Riana's POV
Alam niyo ba? Ang mga TAO sa henerasyon natin ngayon ay.... MGA TANGA. Gusto niyo ng example? Okay.
Una, si Trixie na magtatanong na nga,nakakabobo naman. Magtatanong ng isang tanong na obvious naman ang sagot. Sinasabi pa niya na matalino daw siya. May matalino bang nagtatanong ng BOBO na tanong?
Pangalawa,si Josh na akala mo kaya akong barahin. Di ba niya alam na iisa lang ang isang Riana Bautista? Like duh. Walang nakakabara sakin nuh.
Pangatlo,.... Hmmm.... Siguro, lahat na ng tao. Tanga at mga bobo. Hay
Hey. I'm Riana Bautista. I'm drop dead gorgeous alright. Daig ko pa si Kathryn Bernardo sa daming nagkakagusto sakin. 15 years old. Studying at Raven High. I'm treated here as a royalty. They respect me. They love and hate me at the same time. But mutual naman ang hate. Why should I love them anyway? Diba? Matalino ako. Matalino sa mga pranks. Hindi sa academics. Masasayang lang ang brain cells ko pag nagaral ako ng isang walang kwentang bagay. Mas Mabuti pa mag aral nalang ako ng PE. Prank Education.
Anyway, I'm single but not available. Kasi, wala lang. Wala naman akong gusto eh. Kahit nga mahal. You wanna know who I really love? ME, MYSELF AND I. Ha-ha. I love myself more you know. Wala akong first love. Walang first kiss o ano. Hindi uso sakin ang Love life. Kailangan pa ba yun sa araw araw nating pamumuhay? Hindi naman diba? Hay
Si Josh? Naku, nainlove sakin yun dati nung 1st year namin. Patay na patay nga siya sakin nun eh. Kaya lang, mas pipiliin ko ang mga kaibigan ko. Sina Maxhie pa rin.
Umamin na nga siya sakin noon eh. Pero sinabi ko na, Hindi kami pwede kasi Hindi na talaga pwede. May magagawa ba kayo?
" Lalim ng iniisip mo Ah." Sabi ni Trixie.
" Ay Hindi. Hindi ako nagiisip. Natutulog ako habang nakabukas ang mga mata ko." Sagot ko. Sinimangutan niya ako. Oh bakit na naman? Sinagot ko naman siya ng maayos ah?
Si Josh? Kaibigan ko dati. Best friend pa nga eh. Mas malapit ako sa kanya kesa kina Maxhie dati. Siya ang karamay ko. Siya ang sandalan ko. Siya ang taong palagi akong inaalagaan. Kaya nga nashock ako ng nagconfess siya sakin. Akalain mo yun? Ha-ha
" Kelan kaya bumalik dito si Risha?" Tanong ni Aira.
" Itanong mo siya. Malamang naman na kami tanungin mo diba? Tanga lang?" Taas kilay kong tanong. Diba nila alam ang salitang OBVIOUS? Hay. Nakakaawa naman sila. Mga tanga pa talaga.
" Whatever... Pero, naalala pa kaya ni Maxhie si Risha?" Tanong ni Aira ulit. Oo nga. Kilala pa kaya niya yun? Malabong kilala niya. Nakalimutan na siguro niya. 10 years ba naman kasi ang lumipas. 5 years old palang kami nina Maxhiene ay kilala namin si Risha Jung. Bunsong kapatid ng kinakamuhian ng aking friend na si Rishon Jung. Taray nga eh. Ang LAYO ng ugali ni Risha sa kapatid niya. Kasi ang bait ng batang yun. Ang sama ng ugali ni Rishon. Ang layo diba? Hahay.
5 years old kami habang 4 si Risha. Close si Maxhie at Risha noon kasi gusto ni Risha na magkatuluyan sina Maxhie at Rishon. As if naman. Ngayon pa at sobrang ayaw na ni Maxhiene kay Rishon. Ikaw ba naman mareject. Hay. Bwiset kasi yang mapaglarong Tadhana na yan. Palagi ka nalang sinasaktan at pinaglalaruan. Pasensya nalang si Tadhana pero Hindi niya kayang mapaglaruan ang isang tulad ko. Ako pa? No one can wrap me around their fingers. I do that to them. Maswerte nga sila at isang Riana Bautista ang maglalaro sa kanila.
Back to the topic. You see, si Maxhie, nakalimutan na niya ang mga ibang bagay o tao na nakakapagpapaalala sa kanya about Rishon. Kaya siguro nakalimutan na rin niya si Risha. O baka naman Hindi na niya mamukhaan? Ang bata kasi ni Risha nung nahiwalay siya amin. Pumuntang States. Para makapag-----.
" RIANA TARA NA!" Sigaw ni Trixie. Bwiset. Kita mo na ngang nagiisip ang tao eh. Break time na pala. Hindi man lang ako nakikinig sa lessons. Paki ko naman?
Tumayo ako at lumabas na. Mahirap na at baka masigawan na naman ako. Ang sakit pa naman sa tenga ang boses ni Trixie. Pag nakasigaw.
Pumunta nalang kami sa cafeteria. Umupo kami sa usual table namin. Kaming apat lang ang umuupo dito. Takot nalang nila sa amin. O baka naman nahihiya sila? Dapat lang. Dapat mahiya ka kapag nakiupo ka sa mga Royals. Sino ba sila para makiupo sa amin diba? Hay.
Nang makaupo kami, may tatlong babae ang lumapit sa amin at inilapag ang usual naming pagkain. Automatic na may pagkain agad ang mahahanda sa amin. Ayaw ko kayang makipila dyan. Baka mahaggard ang beauty ko.
Kumain kami habang nagkwentuhan. Binabara ko nga palagi si Trixie eh.
" Alam niyo ba na may bagong libro ako. Yung about sa---." Pinutol ko ang sasabihin niya
" Tinatanong ba namin ha Trix? Hindi naman diba?" Sabi ko.
" Kinakausap ba kita ha Riana?"
" Eh anong tawag dyan sa ginagawa mo ngayon? Nakikipag wrestling?"
" Eh kung manahimik ka nalang kaya? Kita mo ngang nananahimik ako dito."
" Nananahimik ka ba? Eh bakit salita ka ng salita dyan?"
" Eh sa ayaw mong tumigil sa pakikipagdaldalan sakin eh."
" Ikaw na nga ang nagsabi sakin noon na rude daw pag Hindi mo sinagot ang kumakausap sayo."
" Bakit Kinakausap ba kita?!"
" Malamang. Tingin mo. Anong ginagawa mo ngayon?"
Magsasalita pa sana siya pero sumigaw si Aira.
" MANAHIMIK NGA KAYO!" Sigaw niya kaya napatahimik kami. Palagi naman eh. Referee namin siya ni Trixie. Tahimik ulit kaming kumain ng dumating si Maxhie.
" Problema mo?" Tanong ni Aira.
" Argh. Wala. Stress lang." Sagot niya.
" Bakit?" Tanong ni Trixie.
" Pageant. Partner " sagot niya. Ah. Kaya pala. Malamang si Rishon ang partner niya. Leaders kasi ng Royals at Rebels ang representative para sa mga pageant.
" Eh ano naman? Palagi naman eh. Ano pa ba ang bago? " tanong ko. Tumingin siya sakin at sinamaan ako ng tingin. Ani na naman ang ginawa ko?
" Are you dense?! Last year na nga natin. Gusto ko maiba naman ang partner ko. Ang awkward kaya. Tapos kainis pa si Lola at nag add pa ng twist." Padabog niyang sabi. Okay. Ako na manhid.
" Ano na naman ang sinabi ni Lola M?" Lola M ang tawag namin sa Lola ni Maxhie. M, short for Melinda.
Sumimangot si Maxhiene.
" Royals and Rebels will give a performance. In short, an amusing performance."
" WHAT?!!!!! "
What?!!!!!! No way?!!!!
Kami? Ng ROYALS? Makakasama sa isang stage ang REBELS?!!! The heck!!!
" We'll sing with the Rebels."
This'll be the worst war between US!!!! The ROYAL'S and REBEL'S!!!
_____________________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...