Kabanata 22: News

52.3K 1.2K 13
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Ayeng's POV

"She's pregnant, so it's normal for her to feel morning sickness," sabi ng doktora na naka white lab coat pa. Lumipad ang mga mata ko kay Nico na nakatayo sa tabi ko habang ako ay nakahiga parin sa kama. At ang doktor na tinawag nitong si doktor Templeton — pinsan ni Sephora ay hindi nagdalalawang isip na pinuntahan ako kahit na nasa trabaho pa ito — ay ngayon kaharap si Nico.

She seems very nice and sweet, and alarmingly beautiful. Ang malalagkit nitong titig kay Nico ay hindi nakalampas sa paningin ko.

"Ohh... I guess I missed that information when we went to her last check up, I was too excited," natawa ng marahan si Nico. Naiinis man ako, hindi ko pa pwede itong sitahin. Akala ko, sumang-ayon na itong wag tumawag ng doktor, nagising nalang akong may doktor ng tumitingin sa akin.

Naiinis na ako sa malagkit na pagtitig ng puting doktora kay Nico kahit alam nitong andito lang ako sa tabi-tabi. Nakakainis, ang hudyo, parang wala yatang pakiramdam.

Pati pagtawa ng doktora sa sinabi ni Nico, OA lang din. Parang nang-aakit ang pagtawa nito, at lalo lang naman akong naiinis. "If her morning sickness still persist, then call me. I'll prescribed her some medicine to help her stop." Sabi nito kay Nico.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata para hindi makita ang nakakainggit nitong ganda. Masakit sa mata.

"She needs rest," she added on. Nakikinig lang ako.

"I'll keep that in mind. I'll walk you out," presenta ni Nico na biglang ikinadilat ko. Nakita ko ang likod nilang dalawa na tinatahak ang daan papuntang pintuan.

Biglang parang gusto kong panahin sa likod ang bwisit kong asawa.

Bakit hindi ba alam ng pesteng doktora na yan ang daan palabas?

Argghh.. Nanggigigil kong sigaw sa isip ko.

Ipinikit ko ulit ang aking mga mata ng mariin at namalayan ko nalang na nakatulog na ulit ako.

Malakas na tunog ng cellphone ang nagpagising sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata, wala ni anino ni Nico sa kwarto. Lalo tuloy nagkasalubong ang aking mga kilay, at dumami ang gatla sa aking noo. Bumangon ako at isinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng kama saka inabot ang aking tumutunog paring cellphone na nakapatong lang sa side table, malapit sa akin.

"Hello," sagot ko pagkasagot ko ng tawag.

"Hello, anak?" boses ni yaya. Parang kakagaling nito sa pag-iyak.

"Yaya?" biglang napatuwid ako ng upo. Anong nakain nito't tinawagan ako? Bigla tuloy parang may bumundol sa aking dibdib.

Naisip ko ang aking ama, pero pinalis ko rin agad ang anumang negatibong isipin.

Bago kami umalis ni Nico, tinawagan ko si Becky, at natuwa pa nga ako sa balita nitong malaki na ang improvement ni daddy. Baka isang araw nalang, aabandonahin na nito ang wheelchair niya. Nakahakbang na daw kasi ito.

Ang bilis nga ng pagrecover niya. Ang kanyang kamay na di niya maigalaw nuon, naigagalaw na daw niya ngayon at medyo malinaw na ang pagsasalita nito.

"Anak, si-si..." medyo sumisinok na pag-uumpisa ni yaya. Bigla nalang itong pumalahaw ng iyak, at lalo tuloy akong kinabahan, parang may humahabol sa aking paghinga. Parang dinudurog din ang puso ko na naririnig na umiiyak si yaya. Para ko na kasi siyang nanay.

"Bakit yaya, anong problema?" tanong ko sa naghihisterical ng tono. Hindi ko mapigilang hindi magpanic.

"S-si daddy mo," pagkabanggit niya kay daddy, bigla akong nanlamig. Sa tono ni yaya, may hindi magandang nangyari. Bumaba ako bigla sa kama habang inaantay ang iba pang sasahin ni yaya. "Si daddy mo, patay na." At lalong humagulgol ito. Parang binuhusan ako ng pagkalamig-lamig na yelo.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon