog sa sahig.

"Papatayin talaga kita, mang-aagaw!" sigaw nito na lalo kong ikinagalit.

"Baliw, sa kulungan ang bagsak mo kung hindi man sa impyerno, walanghiya ka!" hindi ko na talagang mapigilang magmura.

"Anak," parang natauhan naman ako sa tawag ni yaya. Nang tingnan ko ito, alalang-alala ito. Dahil sa munting pagkatigil ko, Veronica took advantage of it. Bigla niya akong tinulak at dahil sa gulat ko, napatapon ako sa gilid. "LYNN!" sigaw ni yaya. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagragasa ng sakit sa aking puson dahil sa biglang pagkabagsak ko. "Anak!" si yaya nasa tabi ko na pala. Parang biglang umikot ang lahat sa paligid ko.

"Sino ngayon ang babagsak sa impyerno?" Nakangising sabi ni Veronica habang nakatutok ngayon ang baril sa aming dalawa ni yaya. Yakap-yakap ako ni yaya at may luhang namalisbis sa pisngi nito.

"Veronica, anak. Tumigil kana. Walang pupuntahan itong ginagawa mo. Hindi mo rin makakamit ang lahat ng gusto mo pag pinatay mo si Karen Lynn. Lahat ng isinakripisyo mo, mapupunta rin sa wala!" medyo napapasigaw na si yaya.

Biglang natigilan naman si Veronica. Ang kanilang pag-uusap medyo parang nagiging bulong na lamang hanggang sa nagdilim na ang paningin ko. Napakapit ako ng maigi kay yaya. Bago ko tuluyang hinayaan ang dilim na lumamon sa akin, tinawag ko si yaya. "Yaya, si Nico," hirap na hirap kong sabi.

"Anak!" rinig kong sigaw ni yaya bago tuluyang dumilim ang lahat sa akin.

.........

Nico's POV

Nagising ako na pawis na pawis at sobrang init. Nang imulat ko ang aking mga mata, maliwanag na maliwanag na ang araw. Nakangiting lumingon ako sa aking tabi ngunit bigla din itong napawi ng makita kong wala na ang asawa ko. Pinakaramdaman ko ang pwesto nito, malamig na ito. Matagal na itong gising. Mabilis naman akong nagbihis at lumabas ng kwarto namin.

"Magandang umaga, manang Adel,," nakangiting bati ko kay manang na palabas ng kusina. Bitbit nito ang vacuum.

"Magandang umaga naman, sir," at sinuklian nito ang ngiti ko ng mas matamis. "Ihanda ko na po ang breakfast niyo, sir," sabi nito saka inilagay ang vacuum sa may tabi at pumasok ulit ito sa kusina. Sumunod naman ako.

"Si Ayeng, manang?" tanong ko habang hinihila ko ang upuan saka ako umupo sa harap ng hapag-kainan.

"Narinig kong pupunta siya sa mansyon may kukunin daw na bagay," biglang kinabahan ako. Napatayo ako bigla. "Bakit hindi ako ginising?" tumaas ang boses ko.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon