Trixie's Pov
" Okay class, we'll have a group project. Since your all 20 students, we'll have 5 groups. You pick your group." Sabi ni ma'am. Naghanap naman ng mga kagrupo ang iba. While us Royals, chill lang.
" Tayo nalang." Sabi ni Aira.
" Ewww... You wanna be a lesbian na Aira?" React ni Riana. Napangiwi naman si Aira. Akala siguro ni Riana ay gusto makipag relasyon ni Aira sa aming mga babae. Hay Naku.
" Kadiri. Of course I don't. Tayo lang naman ang palaging magkagrupo eh." Sabi niya.
" Sana sinabi mo agad diba? Duh." Sabi ni Riana tsaka inirapan si Aira.
" Okay class, just research more about the different laws of time and space... Dismissed." Sabi ni ma'am at lumabas na.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko. At siyempre, nagmamadaling pumunta sa cafeteria. Palibhasa, lunch break na at gutom na gutom na sila. At saka, maraming tao sa cafeteria. Mga Patay gutom.
Tumayo na rin sina Aira.
" Tara na. Gutom na ako." Sabi ni Riana. Tumango lang si Aira at Maxhie. Umiling ako.
" Mauna na kayo. Punta muna ako ng library. Hihiramin ko lang ang libro na gagamitin natin sa research natin. Ge." Sabi ko at umalis na papuntang library. Ako lang naman ang palaging nagaasikaso ng mga research eh. Palibahasa kasi, grade conscious ako. Ayaw ko bumagsak. I'm aiming for valedictorian.
Habang papunta sa library, nararamdaman ko na naman na may nakatingin sakin. Matagal ko nang nararamdaman na may nakatingin sakin. Kahit nga kasama ko sina Maxhie eh parang may nakamasid sakin. Freshman year palang, naramdaman ko na. Pero binabaliwala ko kasi naisip ko, baka isa lang to sa mga stalker ko.
I shrugged the thought away at pumasok na ng library. Walang tao dito maliban sa librarian na kumakain. Dito na siya kumakain kasi, kailangan bantayan ang library. Kasi minsan kasi, may mga nawawalang libro. Bawal kasi ang kumuha ng libro ng walang Paalam eh.
Napatingin siya sakin ng pumasok ako. Nanlaki ang mata niya at napatayo.
" Good afternoon, Miss Trixie."
Ganyan naman palagi eh. Ginagalang kami ng lahat ng staff. Palibhasa kaso, apo si Maxhie ng principal. Spoiled yun kay Lola M. Dahil sa mga bestfriends kami ni Maxhie, tinuring na rin kami bilang isang apo ni Lola M. Ang cool minsan pero nakakairita madalas.
Naging masungit lang naman ako dahil sa isang pesteng lalaki eh. Nasaktan ako kasi Hindi niya ako iniintindi habang ako, palagi nalang siya iniintindi. Ang unfair naman diba?
Hindi ko nalang pinansin ang librarina at pumasok na. Naghanap agad ako ng libro para makakain na ako.
Habang naghahanap ako, narinig kong bumukas ang pinto ng library. Pero Hindi ko yun pinansin at ipinagpatuloy ang paghahanap.
Nangmahanap ko ang hinahanap ko, Napangiti ako pero nawala agad yun kasi Hindi ko maabot. Nasa pinakamataas kasi eh. Dahil mabigat ang ladder, sinubukan ko nalang talunin. Malapit ko na sanang maabot kaso lang nung huli kong talon nakuha ko pero namali ng tapak ang paa ko kaya na off balance ako. Napapikit nalang ako at hinintay na bumagsak ako pero, naramdaman ko nalang na may nakasalo sakin.
Minulat ko ang mga mata ko at nanlaki agad yun ng makita ko si Dylan Lopez. My first love and first heart ache. Nakayakap ang mga kamay niya sa beywang ko habang nakayuko. Nagkatinginan kami. Ang awkward lang.
4 years.... 4 years na ang nakalipas ng huli kong matitigan ng matagal ang mga mata niya. Ganun pa rin. Ang kaso, Hindi na siya yung mga mata na puno ng saya. Walang makikitang emosyon sa mga mata niya. Pero, kita ko ang lungkot. Malungkot siya.
Nagkatinginan kami sandali pero agad naman kaming natauhan. Umayos na ako ng tayo at inayos ang uniform ko. Pinulot ko ang libro na nahulog at lumingon ulit kay Dylan.
" Thanks." Malumanay kong sabi saka naglakad paalis pero hinawakan niya ang kamay ko
Dug dug
Dug dug
Eto na naman ang tanga kong puso. Tumitibok na naman. Lechugas to eh. Napatingin ako sa kamay namin at tiningnan siya.
" Can we talk now?" Seryoso niyang tanong. Natahimik kaming dalawa. Pwede na nga ba? Eh ano naman kung mag usap ulit kami? Wala naman sigurong magbabago diba? It's been 4 freaking years.
Pero ano pa nga ba ang paguusapan?
Humarap ako sa kanya at binawi ang kamay ko.
" What about Mr. Lopez?" Nakangiti kong tanong. Nakita ko na napakuyom ang kamao niya. Problema nito?
" You know what I wanna talk about Trix." Feeling close rin tong isang to.
Napabuntong hininga ako.
" Let me remind you Dylan, wala na tayong kahit anong koneksyon. So better know your place in calling my name." Sabi ko. Ayaw na ayaw ko na may tumawag sakin ng Trix kapag Hindi ko kaano ano. Trixie is better.
" And you think I care?! So ganun ganun nalang ha Trix?! Kakalimutan mo na agad ako?!" Sigaw niya. Napacross arms ako. At tinaasan siya ng kilay.
" Excuse me Dylan. First, wala kang karapatan sigawan ako. Second, eh ano naman kung kalimutan kita? What's it to you?! Third, I don't care if you don't care." Sabi ko. Ginulo niya ang buhok niya. I must say appealing pa rin siya kahit magulo ang buhok niya. Pero ano naman?
" Damn it Trix.... Sa tingin mo ba ginusto kong maging ganun ang lahat?! Magkahiwahiwalay tayong lahat?! Shit. Kahit kelan Trix, Hindi ko ginusto na mabuwag tayo. Tayong lahat." Sabi niya.
" Kasalanan niyo naman ni Rishon ang lahat eh. Siya, ang main reason kung bakit lumayo kami. Siya ang nang reject. Siya ang nanakit ng tao. Tapos ikaw. Ikaw na hindi naiintindihan ang situation na meron tayo. Pinaintindi ko sayo kung bakit, pero Hindi mo naiintindihan. Ako. Ako ang palaging umiintindi sa lahat ng desisyon mo. Hinahayaan kita. Hinahayaan kita sa gusto mong gawin. Pero nung ako ang may desisyon. Iniintindi mo ba ako noon? Hindi diba?! Ang unfair na Dylan. Ako palaging payag sa lahat ng gusto mong mangyari. Pero kapag ako? Hindi. Palaging hindi. Kelan ba ako magkakaroon ng oras para sa sarili ko? Kelan ba ako pwedeng magdecide para sa sarili ko? Nagkaroon ako nun ng naghiwalay tayo. Nakakapagod rin kasi Dylan eh pagikaw lang ang nssusunod. Parang ikaw ang amo ako ang aso. Pagod na pagod na ako kaya nakipaghiwalay ako. Para makahinga. Kasi Dylan, nasasakal na ako. Napagod ako sa pagsunod sayo kaya tinapos ko na lahat.... Kayo naman talaga eh. Naiipit lang kami. Naiipit sina Aira, sina Riana, sina Josh at maski si Michael. Nasira niyo ang mga relasyon na meron sila. Ang relasyon nila bilang mag bestfriends. Dahil sa inyong dalawa ni Rishon, nagbago ang lahat. Nagbago kami. Kaya Wag na Wag mong sasabihin na hindi mo to ginusto. Hindi NIYO to ginusto." Sigaw ko at tumakbo paalis.
Hindi ko na naipagpaalam ang librong hawak ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.
Dahil sa selfish sila, naghiwalay na kami. Naghiwalay kami ng Royals at Rebels. Dahil SELFISH SILA.
____________________________
BINABASA MO ANG
Royals vs Rebels
Novela JuvenilRaven High, isang paaralan na kilala sa buong Pilipinas. Mayayaman, magaganda at maimpluwenisiyang tao lang ang nagaaral dun.... Pero may nakakataas... May mas mataas pa kesa sa Principal. Mas mataas sa President ng RH... Mas maimpluwensiya sa laha...