Riana's POV
Bakit ang taray ni Lola M? Tapos ang mesteryoso masyado. Gosh. Sumasakit brain cells ko. ( kung meron man ).
Eto ako. Staying beautiful yet looking like a fool standing in the music room. Iniisip ko ang sinabi ni Lola M. Anong message? Wala naman akong nareceive ah.
" Tara na nga. Nagugutom na ako. Sasakit lang ulo natin kakaisip." Sabi ni Trix.
Nagsitanguan kami at lumabas na.
Naglalakad kami papunta sa cafeteria ng biglang dumating sina Maxson at Risha.
" Noona... Punta ka daw sa office ni Lola." Sabi ni Max kay Maxhie. Umirap muna siya. Di na ako magugulat pag nanatili yung eyeball niya sa taas. Brr.
" Sama ako Maxhie. Di pa naman ako gutom." Pag presinta ni Aira. Tumango si Maxhie at umalis kasama si Maxson at Risha. Para talagang may something sa dalawang yun. Ewan ko.
" Tara na nga." Sabi ni Trix. Ang sungit talaga ng bruhang to. Aish. Inirapan ko siya at naunang naglakad. No one orders me around. I do that.
" Aish. Nangiwan daw ba?" Rinig kong bulong niya. Sumabay na siya sakin at sabay kaming pumasok sa maingay na cafeteria. Yung nga lang, pagpasok namin, Tumahimik ang paligid. Andito daw ba ang Royals. Break time palang marami ng tao. Mga Patay gutom.
Naglakad kami sa may bilihan at agad namang humiwalay ang mga tao. Hindi naman kami nagsalita pero umalis sila. Bahala nga sila.
Bumili na si Trix. Ako na sana ang binili kaso may sumingit na lalaki. Nag gasp naman ang mga nakakita. Ang OA nila pero dapat pa!a yun ang ireact nila cause, SOMEONE just blocked my precious way. NAINIS naman ako. I don't like it when someone blocks my way or stop what I'm doing. I hate those people. Don't they know what is freedom?
Hinawakan ko ang balikat niya para humarap siya sakin at mas lalo akong NAINIS to see my ex-bestfriend.
" What?!" Tanong niya habang naka taas ang kilay. Nameywang ako at tinaasan rin siya ng kilay.
Mataray siya pero mas Mataray ako. Yun nga lang, PINAKA Mataray si Aira.
" Diba ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Who are you to overpass gorgeous me?" Irita kong tanong. He smirked.
" Oh really? Saan banda ka maganda? " aish. Bwiset kang lalaki ka
" Every angle. And you Mr. Josh ' Impakto ' Ynarez, you better move out of my way.!" Sabi ko. He smirked again and tinalikuran niya ako?! The heck is wrong with him?!
Hinawakan ko ulit ang balikat niya at iniharap siya sakin.
" Bakit ba?!" Aba. Siya pa may ganang magalit eh siya nga tong sumingit
" Umalis ka sa harap ko." Sabi ko at tinulak siya sa likod ko kaya ako na ang nauna! Ha-ha.
Bibili na sana ako ng hinatak niya ako kaya siya ang nauna. Damn him.
" UMALIS KA NGA DIYAN!!!" Sigaw ko. He rolled his eyes at me. How dare he?
Sa sobrang inis ko, lumapit ako sa isang babae na may hawak na juice at kumakain ng spaghetti. Kinuha ko yun pareho at sinamaan ng tingin ang babae. Aangal pa kasi eh
Bumalik ako kay Josh na nakatalikod sakin ngayon kaya tinawag ko siya
" HEY JOSH YNAREZ." Sigaw ko. Ng humarap siya, tinapon ko sa mukha niya ang spaghetti at binuhos ang juice sa ulo niya. Wala pang bawas ang juice kaya marami din yun. Natahimik naman ang lugar. Yung mata niya, nanlaki agad. Hahaha
" THE HELL IS WRONG WITH YOU?!!!" Sigaw niya. I smirked.
" I told you not once but twice to get out of my way. Now that's your punishment. Now move out monkey." Sabi ko at tinulak siya. He screamed in frustration bago umalis ng cafeteria. I smiled victoriously
Victory is always on my side alright. That's Riana Bautista for you.
Trixie's POV
Kahit kelan talaga war freak tong si Riana. Ngayon, nakaupo na siya habang kumakain na nakangiti. Parang wala lang. Wala lang naman talaga yun para sa kanya eh. Hay. Palibhasa kasi, palaging panalo to. Barahan, pakikipagsigawan, pakikipagsampalan, pakikipagkulitan. Name it. Palagi yang panalo. Sa mga masasamang pakulo siya pinakamagaling. Ewan ko sa babaeng to. Matanong nga si Tita Ria pag nagkita kami.
" Oi Riana, saan ka ba napaglihi?" Tanong ko bigla. Tinitigan niya ako like I was like an alien.
" Itanong mo sa puno, baka alam niya sagot." Sarkastikong sabi niya. Aish. Sabi ko nga at walang kwentang kausap to. Palagi nalang akong binabara.
" Bakit Hindi mo alam?" Tanong ko ulit.
" Ay pasensya na ha? Tinitigan ko sarili ko ng naglilihi si Mommy habang binubuntis ako." Bwiset tong babaeng to. Hindi ko na nga siya kausapin. Baka dumugo ang ulo ko sa pakikipagusap sa kanya.
Kumain lang kami ng tahimik ng mabored ako at tumayo.
" Punta muna ako ng library." Sabi ko kay Riana na ngayon ay natwitwitter.
" Ge. Puntahan mo na mga kampon mo." Sabi niya ng hindi ako tinitignan. Ang rude talaga ng babaeng to. Hmp. Bahala siya dyan.
Umalis na ako ng table namin. Wala pa rin sina Maxhie. Asan na kaya sila?
Habang naglalakad ako, may bumangga sakin. Kilala ko to. Ito yung nagtransfer last week.
" Watch where your going bitch!" Maarte niyang sabi. At kapag sinabi kong transferee, ibig sabihin Hindi niya alam kung sino ako.
" Eh kung tumingin ka rin kaya sa daan mo?" !masungit kong sagot. She gasped at nanlalaki pa ang mata at nakatakip ang kamay niya sa bibig niya. Para talagang na shock siya. OA ng babaeng to.
" Did you just tell me what to do?!"
" Di ba obvious?!" tanong ko at nagflip hair. She glared at me.
" You dont know me here bitch. I'm Kim Sy and I am very rich. You better know who you cross paths with." Sabi niya. I sighed and out my hands on my waist. Tinitigan ko siya ng seryoso.
" I don't care who you are. I don't care if your rich. Remember this, you may be rich but I am richer. And I'm Trixie Ramirez. I'm your father's boss' daughter. So watch your mouth cause you just pushed my buttons." Sabi ko at binangga ang balikat niya ng malakas kaya napaupo siya.
Yup. The Sy Corporation is on my father's hand. Hawak namin ang kompanya nila. At maling galaw nila, they'll have to live in the streets.
Akala niyo mahinhin ako. Hindi warfreak. But hanggang akala niyo nalang yun. Cause I'm still an A class bitch.
___________________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Teen FictionRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...