20: Someone is Back

713 19 0
                                    

Trixie's Pov

May napapansin na ako sa mga kaibigan ko. Si Riana, sa tingin ko ay hindi pumasok kasi may problema siguro. Baka yung dahilan kung bakit siya umiyak.

Si Aira at Maxhie naman, nagkakailangan. Si Maxhie, pinaparamdam niya ang cold shoulders niya kay Aira. At ako? Nagtatampo kasi, parang wala akong alam sa mga nangyayari. Silang lahat, may problema, at ako? Gustong malaman pero walang nagsasabi sakin ng sama ng loob. Ang unfair lang.

"Aira, may problema ba kayo ni Maxhie?" Tanong ko agad nang lumabas si Maxhie. Papunta yata sa library kasi naparusahan. Gaga kasi yun eh. Suntukin daw ba ang fiber glass. Psh.

" W-wala." Halata naman. Nauutal siya eh. Ganito si Aira pagnatetense o may problema. Nawawala ang Autistic Aira Aseros pag may problema siya.

" Sabi mo eh." Kibit balikat kong sabi. Hindi ko muna siya pipilitin. Baka kailangan niya ng space. Hindi naman ako tampuhin, clingy at mababa ang pasensya na kaibigan. I give the things my friends need. Okay, tama na. Ang cheesy ko na pakinggan.

" Okay, so, sino ang class president niyo?" Tanong ni Tita Xhiena. May mga natatakot sakin, pero kay tita, LAHAT takot sa kanya. Maski ako at si Maxhie. Both Royals and Rebels.

Walang sumagot. Mga takutin. As if ako hindi. Haha.

" IF I ASK A QUESTION, YOU ANSWER! GET IT?!" sigaw niya. Napatango nalang kami. Jusko naman. Naiihi na ako sa takot.

Nagtaas ng kamay si Kae, president namin.

" A-ako po... M-mrs. X-xhiena." Nauutal niyang sabi. Ngumiti si Tita. Nakakakilabot.

" Okay. Starting today, babaguhin ko na ang class officers. Get it?" Lahat kami nagulat. Hindi naman kasi pwedeng baguhin ang class officers lalo na at kalahati na ng taon. Malapit na nga ang pasko tapos ngayon pa kami magpapalit?!

Walang umangal. Kahit gusto nila, wala silang magagawa. Xhiena Jan Park yan eh. Lahing Jan-Park. Kilalang kilala ang angkan na yan.

" Bukas, paguusapan natin yan. As for now, continue what ever you are doing." Sabi ni tita at tinutok ang atensyon sa kanyang laptop.

Ano kaya ang mangyayari sa amin simula ngayon na isa sa mga Amazona 8 or better yet, ang mismong leader ang adviser namin?

Lord, alam kong masama ako pero sana po wag niyo akong hayaan mamatay sa takot. Ang bata ko pa po.

Timeskip

" Class dismissed. Just wanna remind, walang dapat magcut ng klase. Alam niyo na ang manyayari pagsinuway niyo ang utos ko." Sabi ni tita bago umalis. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko. Break time na kasi. At talagang nagpakawala sila ng malalim na hininga. Siguro, pinipigilan nilang huminga sa takot kanina.

" Trix, tara na." Aya ni Aira. Ngumiti ako at tumango. Lumabas na kami ng classroom at as usual, kami ang unang pinalabas. Wala man lang silang balak sabayan kami eh malawak naman ang pinto. Psh.

Habang naglalakad papuntang cafeteria, may narinig kaming bulung bulungan.

" kawawa naman sila."

" oo nga. Ang init pa naman sa labas."

" Pero gwapo pa rin sila."

Sumilip kami sa labas na pinagkagaguguluhan ng mga babae. And nandun sa baba ang Rebels. Nagwawalis na halata namang hindi marunong. Paano ba naman kasi, ang lakas nila iwalis kaya nagkakalat ang mga dahon.

Royals vs RebelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon