17: She Knows

774 23 0
                                    

Maxhiene's Pov


Madilim ang paligid, masakit ang kamay ko. Bakit ganito? Di kaya nasa impyerno na ako? Parang hindi kasi malamig. Diba mainit sa impyerno? Di kaya nasa langit ako? Labo. Sa ugali kong to? Sa langit ang punta? Lokohin niyo lelang niyo.

* dream *

" Waaaa... Ibalik mo yan sakin, Shon!" Shon? Diba yun ang pangalan ng ex-crush ko?

" Habulin mo muna ako!" Sabi niya at tumakbo. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang sarili ko noong 9 palang ako. Nakikipaghabulan ako sa kababata kong si Shon.

" Aray!!!!" Sigaw ng batang ako. Naalala ko to. Ito yung panahon kung kelan magkaibigan pa kami ni Shon noon. Nadapa ako dito at...

" Hala, Xhiene." Tinulungan niya ako. He always calls me by ' Xhiene ' and i call him Shon.

" Aray,.S-shon... M-masakit yung tuhod ko." Iyak ng batang ako. Tumaliko si Shon sa batang ako at umupo sa harapan nito.

" Sakay ka. Pag nilakad mo yan, baka mas lumala yan. Mapapagalitan ako." Sabi niya. Ayaw na ayaw ko nuon mapagalitan si Rishon kaya ginagawa ko ang lahat wag lang siya mapagalitan.

Sumakay ang dating ako sa likod ni Shon. Piggyback ride. We used to do that everytime. Pero ngayon, magkadikit lang ang mga kuko namin, hindi na nangyayari. Kamao ko lang dumadampi sa mukha niya.

" Thanks for being by my side,.Shon." sabi ng batang ako. I.bitterly smiled. I know what his gonna say. A bad lie.

" Of course, ill always be by your side. Whatever happen i will always be with you. Nothing can break us apart. Even if you push me away, ill still be coming running back to you." Sabi niya.

Bakit nung pinagtabuyan ko siya palayo, hindi niya ako hinabol? Nung mag confess lang naman ako sa kanya, okay lang na mareject ako kasi akala ko, ganun pa rin kami sa dati. Akala ko, hindi magbabago tingin niya sakin at kapag pinagtatabuyan ko siya, hindi siya susuko na suyuin ako para mabalik ang dating pagkakaibigan namin.

Lies. His words are full of lies. And me, being stupid fell for his words.


Nagulat ako ng may maramdaman akong nababasa sa mukha ko. Mababasa pala ako kapag nasa panaginip ko? Teka, umuulan nga ba. Napatingin ako sa langit at wala namang bumubuhos na ulan ah?

Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat ako ng makita ko na nabasa yun... Hindi naman umuulan ah? Hindi rin ako nabuhusan ng tubig. Baka naman..

Umiiyak ako?!!!


" Maxhie."

Bakit naman ako iiyak?!

" Maxhie!"

Ano ba ang kailangan kong iyakan?!

" MAXHIE!!"


Napadilat ako sa pagka gulat. Medyo nasisilayan ako sa liwanag. Nasaan ba ako?

" Maxhie, oh my gosh." Biglang sigaw ni... Riana. Lumapit silang tatlo sakin. Bakas sa mukha nila ang pagaalala at pagkagulat?

" Maxhie.... Ba't ka umiiyak?!" Natatarantang tanong ni Trix. Napahawak ako sa pisngi ko. Basa. Totoo palang umiiyak ako? Akala ko sa panaginip lang yun.

" D-di ko.... alam." Halos pabulong kong sabi. Natahimik kami. Nasa clinic pala ako. Pero bakit nga ba ako nandito?

" Teka, bakit ako nandito?" Tanong ko. Nagkatinginan sila at napabuntong hininga.

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon