Rishon's Pov
Palagi nalang ba akong gigising sa umaga at iisipin na naman ang katangahan na ginawa ko noon? Hay.
Bakit ba kasi ang taas ng pride ko?! Ayun tuloy. Nawala ko na ang isang bagay na matagal ko nang pinapangarap at nung mapapasaakin na, umiral na naman ang pride ko.
At mas lalong gumulo dahil na misinterpret niya ang gusto kong iparating. Hindi ko siya gusto. Kasi mahal ko siya. Mahala na mahal.
Kilala niyo ba? Siya lang naman si----
" RISHON!!!!! BUMABA KA NA!!!!!" Aish. Ang lakas talaga ng boses ni Mommy. Araw araw nalang. Makapaghanda na nga.
Bumangon na ako sa kama ko kasi maghahanda pa ako papunta ng school. Kahit na ayaw ko, pumupunta pa rin ako. Kasi may gusto akong makita. Si-----
" Rishon bilisan mo nga. Ayun tuloy. Nauna na si Risha sayo. Nag commute mag isa." Sabi ni Mommy pagkababa ko. Bakit naman kasi nila pinayagan?
" Eh bakit niyo naman po pinayagan eh magaalala rin naman kayo?" Tanong ko at kumain ng breakfast.
" Eh mapilit kasi yung si Risha eh. Gusto daw maranasan ulit ang pagcommute dito sa Pilipinas." Sabi ni dad. Napatango nalang ako.
Oo nga pala. Nakauwi na dito ang little sister ko. Si Risha Jung. Kilala niyo ba ang bansot na yun? Siguro Hindi. Bunsong kapatid ko yun.
Pero teka nga... Baka maligaw yun sa Raven. Hay. Kasi naman.
Tumayo agad ako.
" Alis na po ako. Baka maligaw pa si Risha sa Raven eh." Sabi ko at tumakbo sa kotse ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Josh.
[ Wazzup bro?]
" Nasa RH na kayo?"
[ Yup. Andito kami sa rooftop... Bakit?]
" Baka kasi andyan na si Risha. Akala ko nakita niyo na."
[ Teka nga. Bumalik na si little Risha?!! Kelan pa?!] OA ng gagong to.
" Gago! Manahimik ka nga. Ang lakas ng boses mo. Aish."
[ Peace men. Pero ibalik nga tayo sa pinaguusapan, kelan pa nakabalik si Ish?]
" Kahapon. Lumipat na siya sa Raven."
[ Aba! Bakit Hindi namin alam?!! Ang sakit pre.]
" Kadiri ka. Wag ka na magdrama. Basta pag nakita niyo, tulungan niyo mahanap classroom nun. Hindi pa naman niya kabisado ang RH. Baka kung saan saan pumasok yun"
[ Ge boss. Baba kami at magtingin tingin.]
" Ge."sabi ko at binaba na ang tawag. Napasulyap ako sandali sa wallpaper ko. Ako at si Xhiene ( pronounced as Shin ). My Xhiene. My Maxhiene Park.
" Bakit ba kasi ang tanga ko?" Bulong ko saka nagdrive na ulit. Baka malate na naman ako. Bawiin na naman ni Mommy ang Xbox ko.
Mamaya ko na nga sabihan ng tanga ang sarili ko. Masabunutan na naman ako ni Risha pag nagkamali siya ng pinasukan na classroom. Sa AKIN pa naman niya pinaglalabasan ang galit niya. =___=
Nakarating na ako kaya pinarada ko na ang aking Ferrari. At pagbaba ko palang, pinalibutan na ako ng mga desperadang mga babae. Ang hirap talaga maging gwapo.
' Hi Papa Rishon'
' Ang gwapo mo as usual Papa Rishon.'
' Ang hot mo talaga.'
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...