39: Weird

564 18 0
                                    

Dylan's Pov

" Brad, mukha kang aso sa sobrang lapad ng ngiti mo." Komento ni Josh nang makalabas si Michael sa mansion nila.

Nakasakay kaming sa kotse ni Rishon. Andito kami sa tapat ng mansion nina Michael. At ang gago, lumabas ng mansion na nakangiti na parang wala ng bukas.

Pumasok si Michael and umupo sa likod kasama si Josh. Di pa rin nawawala ang ngiti niya. Si Rishon, tahimik lang na nagdrive sa driver seat. Suplado kasi ng lalaking to.

" Wala.. Masaya lang ako." Sabi niya. Then, napansin ko na biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Josh na ubod ng kapangitan.

" Dude.... N-nevermind." Sabi ni Josh sabay suot ng headphones niya. Ewan ko sa bipolar na to.

Papunta kami ngayon sa bahay ay mali.. Mansion nina Tita Xhiena. Practice daw.

Tahimik lang kami sa kotse. Mabilis lang naman kami nakarating sa mansion nina Maxson. Paano ba naman, ang bilis magpatakbo ni Rishon. Pero kubg sabagay, hindi naman namin binibigyan pansin ang rules and limitations sa daan. We do what we want. And no one cant stop us.

Binuksan ni Mang Jules, paboritong bodyguard ni Maxhiene, ng gate. Mabait naman siya.

" Magandang umaga mga iho." Bati niya.

"  Magandang umaga din po Mang Jules. Ang gwapo ko ngayon diba?" Sabi ni Josh na sumilip sa bintana. Tumawa nalang si Mang Jules.

" Ulol. Mangarap kang gago ka." Sabi ko.

" Oh siya. Pumasok na kayo. Andun sina Maxhiene sa may garden." Sabi niya.

" So Maxson, Manong Jules?" Tanong ni Rishon.

" Bumisita sa mga pinsan niya. Dun sa Tito Mike ata niya." Sagot ni Mang Jules kaya tumango na kami at pinasok na ni Rishon ang kotse. Nang maparada na niya, lumabas na kami at naglakad papunta sa garden nila. Grabe, nakakapagod maglakad papunta sa dun. Ang haba ng lalakarin.

Pero kung makikita ko naman si Trix ko dun, aba mamomotivate ako at bibilisan ko ang pagpunta dun. Psh.

Nakarating na kami sa garden nila at nakita ko sila na nakaupo sa mesa dun and umiinom ng tea ata yun. Babae nga naman. Pero pansin ko, iba ang aura nilang apat. Parang, ang saya nila. Bakit kaya?

" ARF! ARF!" biglang tahol nung aso ni Maxhiene na si Shea. Tumakbo papalapit samin si Shea. Specifically, kay Rishon. Oh. Right. Kalaro ni Rishon si Shea nung bata pa kami.

" Shea! Come here girl!" Sigaw ni Maxhiene. Bumalik naman agad sa kanya si Shea.


" Oh, andyan na pala kayo. Magplano na tayo." Sabi ni Aira na medyo nakangiti. At naweirduhan ako dun. Kasi diba nga, mataray siya? Eh bakit parang nakikita ko ulit ang childhood friend ko na si Aira na Smiling Princess? Magugunaw na ba ang mundo?

" Good morning." Bati ni Michael, habang nakatingin kay Aira na nakangiti. Kumunot ang noo ko dun.


" Good morning." Sabay na bati ni Aira at Maxhiene na ikinagulat ko at ramdam ko pati si Rishon at Josh. Si Trix ko at Riana, walang pakialan kasi nakikinig lang sila sa music. Baka di narinig.

Pero bakit binati nila pabalik si Michael? Di ba ayaw nila sa amin? Ayaw nila sa amin ng Rebels?


" So, lets start planning? Sayang ang precious kong oras." Sabi ni Maxhiene sabay balik sa poker face niyang mukha. Si Michael, ngiting aso pa rin.


Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon