19: Meet the Amazona Queen

708 19 0
                                    

Maxhiene's Pov

" Nag resign na si Ms. De Guzman." Sabi ni Lola M pagkapasok ko sa office niya.

" Ang bilis naman." Sabi ko at umupo. Napabuntong hininga siya.

" My ghad Max... Your class had 21 math teachers already but they all resigned. Ano bang problema ninyo?!" Inis na tanong ni Lola. I smirked.

" Halmoni, ayaw namin sa kanila kasi, mga tanga sila. Mga walang kwenta at mga panget. Why not hire a teacher who is tough enough to face us." Sabi ko. Napaisip si Lola at napasmirk din. Parang may mali eh. Nararamdaman ko. Hala. Baka nakasuggest ako ng mali nito.

" Your right... Hehe... By tomorrow, may bago na kayong math teacher. Good luck to you." Sabi niya. Bakit kailangan niyang sabihin yun samin eh dapat yung bagong guro namin? Diba? Psh.

Tumayo nalang ako at lumabas na ng makita ko si Josh sa gilid ng office, nakasandal sa pader na nakayuko. Nang mapansin ang kagandahan ko, tumingin siya sakin. Ngumisi ako.

" What do you need Josh?" Tanong ko at lumapit sa kanya. Nagiwas siya ng tingin at napabuntong hininga

" I dont wanna be part of your plans anymore, Maxhie." Sabi niya. Napasmirk ako.

" I dont care... Tapos na rin naman ang part mo. Your not a lost at all, Josh." Sabi ko at aalis na sana pero hinila niya ako pabalik.

Tinitigan niya ako. Ng masama.

" Im warning you, Maxhiene. Stop this. Ayaw kong mawala ang kaligayahan ng kaibigan ko." Sabi niya. Ngumiti ako at inalis ang kamay niya sa braso ko.

" Are you seriously warning me? Ha. I should be doing that, Josh. Alam na alam mo na kapag may sinimulan ako, tatapusin ko. By hook or by crook. Wala akong pakialam sa letseng kaligayahan ng letse mong kaibigan." Sabi ko. Nakita kong nainis siya kaya sinubukan niya akong sikmuraan pero nakailag ako at sinuntok siya sa mukha kaya napaupo siya.

" Try me Josh Ynarez. I can destroy anything i wanna destroy." Sabi ko at iniwan na siya dun.

Akala niya maiisahan niya ako? In his dreams.

Hindi niya kilala kinakalaban niya. Hindi ako matalino pero hindi ako tanga at maniniwalang loyal siya at hindi ako babaligtarin.

* time skip *

" Good morning, Trix." Bati ko pagkapasok ko sa room. Kahit andyan si Aira, hindi ko binaggit pangalan niya.

" Morning... Nakita mo ba si Riana? Kahapon kasi, bigla siyang nawala." Tanong ni Trix. Nagtaka ako.

" Nawala? Diba kahapon nandito pa siya?" Tanong ko at umupo sa upuan ko. Nakita kong medyo nailang si Aira. Baka nahalata niyang alam ko na.

" Oo.. Tinawagan namin, hindi naman sumagot." Sabi ni Trix at napahawak sa chin niya. Hmm.

Magsasalita pa sana ako ng magring ang phone ko.

" Gorgeous Maxhiene Park here, who the hell is this?"

[ Maxhie.... S-si Riana to... Di muna ako.. papasok.]

" At bakit?"

[ Wala ka na dun. Ge.]

* toot toot *

At anong problema ni Riana?! At talagang binabaan niya ako?! Aish. Parang hindi siya yun kasi masyadong seryoso ang tono ng pananalita niya.

" Sino yun?" Tanong ni Trix. Naaawa ako sa kanya. Kasi para siyang walang alam sa mga nangyayari. Pakiramdam ko kasi, si Riana, alam na.

" Si Riana.. Di daw muna papasok. Ewan ko dun." Sabi ko at nagkibit balikat. Di na masyadong masakit ang kamay ko kaya okay na ako.

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon