Risha's Pov
" Grabe! Ang yaman talaga nila."
" Oo nga. Parang nung Friday lang na sinabi nila na pag sino ang makakakita sa kanila, may kotse agad."
" Oo nga eh. At wag ka, Monterro yun!"
Yan ang mga naririnig ko pag kapasok ko palang sa classroom. At, tinotoo talaga nina kuya na kung SINO ang makakaturo kung nasaan sina Megan, may kotse. Kung di ba naman baliw si Kuya Michael eh halos lahat ng kaklase ko ang nakaturo kaya ang resulta? Lahat sila, may Monterro. Grabe!
" Oi Risha, okay ka na ba?" Bungad ni Ken pagkapasok ko sa classroom. Ngumiti ako.
" Ang ganda talaga ni Risha.."
" Oo nga. Bagay naman sila ni Maxson kesa kay Megan noh."
" Pero bagay din naman sila ni Ken eh."
Seriously? Paano napasok si Ken sa usapan? Psh. Mga sipsip talaga sila. Nalaman lang na kapatid ako ng isang ' Rishon Jung ' magbabait-baitan na? Aba bongga.
Umupo na ako and nagkwentuhan nalang kami ni Ken. Wala pa si Max eh. Late malamang nagising. Ganyan na siya noon pa man. Nung sa States nga eh palagi yang natutulog ng mga 2am. Tapos gigising ng 11am. Grabe. Buti nalang di siya na drop ng mga teachers dun.
" Oi Risha, nga pala. Birthday ko sa Friday. Sama ka?" Tanong ni Ken sakin.
" Saan ba?" Tanong ko.
" Sa resort lang naman namin. Magswimming sandali then uuwi ng mga gabi. May driver and service naman kaya walang problema at saka, half day kaya." Sabi niya and ngumiti. Napaisip ako. Mukhang masaya yun.
" Sino kasama?" Tanong ko. Baka ma-OP ako dun eh pagibang tao.
" Buong 3-A. Ano? Payag ka?" Tanong ulit niya.
" Papaalam muna ako sa parents ko. Baka magalit sila." Sabi ko. Nagpatuloy na ulit kami sa pagkwentuhan. Ang dami na naming napagusapan. Madaldal pala si Ken. And marami kaming napagkasunduan. Grabe. May pagkapareho kami ni Ken. Galing nga eh. Haha.
Pero nagulat ako ng may biglang humalik sa pisngi ko. Paglingon ko, nakangiting Maxson Park ang nakita ko. Omo. Ang gwapo! Hehe.
" Good Morning Ish." Sabi niya and umupo na sa tabi ko. Bale ganito na seating arrangement namin.
Ken Me Max
Di ko alam pero feeling ko biglang naging awkward. Ewan ko. Ako lang ba to o sila rin?
Nang lumingon ako kay Max, pumasok na naman sa isip ko ang sa kahapon.
"Hey People in The Philippines! Wait for me! Im coming back home to get back what's mine. Hehe. See you all soon. Mwuah.. :*"
She's really coming back? Bakit? Bakit ngayon pa na, malapit ko na sagutin si Max? Hay. Naiiyak na naman ako.
" Tss." Rinig kong sabi ni Ken kaya napalingon ako sa kanya. Problema nito? Bahala na nga.
Bigla namang may lumapit sakin. Si Rika and Mika to sa pagkakatanda ko. Yung kambal sa room namin. Super bait nila. Nakaupo sila sa unahan ko.
Nakangiti sila sakin kaya napakunot ang noo ko. Bakit sila mukhang masaya?
" Ohayo Gozaimasu, Risha-chan." Ay nakalimutan kong sabihin na Japanese sila. Cute nila. Hehe.
" Annyeong haseyo." Bati ko pabalik. Ngumiti sila at lumapit sakin. Si Ken and Max, nagsasoundtrip lang. Tahimik nila. Hmp.
" Sabi na ikaw kapatid ni Rishon-san eh." Sabi ni Rika.
" Bakit?" Tanong ko. Bakit ba big deal kung kapatid ako ng isang Rishon Jung?!
" Wala naman. Pansin lang namin eh. Kasi may pagkahawig kayo." Sabi ni Mika. Tumango lang ako. Kaya naman pala eh. Akala ko, isa sila sa mga fan girls ni Rishon hyung, na mga katulad nina Megan. Pero hindi naman pala. Akala ko magagalit sila.
" Alam mo ba, Risha-chan.. Matagal ka na naming gusto maging kaibigan." Sabi ni Rika. Oh?
" Eh bakit di kayo lumapit sakin? Akala ko nga, ayaw niyo sakin eh." Sabi ko. Totoo. Gusto ko sila maging friend. Pero wala namang gusto makipagkaibigan sakin eh.
" Eh nakakaintimidate ka kaya. Akala kasi namin, mataray ka. Kaya di kami lumapit. Pero ngayon na nalaman namin na mabait ka talaga, lumapit na kami. At saka, parang ang sarap mo kasama at kausap" sabi ni Mika. Ngumiti naman ako. Ganun pala yun.
" Well, pwede naman. Di naman ako mapili ng mga kaibigan eh." Sabi ko. Tumili sila bigla na ikinagulat ko. Luh? Anyare sa kanila?
Nabigla ako ng kirutin nila ang magkabila kong pisngi. Si Mika sa kaliwa and si Rika sa kanan kong pisngi.
" M-mashakettttt.." sabi ko.
" Ang cute mo talaga, Ri-chan..."
" Yeah. Your so sweeettt, Ri-chan.."
Sige lang. Pramise di masakit. Hindi talaga. (-.-). Okay na sana eh kasi kinompliment nila ako. Kaso,.ang pisngi ko, pinarusahan.
" Oy Mika! Rika! Tigilan niyo na si Risha! Nasasaktan na siya oh!" Finally! Binitawan na nila ang pisngi ko. Thank you talaga Ken! Humarap ako kay Ken and bigla siyang niyakap. Wala lang, happy ako kasi tinulungan niya ako. Bakit ba? Wala namang masama diba?
" Ayiiieeeee!!!!!"
" Arema~ So sweet.." tili nina Mika at Rika. Ano ba naman sila. Kitang friendly hug labg yun. Dudumi ng mga utak eh.
" Psh." Nabigla ako ng biglang tumayo si Max at padabog pa ha. Lumabas naman siya. Kitang magsisimula na ang klase eh. Problema nun? Parang kanina lang, si Ken ang ganun pero ngayon. Anyare?
" Ay! Diba may manliligaw ka na Ri-chan?" Tanong ni Mika. Tumango ako.
" Ay oo nga pala, nee-chan! Si Max nga pala yun! Arema~ Nagalit ata." Sabi naman ni Rika. Bakit naman magagalit si Max. Unless...
" He's a jealous type pala." Sabi ni Mika and napailing nalang ako. Nagselos nga yun. Hay nako Max. Pero, baka naman, may gagawin lang? Baka nga. Kasi di naman siya namumula eh kaya hindi siya naiinis. Oo. Baka may pinuntahan lang. Bahala na muna siya. I'll just talk with my new friends first. Hehe (≧▽≦).
***
Maxson's Pov
The hell?! Bakit wala pa rin siya? Kanina pa ako naghihintay kay Risha dito! Argh.
Kainis. Kaya lang naman ako.nagwalk out dahil nagseselos ako kay Ken. Oo na. Seloso na ako. Pero di niyo naman ako masisisi diba? Eh kanina nga, sandali lang ako pinansin pagkatapos, di na ako pinansin. Palagi na siya nakaharap si Ken. Bwiset! Ako manliligaw diba?!
Di yata ako susundan ni Risha. Minsan talaga, manhid yun. Kainia naman. Kitang nagpapalambing lang! Masama ba yun?!
Bumalik nalang ako ng room. Magsisimula na rin kasi ang klase namin. Bahala na nga.
Pagdating ko dun, kumulo bigla ang dugo ko. Sino ba naman kasi ang hindi magseselos eh kung maabutan mong magkahawak kamay sila? Hindi siya literal na nakahawak. Nakapatong ang kamay ni Ken kay Risha. And, nagtatawanan pa! Kainis na talaga!
Padabog akong umupo sa upuan ko and dun, napansin na ako ni Risha. Nakangiti siya.
" Oh Max, san ka nagpunta?" Tanong niya.
" Wala." Cold kong sabi and di na siya pinansin. Di ba niya nahahalata?!
Im Freakin Jealous!
________________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...